"Kumain kana nga lamang ang daldal mo." Inis na sagot ko sa kanya.

Kaya napatikom siya ng bibig.

Nahiya ata, hindi pa naman kasi ako sanay na kasama siya o makipagkwentuhan ng mahaba. Nahimik na lamang kaming kumakain. Minsan panay sulyap ko sa dalawa.

Halata sa babae na namumula ito, Ano pinagk-kwentuhan nila? Nabanat din ba siya katulad ng mga banat niya sa akin?

May tinuro si Dean sa likod ni Aiden kaya napatingin si Aiden sa gawi ko. Mabilis akong umiwas at mabilis na kinain ang aking pagkain.

"Aalis na ako." paalam ko.

"Ang bilis mo namang kumain." nagtatakang aniya.

Hindi na ako nagsalita at mabilis na naglakad palabas ng canteen. Nakita niya na nakatingin ako sa kanilang dalawa? Akala ko iba tinuturo ni Dean pero hindi pala. Ako pala ang tinuturo nito.

Halata ba na nagseselos ako? Teka, hindi ako nagseselos. Oo inaamin ko na gusto ko talaga siya pero hindi ako nagseselos.

Umakyat ako sa rooftop at doon inubos ang aking pagkain. Sinalpak ko ang dalawang earpods sa aking tenga pagkatapos ko kumain. Pumikit ako habang ninanamnam ang simoy ng hangin.

Ngayon, ang tahimik dito sa rooftop wala ng Aiden nangungulit sa akin. Wala ng Aiden na nagbibiro sa akin kahit ang korny ang joke niya at wala na ding nangungulit.

Nakakapanibago pala.

Napamulat ako ng mata ng may humigit sa isa kong earpod. Napatingin ako sa gawi nito.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ko sa kanya.

Kasunod niya si Basty.

Hawak nito ang lunchbox na para kay Aiden. Lumapit siya sa akin at ibinigay ito. "Thank You," pagpapasalamat niya at umalis na para iwan kaming dalawa.

Tumingin si Aiden sa hawak kong lunchbox. "Para sa akin iyan hindi ba?"

Hindi ako umimik at kukunin ko sana isa kong earpod kaso itinaas niya ang kaniyang kamay. "Sagutin mo ako, Yim."

"Oo, Para iyon sayo. Ayus na? kaso naalala ko sinabi mo na hindi na kailangan kaya ibinigay ko na kay Basty." Seryosong sambit ko sa kanya.

Pero ibibigay ko naman sana sa kanya kaso naunahan ako.

Binaba niya ang isang kamay kaya nakuha ko ito. "Hinintay ko na ibigay mo iyan akin. Ibibigay ko sana iyong binigay sa akin ni Angela pero ng nakita kong ibinigay mo iyong lunchbox na para sa akin. Hindi ko na binawi iyong bigay niya."

Hindi ako umimik, Nakatingin pa din ako sa mga mata niya. Halatang galit siya. "Nagseselos ako." dugtong niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Pero noong naalala ko noong tinanggap niya iyong binigay sa kanya ni Angela nagalit ako.

Nagseselos siya mas nagseselos ako.

"Bakit ka nagseselos? Wala ka namang karapatan magselos dahil walang tayo. Hindi kita gusto okay? Kaya tigilan mo na ako." Sigaw ko sa kaniya.

I didn't know what went through my mind so I said that. That's not really what I'm going to tell him. I was just so jealous. Sabi ko hindi ako nagseselos pero bakit parang nagseselos ako?

The anger disappeared from his face when I shouted at him. It made me sad so I felt guilty again. He turned to me and left. I close my eyes and tears flow. I can't stop what I'm saying. Yes I am jealous but I have no right to be jealous because we do not exist. When I told him to stop I was guilty, I knew he was going to stop.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now