Chapter 14

3.4K 70 7
                                    

Dali dali kaming pumasok sa ospital.

"Miss may dinala ba ritong Ysa Ayde ang pangalan." Kabadong tanong ko sa isang nurse don.



"Ah wait lang po miss.... room 201 po."




"Salamat." Agad ko nang hinila si wolf papunta sa room ni tita.



Pagpasok pa lamang namin ay nakita namin si tita na nakaupo sa hospital bed habang nasa gilid nya si cassy.




"Ma, anong nangyari? Kinabahan ako nang tumawag si cassy" Pag-aalala ni wolf.



Tumawa lamang ng mahina si tita.



"Kinabahan lang itonh si cassy. Sabi ng doktor ay pahinga lang ang kailangan ko baka sa sobrang pagod lang ito. Marami kasi kaming inaasikaso sa munisipyo."




Napa buntong hininga naman si wolf.




"Uwi na tayo mamaya anak. Ayoko nang magtagal dito gastos lamang ito."




"Pero ma sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong ni wolf.



"Syempre naman anak ako pa ba?" Pagbibiro pa nito.





Inayos na namin ni cassy ang mga gamit ni tita ysa habang si wolf naman ay pumunta sa billing station para bayaran ang bill nila.




"Ahmmm cass where is tito nga pala?" Hindi ko na napigilang magtanong.




"Hindi ko alam. Madalas nalang syang umaalis nang bahay." Sabi nito.



Hindi na muli akong nagtanong dahil alam kong masyado na itong personal.



Nang makauwi na kami sa bahay nila wolf ay ako naman ang hinatid nya pauwi. Hindi nya ako hinahatid mismo dahil na rin sinabi ko.




Ayokong madatnan nanaman kami ni mama at baka husgahan nya lamang si wolf.




Pagbaba ko ng motor ay hinalikan ako nito sa labi.



"Bye, sifria ko." Sabi nito sa malambing na tono.



"Bye attorney ko." Kinawayan ko sya at pinaandar na nya ang motorsiklo.




Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagbihis dahil naka uniform parin ako. Bumaba ako para kumain.




"Manang si mama po?" Tanong ko rito.




"Hindi pa nauwi hija eh."



"Ah ganon po ba." Nang matapos ako ay paakyat na sana ako sa kwarto nang makita ko si mama na pagewang gewang.




"Mama!" Agad ko itong inalalayan. Naamoy ko na agad ang alak sa kanya.




"Ma, ba't naman po kayo naglasing." Tanong ko rito.




Inalis nya ang kamay ko at itinulak.




"Eh ano bang pakielam mo! Nagpapakasaya lang ako! Bakit may problema ka ba don?!" Sigaw nya.




"Hindi naman po ma---"



"Ano bang akala mo ikaw lang ang dapat na maging masaya?!" Lumapit ito sakin at tinulak tulak ang noo ko gamit ang daliri nya.




"Heto ang tatandaan mo... Hinding hindi ko hahayaang maging masaya ka! Naiintindihan mo?! Ikaw ang sumira sa buhay ko kaya gagawin ko ang lahat para sirain din ang iyo!"




Itinulak nya ako at nilagpasan ako. Napa buntong hininga na lamang ako. Ano pa nga bang bago?




Pumasok ako sa kwarto at tinawagan si wolf. Hmmmm nakaisip nanaman ako ng bagong kalokohan. Yung napanood ko sa tiktok.




Saktong pagsagot nya sa tawag ko ay....



"Sifria ko---" Hindi nya na natuloy ang sasabihin nya ng....




"Totoo ba jonas?!" Sabi ko rito sa galit na tono.




"Jonas?? Sifria ko sino si jonas?" Nalilitong tanong nya.




"Na may iba ka nang mahal..." pinalungkot ko ang boses ko habang pinipigilan ang aking tawa.




"Huh? Sifria ko ikaw lang ang mahal ko. At sino si jonas? May iba ka na ba sifria ko?" Bakas sa boses nito ang pag aalala.



"Aminin mo.... Aminin mo..... Aminin mo..." Shet konti nalang bibigay na yung tawa ko.




"Sifr---"





"Ayoko!" Sigaw ko na ikinatigil nya. "Ayokong marinig!"




"Bitawan mo 'ko!" Dagdag ko pa.




"Fuck. Sifria sino yan? May tao ba dan? Nandan ba yung jonas? Sabihin mo sakin sifria?! Niloloko nyo ba ako? Sifria wag namang ganito oh" Takte galit na sya.




Hindi ko na napigilan ang aking tawa.



"HAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHA joke lang wolf nakita ko lang yon sa tiktok." Sabi ko sa kanya habang tumatawa parin.




"Are you sure? Wala ka talagang ibang lalaki? Ako lang? Fuck. Kinabahan ako dun ah." Sabi nya.


"Kantahan mo nalang ako sifria ko hmm..."



Kinantahan ko sya. Ang ending tulog nanaman HAHHAHAHAHA.

Chasing WolfWhere stories live. Discover now