Chapter 20

9.7K 150 18
                                    

Nang tumahan na ako ay pinunasan ni kuya ang mga luha ko.



"Are you feeling better now?" Tanong nya sakin. Tumango nalang ako bilang pagsagot.




Tama na wolf.... Sobra na.




Pumunta na kami kung saan naka park ang kotse nya. Nang buksan ko ang passenger seat ay malaki ang ngiting iginawad sakin ni Aya.



"Mommy bakit po ang tagal nyo? Kanina pa po kami naghihintay dito ni LoloDad." Inosenteng sabi nya.




"Mahaba kasi yung pila sa restroom anak e, kaya natagalan si mommy." Pagdadahilan ko.




Tumango lamang ito sa akin at niyakap ako. Nagmaneho na si Kuya pauwi sa bahay, habang si Aya naman ay nakatulog na.




"Ako na ang magbubuhat kay Aya, Ria ikaw nalang ang mag-ayos ng mga gamit nyo. Ipinalinis ko na rin ang kwarto nyo." Sabi ni kuya at binuhat na si Aya.




Tinulungan ako ng iba naming kasambahay na mag-ayos ng gamit namin ni Aya. Habang nagsasalansan ay pumasoksa loob ng kwarto namin si kuya.




"Gusto mo bang tulungan na kita dan?" Tanong nya.





"Hindi na kuya, kaya ko na 'to"




Lumapit ito kay Aya at hinalikan ito sa noo. Pagkatapos ay sakin naman ito lumapit at hinalikan rin ang noo ko.





"Kapag may problema ka, magsabi ka lang kay kuya huh? Nandito lang kami ni Papa para sayo. Hindi ka namin iiwan Ria." Ahad nanubig ang mga mata ko sa sinabi nya.




Pabiro ko itong hinampas.




"Kuya naman eh, pinapaiyak mo naman ako." Naka labing sabi ko.




Tumawa lang ito ng mahina. "Seryoso ako Ria, wag kang mahihiya kay kuya kasi handa akong damayan ka palagi. Mahal ko kaya ni Aya, Mahal namin kayo ni papa." Sabi nito.




"Heh! Umalis ka na nga kuya pinapaiyak mo ako eh, nananahimik yung tao rito papaiyakin mo. Pero kuya thankyou, thankyou sa lahat mahal ko rin kayo ni papa." Sabi ko rito bago ito lumabas.



Tiningnan ko ang aking anak na nakahiga sa kama nya. Tinabihan ko ito at niyakap. Sa sobrang pagod sa byahe at sa mga nakita ko ngayong araw ay agad na akong hinila ng antok.




Nagising ako sa mumunting halik. Nang nagmulat ako ay nakita ko si Aya na malawak ang ngiti.





"Mommy mag didinner na daw po tayo. Ang haba po ng tulog mo." Malambing ang boses na saad nya.




Nag-unat ako ng mga braso at tumayo. Binuhat ko si Aya pababa sa kusina.




"Good evening papa, kuya. Sorry napahaba ata ang tulog ko."



"It's okay princess, Umupo na kayo ni Aya at kakain na tayo." Saad ni papa.




"Nga pala po papa, san nyo po balak magbakasyon ngayon? Saang bansa ang pupuntahan nyo?" Tanong ko rito.





"Balak ko munang dito muna sa pilipinas mag adventure gusto ko munang libutin yung mga magaga dang lugar rito."



Sabay naman kaming napatango ni kuya.



Sinulyapan ko si Aya na masiglang kumakain.



"Masarap ba yung food apo?" Tanong ni Papa sa kanya.




"Super po LoloDad" masayang sabi nito. Kami man ay napangiti na lamang dahil kay Aya.




Nang matapos kaming kumain ay iniligpit na ng mga kasambahay ang pinagkainan.



"Ria, may sasabihin pala ako." Biglang sabi ni kuya.



Napansin ko na sinenyasan ni Kuya si papa kaya dinala ni papa si aya papuntang sala.



"Ano yon kuya?"



"Alam mo ba kung anong date bukas?" Bakit anong meron bukas? Wedding anniversary ko ba? Per syempre joke lang yon iba nga yung pinakasalan hindi ako e.



"Anong meron bukas?" Tanong ko rito.




"Birthday ni Farkas bukas, inimbitahan nya ako nang makita nya ako kanina. Itatanong ko kung sasama ka?"





Tama June 28 pala bukas. Tsss Nagbibirthday pa pala sya huh?



"Sasama ako. Isasama natin si Aya." Nakakalokong ngisi ang ipinakita ko sa kanya.




Excited na ako para bukas, hindi para makita sya kundi para sirain ang araw nya. Tama na ang martyr era mo Sifria. Ngayon sigurado akong magiging masaya 'to!

Chasing WolfWhere stories live. Discover now