101

103 5 3
                                    

Nagbihis na ako at nagmamadaling umalis sa bahay. Alas siyete na ng gabi pagkalabas ko nang subdivision ay nakita ko agad ang taxi kaya pinara ko agad ito.

My tears started falling from my eyes. Humihiling din ako na sana prank lang ito at nagpasimuno na naman si Zadkiel, and the thought of that ay napatawa nalang ako at pinahid ang luha ko.

Pinaniniwalaan ko ang sinasabi ng utak ko na sana ito ay prank lang kaya umupo ako ng tuwid at napatingin sa labas. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha habang nakatingin sa labas.

After 5 minutes ay nakarating na din ako kaagad sa hospital na sinabi sa akin ni ate Zamira. Napatingin ako sa labas at nakita ko siyang nakabantay sa akin sa labas. Nakatulala pa ito at nung pumunta ako sa harapan niya ay bigla niyang pinahiran ang kanyang mata.

"Ate" sabi ko dito habang ang aking puso ay paiyak na.

"Shan" she said and then hugged me after.

"Ate ano ang nangyari?" sabi ko dito at niyakap siya pabalik at hinaplos ang kanyang likuran.

"He's already gone, Shan. my little brother is already gone." she said at dahil doon ay bigla na lamang tumulo ang aking luha.

"Hindi po ba ito prank? I mean nakausap ko pa po siya kagabi" nauutal ko pang sabi sa kanya.

Hindi na siya nagsalita at nauna siyang naglakad sumunod din ako sa kanya. Hanggang sa natagpuan ko nalamang na nasa harapan na kami ng isang morge.

"Ate" nauutal kong sabi. Nakadinig kami ng iyak sa loob. I saw how ate Zamira wiped her tears away.

Napatingin ako sa lumabas galing sa pintuang iyon at nakita ko si tito na naka akay kay tita habang si tita naman ay umiiyak sa dibdib ni tito. Napatingin ako sa kanila ng may tanong sa itsura.

Binuksan ko ang pintuan at napatingin sa katawan ng lalaking minamahal ko, tears started to fall from my eyes. Napatingin ako dito, binuksan ko ang telang nakatabon sa kanyang mukha.

Hindi ko napigilan ang aking luha sa pagtulo napatingin ako sa kanya.

"Love" nauutal kong sabi. "Love, prank lang ba toh? Love, tell me. Is this one of your pranks again?" sabi ko dito at hinanap ko ang kanyang kamay. Naramdaman kong malamig na ang kanyang kamay kaya napaiyak ako ng tuluyan kong maramdaman ang lamig ng kanyang kamay. "Love naman oh" sabi ko sa kanya. "Akala ko ba magkasama tayong gagraduate? Love birthday mo na bukas oh" sabi ko sa kanya. "Magising ka na love oh, please naman" sabi ko sa kanya. "May ibibigay pa naman ako sayo love" sabi ko sa kanya. Napaluhod ako ng tuluyan ng maramdaman kong nanghina ang aking tuhod.

Nagulat ako ng may kumapit sa akin galing sa akin likuran, napatingin ako doon at si Amiel iyon. I saw his other friends at his back. The jolly and bubbly Archien and Zeron are now gone. Napatingin ako sa kanila habang tumutulo pa din ang aking luha. Seryoso ang kanilang mga mukha. They gave me a small nod and then Amiel helped me to stand up. Napatingin ako sa lalaking nakahiga sa harapan ko.

"Love gumising ka na please" sabi ko pa dito. Hinaplos ko ang kaniyang buhok. "love , gising na please" sabi ko pa dito habang nag kaka garalgal ang aking boses. "Love isang taon na lang oh graduation na natin, bangon ka na please. Birthday mo pa naman bukas. Wala namang ganyanan oh." sabi ko sa kanya. "Akala ko ba magkasama tayo habang buhay?" sabi ko dito.

"Mahal naman, balik ka please sige na oh" sabi ko pa dito sa kaniya. Hinalikan ko ang kanyang labi. "Love bangon na oh birthday mo na ilang oras na lang" sabi ko pa dito.

"Mahal" sabi ko habang nauutal pa. Napatingin ako sa kaniyang kamay at hinahaplos haplos ito. "Mahal kita, mahal na mahal kita Zadkiel" sabi ko dito at hinalikan ko ang kanyang kamay. Nakita ko pa ang ilang galos sa kanyang mukha kahit marami ang kaniyang galos makikita ko pa rin ang kagwapohan nito. Para lang siyang nakatulog ng mahimbing pero ito iba eh. Habang buhay na siyang nakatulog and in the thought of that mas lalo akong napaiyak. 


on the leash Where stories live. Discover now