Epilogue

9.3K 175 54
                                    

Madalas kong mapansin ang babaeng palaging kasama ni cassy sa bahay. Madalas itong pumupunta sa amin. Lumipas ang mga taon ay naging malapit ito sa akin.

Ang akala ko ng una ay nag-aalala lang ako sa kanya dahil parang kapatid ko na ito. For the fuck sake disisais anyos palang ito samantalang ako ay bente tres na.

Tumagal ng tumagal ay lumalalim na ang pagtingin ko sa kanya. Ipinangako ko sa sarili ko na kapag legal na edad na ito ay tsaka ako aamin. Wala akong pakielam kung sabihan nila ako mg bantay salakay.

Dumating na ang pinaka hihintay ko. Nasa tamang gulang na sya. Sinundan ko ito sa pinagtatrabahuhan nito. At nakita kong binabastos sya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinuntok ko yung lalaking yon.

Nasa kusina ako dahil magluluto sana ako ng meryenda nang biglang pumasok roon ang kapatid ko at si sifria.

"May itatanong daw sayo si ria." Yan ang sabi ng kapatid ko. Agad akong dinaga tangina dinaig ko pa teenager.

"Kuya kasi ano e... ahmm... wala ka namang gusto sakin diba?" Sabi nito sa akin. Ilang segundo lang akong nakatitig sa kanya dahil kinakabahan ako gago. Pero agad nyang binawi ang tanong nyang iyon.

"I like you sifria. No scratch that. I'm inlove with you. All these years ikaw lang sifria." 

Sa wakas nasabi ko rin. Pero sinabi nito sakin na hindi nya ako gusto at baka naguguluhan lang raw ako.

Hindi  pa nga ako nanliligaw basted na agad ako. Kaya niyaya ko nalang ang mga kaibigan ko na mag-inom.

"Broken si gago!" Pang-aasar ni rexter sakin na hindi ko nalang pinansin.

Nang makauwi ako ay naabutan ko si sifria sa kusina at ang malala ay hinalikan ko pa talaga sya kaya dalwang linggo syang walang punta punta sa bahay.

Hinanap nya sakin ang hoodie ni cassy kaya ang ginawa ko ay pinasunod ko sya sa kwarto. Nakita ko ang pagkagulat nya nang makitang naghubad ako ng pang itaas. Ayaw mo sakin pwes aakitin nalang kita.

Hanggang sa hindi ko na nakayanan niligawan ko sya kaya sobrang saya ko nalang ng sagutin nya ako. Pero nag uumpisa palang kami may sagabal na agad si Nate.

Napag-usapan na namin ang tungkol sa lalaking yon at alam ko namang ginagawa nya ang lahat para iwasan ito. Akala ko ay okay na ang lahat pero hindi pala. Simula nung dumating si papa ay nagkaproblema na lahat.

Pansin ko na palagi nyang pinapasama sa akin si nitch pero hindi ko nalang pinag tuunan ng pansin iyon. Dumating ang bisperas ng bagong taon nangako ako kay sifria na tatawagan ko sya at sabay kaming magcocount down pero kahit saan ako maghanap ay hindi ko makita ang cellphone ko.

Tinanong ko si papa kung nakita nya ba iyon pero ang sabi nya ay hindi. Niyaya nya akong uminom at napadami iyon gustuhin ko mang bumangon para tawagan si sifria ay hindi ko magawa.

Kinabukasan ay inabot sakin ni papa ang cellphone ko ang sabi nya ay nakita nya lang raw yon sa may kusina. Nang dahil don ay iniwasan ako ni sifria pinuntahan ko sya sa bahay nila pero hindi ko inaasahan na masasaktan pala ako nang malaman kong ayaw sakin ng mama nya.

Nilait lait ako nito pero nag manhid-manhidan ako dahil mahal ko si sifria. Akala ko ay ipagtatanggol nya ako sa halip ay pinaalis lang ako nito.

Naging maayos na kami. Lagi ko syang ina update dahil ayokong maulit muli iyon. Hanggang sa mapansin namin na madalas na naninikip ang dibdib ni mama. Sinabi na namin na ipa check up nya yon pero ayaw nya. Madalas ring wala sa bahay si papa at di namin alam kung saan ito pumupunta.


"Hindi kailangan ni sifria ang hampas lupang katulad mo! Sa tingin mo makakayanan ni ysa pag nalaman nyang nangangaliwa ang asawa nya?"

Sya ang nagsabi sa amin ng totoong sakit ni mama at handa itong magbigay ng pera pampagamot pero hindi ko iyon tinanggap.

Chasing WolfWhere stories live. Discover now