Chapter 12

3.2K 76 0
                                    

NAGISING ako sa boses ni manang delia.

"Jusko maryosep kang bata ka, bakit dan ka natulog. Anong nangyari sayo?"

Unti unti akong nagmulat ng aking mata. Sobrang sakit ng ulo ko kakaiyak kagabi.

"Jusko anak ano bang nangyari sa iyo. Bakit ganan ang muka mo? Pagang paga ang mata mo." Sabi nito.

"M-manang akala ko po bukas pa kayo uuwi a-uno palang po ngayon ah?" Tanong ko rito gamit ang pagod kong boses.

"Nag-aalala ako sayo hija. Simula nung saktan ka ng ina mo hindi na ako mapalagay na iwan ka. Alam mo namang parang anak na rin ang turing ko sayo."

Niyakap ko si manang at umiyak sa kanya.

"Umakyat ka na sa kwarto mo hija at ako na ang magliligpit nitong kalat. Ipagluluto na rin kita para makainom ka na ng gamot. Kaya mo bang maglakad baka matumba ka?" Tumango ako rito.

Umakyat ako sa kwarto ko at nag shower para mabawasan ang sakit ng ulo ko at pamumugto ng mata.

Nang matapos ako ay nagbihis na agad ako ng pambahay at humiga sa akin kama.

Tumunog ng tumunog ang cellphone ko dahil tumatawa si wolf. Hindi ko ito pinansin sa halip ay pinatay ko ang cellphone ko para di nya na ako matawagan.

Para maranasan nya kung gaano ako nagmukhang tanga kagabi kakatawag sa kanya. Mabigat ang aking mga mata dahil sa pag iyak kagabi.

Maya-maya pa ay kumatok na si manang delia upang dalhan ako ng pagkain at gamot.

Pagkatapos ko ron ay humiga ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko.

Nakarinig ako ng ingay sa labas. Agad akong tumayo kahit nananakit ang katawan at ulo ko.

Pag baba ko pa lamang ng hagdan ay naririnig ko na agad ang boses ni mama.

"Manang anong ginagawa nitong hampas lupang lalaki na 'to sa bahay ko?!" Sigaw ni mama.

Agad akong kinabahan at dali-daling lumabas na para bang walang iniindang sakit.

"Tita, gusto ko lang po makausap si sifria." Pagsusumamo ni wolf.

Agad lumiwanag ang muka nito nang makita ako.

"Sifria ko, mag-usap naman tayo oh. Ilang beses na kitang tinatawagan pero di mo sinasagot."

Lalapit sana ito sa akin nang itulak ito ni mama.

"At anong karapatan mong tumungtong sa pamamahay ko?! At wag na wag mo akong matawag-tawag na tita! Lumayas ka rito! Sifria! Paalisin mo yang bastardong yan!" Singhal sa akin ni mama.

Tumingin sa akin si wolf na para bang hinihintay nyang kausapin ko sya.

"Umuwi ka na Wolf ayaw kitang maka usap." Malamig na tonong sabi ko.

Nakita ko ang bahagyang pagkatigil nya sa sinabi ko. Hindi nya inaasahan ang salitang iyon na mang gagaling sa akin.

"Ano pang ginagawa mo rito?! Umalis ka na!" Galit na galit na sabi ni mama.

"S-sifria ko pag-usapan natin to hmm... magpapaliwanag ako." Pagpapaawa nito.


"Hindi ka ba nakakaintindi? Ayaw nga kitang makausap bakit ang kulit kulit mo?! Umuwi ka na!" Hindi ko na napigilan ang galit na kinikimkim ko mula pa kagabi.

Tumalikod na ako agad para hindi nya makita ang nagbabadyang luha ko.

Chasing WolfWhere stories live. Discover now