Chapter 16

7.8K 117 16
                                    

"Buntis si Nitch, Sifria. Magiging ama na ako."

Agad akong tumayo at hinarap sila.

"W-wolf ano bang k-klaseng biro yan.... H-hindi naman totoo yang mga s-sinasabi mo wold diba?" Nanginginig ang ang mga labi ko habang sinasabi ito sa kanya.

Nakatitig lang sya sakin. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata.

HINDI ko alam kung anong mararamdaman ko. Gustong gusto kong magwala gustong gusto ko silang patayin dahil sa sobra-sobrang sakit na nararamdaman ko.

Gusto kong magalit pero mas nangibabaw sakin ang pagmamahal ko kay wolf.

Agad kong hinawakan ang mukha ni wolf.

"T-tatanggapin ko yun b-bata." Walang pag-aalinlangang sabi ko.

Lumapit ako kay Nitch at hinawakan ang kamay nito.

"P-pwede akong m-maging stepmother nya n-nitch. Promise magiging mabuti akong ina sa kanya. Sorry kung nasigawan kita hmmm." Pag-aalo ko sa kanya habang naglalandas ang aking mga luha.

"Tatanggapin ko yung bata. Ituturing ko syang tunay na anak ko." Ngumiti ako kahit sobrang sakit.

"Basta 'wag mo kong iwan wolf..... 'Wag ganito wolf hmm... Hindi ko kayang bitawan ka...."

Lalong umiyak si Nitch sa mga sinabi ko. Nang tumingala ako at tingnan si wolf ay nakita kong tumulo rin ang luha nya.

Tatanggapin ko yung bata kung yun yong paraan para di ako iwan ni wolf handa ako.

"Hindi mo ba naiintindihan sifria? Magiging tatay na ako! Bubuo kami ng pamilya. Magiging masaya na ako! Bakit humahadlang ka pa..." Bakas ang pait sa boses nya.

"P-pero wolf kaya k-ko namang tanggapin yung bata....." sagot ko sa kanya.

"Hindi mo naiintindihan. Gusto kong bigyan ng kumpletong pamilya yung anak ko. Magiging masaya kami. Pero pano kami sasaya kung nandan ka?" Sabi pa nya.

Wala na.... Tapos na ang lahat... Ipinaglaban ko pero mukang hindi parin sapat.

Mapait akong napangiti.

"P-pag ba hinayaan ko kayo magiging m-masaya ka wolf?"

Tanging tango lamang ang isinagot nya sa akin.

"K-kung ganon s-sige hahayaan kita b-basta wolf hayaan mo muna akong manatili sa tabi mo kahit ngayon lang. Parang awa mo na."

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba yung sakit. Bakit ganito? Anong nangyari sating dalwa wolf? San nagsimulang maging mali ang lahat.

Hinawakan nya ang kamay ni nitch at hinila na ito palabas.

Naiwan lang akong mag-isa sa kwarto nya habang nakabukas ang pintuan.

Sobrang nanghihina ako. Napaupo ako sa sahig habang umiiyak ng umiiyak.

Maya-maya ay pumasok roon si cassy. Agad nya akong dinaluhan at niyakap maging sya ay nagsimula na ring umiyak.

"Sorry Ria" sambit nya.

Ang isa pang ikinakasakit ko ay bakit hindi nya man lang sinabi sakin ang totoo. Akala ko kaibigan ko siya pero kinunsinti nya ang kuya nya. Kaya ba ayaw nya akong papuntahin rito? Pati sarili kong kaibigan tinraydor ako.

"B-bakit nya nagawa sakin yon cass. Bakit mong itago sakin.... Naging asama ba akong kaibigan sayo cass? Nagkulang ba ako sa pagiging girlfriend? Bakit? Bakit nyo nagawa sakin 'to?"

"Sorry.... Sorry Ria..." Sabi nya habang umiiyak.

Nang mapagod na ako kakaiyak ay dinalhan ako ng pagkain ni Cassy pasado ala una na pero hindi ko man lang namalayan.

Chasing WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon