"Gising ka na pala, Beatrix." Nilinga niya ang kanyang mommy. 

"Mom?" 

"Maaga akong namalengke kasama si Bart." Naupo ito sa silya sa harapan ng mesa. 

"Andreas, Romulus, tama na muna 'yan. Kumain na." Malapad na ngumiti si Romulus nang mabalingan si Beatrix. Agad itong tumakbo patungo sa kanya.

"Good morning, baby." Hinalikan siya nito sa labi. 

"Ano ang ginagawa niyo?" Kinuha niya ang towel na nakasabit sa sandalan ng upuan at pinunasan ang mukha ni Romulus na tagaktak ng pawis. Ganoon din ang ginawa ng kanyang ina sa asawa. 

"Itong si Romulus nagtanong kung may gustong ipagawa sa kanya sa bahay edi pinagsibak ko ng kahoy. Sakto paubos na ang panggatong sa pugon." Inabot niya ang T-shirt kay Romulus. Nang maisuot ay umupo silang magkatabi sa mesa at ang kanyang mga magulang naman. 

"Magluluto ako ng Pinikpikan. Gusto kong matikman mo 'yon Romulus."

"Mom! That's brutal and bloody," pag-hysteria ni Beatrix. 

"Kakawawain mo na naman ang chicken." Pinikpikan prepares in a brutal way. Before being burned, slaughtered, and cooked, a live chicken will be hit with a stick until it bruises. Isn't it brutal? Hindi na lang katayin sa madaling paraan.

"Ito talaga. Ganoon talaga ang paraan ng pagluluto." 

"Sana fried chicken na lang kasi." 

"Gagawa ako mamaya ng raisin bread. Speciality ko 'yon. Rafael loved it so much. Tiyak magugustuhan mo rin 'yon," patuloy ng kanyang ina na hindi pinansin ang sinabi niya na nagpatulis sa kanyang nguso. Hindi rin niya gusto ang raisin bread. Napapagod siyang kumain dahil kailangan niyang alisin ang pasas. Masarap ang tinapay na gawa ng kanyang mama pero hindi talaga niya bet ang raisin.

"Mom, sana naman po strawberry shortcake na lang. Masarap ka rin gumawa niyon. I love that."

"Masyadong matamis baka hindi magustuhan ni Romulus."

"Mom, I'm your daughter hindi si Romulus."  Napatawa si Romulus sa pagmamaktol ni Beatrix. 

"Ikaw talaga! Masyado ka talagang isip bata. Alisin mo na lang ang pasas katulad ng ginagawa mo noon." Nakasimangot niyang binalingan si Romulus. He teased her by sticking his tongue out at her. Napaawang ang kanyang labi at kinurot ito sa tagiliran. Hinuli ni Romulus ang kamay ni Beatrix. 

"Ako na lang ang magtatanggal ng pasas para sa 'yo." Napangiti naman siya sinabi nito. Natutuwa naman siya sa pakikitungo ng kanyang magulang kay Romulus. Nag-ibang bigla. Parang bias na bigla. Pakiramdam niya talaga ginamitan ni Romulus ng majika. Gayuma siguro. 

***
NAPAIGTAD si Beatrix nang may mga brasong pumulupot sa hubad niyang katawan habang bumabagsak sa kanya ang tubig mula sa dutsa. Napangiti siya nang maramdaman ang mga labi ni Romulus sa kanyang batok matapos hawiin ang kanyang mahabang buhok. 

"What are you doing here? Paano kang nakapasok?" Gumapang ang kamay ni Romulus sa kanyang tiyan patungo sa kanyang dibdib at sinapo ang mga iyon. 

"Hiningi ko kanina kay Manang Perla ang susi, sabi ko na-lock ko ang pinto ng banyo pero dito ko talaga gagamitin." She laughed, but it was quickly followed by a moan as Romulus played with her nipples with his fingers, shooting off sparks in her genital sensory cortex. Gosh! This man has the ability to effortlessly stimulate her

"Hindi ako nakapuslit kagabi. Grabe magbantay ang daddy mo. Pero sabi nga nila, matalino man ang matsing napaglalanganan din."

"Pasaway ka talaga! Baka mahuli tayo rito lagot ka kay dad." Napapapikit si Beatrix dahil sa paghalik ni Romulus sa kanyang leeg at paglaro sa kanyang utong. 

A Vidente Where stories live. Discover now