I could hear Isabella Heather's voice with an enemy. She was obviously stunned.

Napatingin ako sa buwan at hindi ko mapigilan mapangiti dahil sa ganda nito. Palagi ngang nasa tabi na'tin ang buwan kapag malungkot ka o nag iiyak ka nandiyan lang siya handang makinig o yakapin ka.

Humiga ako sa kama at pinikit ang aking mata, Pagod na ako kakaiyak.

Nagising ako dahil sa digital alarm clock ko. Kinusot ko muna ang aking dalawang mata at napahawak sa tiyan ko. Kumukulo ito hindi ako kumain kagabi kaya nagutom ako. Tinanggal ko ang pagkakacharge ng aking phone at bumaba na.

Pumasok ako sa kusina, Nadatnan ko si Manang na nagluluto. "Morning, Manang!"

"Ay jusko! Bata ka nakakagulat ka. "

Tumawa na lamang ako at kumuna ng baso para mag timpla ng gatas. Napatingin ako sa niluluto ni Manang pumasok sa isipan ko si Aiden. Sarap na sarap siya sa luto ni Manang.

"Manang aakyat na ulit ako." Paalam ko kay Manang.

Hindi ko na hinintay sagot ni manang at umakyat na lamang ako papunta sa aking kwarto. Umupo ako sa tapat ng study table ko at nagreview. Malapit na ang exam namin sa lunes na kaya kailangan ko mag review.

Ayaw kong ma-dissapoint sa akin si Mommy.

"Bes! Ayos kana?" Bungad sa'kin ni Rona pagpasok ko sa room.

"Ang ganda pa din ni Pres kahit seryoso," puri sa'kin ng kaklasi ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin at umupo na sa aking upuan.

"Are you okay now?" Bulong na tanong sa'kin ni Rona.

Tumango ako at umub-ob na lamang. Sinalpak ko ang dalawang earpods sa aking tenga.

Inaantok pa ako sa totoo 'nan gusto ko pa matulog pero baka dumating adviser namin. May kumalabit sa'kin at alam kong si Rona iyon umayos ako ng upo at tumingin sa harapan.

Napatingin ako sa upuan ni Aiden. Nandito na pala siya hindi ko man lang namalayan.

"Wonyoung ija, nakalimutan ko ang aking libro sa office ko pwedeng pakikuha?" Utos sa'kin ng adviser namin.

Tumango na lamang ako, walang tao sa hallway malamang nasa room na sila lahat. Nagulat ako ng pinantayan ako ni Aiden sa paglalakad.

"What are you doing here? Ako ang inutusan hindi Ikaw." Malamig na ani ko.

"Inutusan din ako, Miss President." Seryosong sagot niya.

Hinayaan ko na lamang siyang sumabay sa akin. Tutal parehas naman kami ng office na pupuntahan.

"Mr. Montero, pwedeng pabukas ng pinto? Hindi ko kasi mabuksan." Utos ko sa kanya.

Totoo naman talaga hindi ko kayang buksan. Umatras ako at siya ang nagbukas ng office.

Nagagawa mo siyang utasan kahit nasaktan mo siya? Ang lakas mo ha?

Kinuha ko ang libro ni Ma'am, siya naman kinuna niya ang bag ni Ma'am pati bag nakalimutan ng adviser namin.

Tahimik lamang kaming naglalakad, walang ng Aiden na magj-joke sa'kin. I miss the old Aiden, bakit ba nangyari pa iyong pagconfess niya? I'm ready to admit that I like him.

Kahit dalawang araw lang siyang ganoon dahil sa sunod-sunod na reject ko sa kanya namimiss ko siya.

Pagpasok namin sa room. "Bagay pa din kayo." Puri sa'min dalawa ng adviser namin.

Namula ako pero hindi ko pinakita. Napatangin ako kay Aiden nakatingin na siya sa'kin.

"Hoy, si Felix palihim na nangisi." Sigaw ni Rona.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now