“I want to announce all over the world that I'm gay and this guy beside me is the guy I love . . . Logan Fajardo, will you be my husband?” Lumuhod siya sa harap ng maraming tao, lumuhod siya sa harap ko. Sumisigaw ang puso ko at hindi makapag-isip ang utak ko.

I don't know what to say. Tama ba na mag-yes ako?

Napatingin ako sa kamay ko. Hindi ko na suot 'yong singsing nung dati siyang nag-propose. Nakatago ito sa cabinet ko dahil ayoko siyang maalala.

Napatingin ako sa mga reporter, panay lang ang pagkuha nila ng litrato at tila ba hinihintay ang sagot ko. Napatingin naman ako sa mga magulang niya na ngayon ay magkayakap. Hindi nila siguro akalain na kaya itong gawin ni Jairus. Nakakalungkot isipin na may masisirang pamilya dahil sa akin. Ibinalik ko ang tingin kay Jairus, hindi ko na alam kung anong isasagot ko.

Oo ba o hindi? Dalawa lang ang pagpipilian pero tila hirap na hirap akong mamili.

“Excus me,” narinig ko ang boses ni Yrich, napalingon ako at hindi nga ako nagkamali. Nagulat pa ako nang bigla niya iwagay-way ang hawak niyang papel na may nakasulat na ‘Say yes!’ Kumindat pa siya sa akin at nag-okey.

“Magye-yes na 'yan,” sigaw ng isa sa mga reporter na sinundan ng iba pa. Sobrang ingay na dito sa ospital pero rinig ko pa rin ang kabog ng puso ko.

“J-Jairus Monterolla . . . yes, I will be your husband,”

“Ang kapirasong tela na ito ang magiging tanda ng pagmamahalan natin.” Pumunit ng kapiraso si Jairus sa damit niya at itinali ito sa daliri ko, dahil dito ay biglang umingay ang buong paligid.

Tumayo siya at itinaas ang kamay namin. Hindi naman magkamayaw ang mga cameraman sa pagkuha ng mga litrato namin.

MATAPOS ang nakakakilig na proposal ni Jairus ay kaagad din kaming umalis ng ospital kasama si Yrich. Dumerotso kami agad sa bahay para makapagpahinga si Jairus, agad akong tumawag ng doktor para pumunta sa bahay at matignan siya. Pahilom na ang mga sugat niya at mukhang ayos na rin naman siya, pero gusto kong makasiguro na maayos na ang pakiramdam niya. Habang tulog si Jairus ay dumating ang mga magulang niya sa bahay. Nagwawala sila sa labas at sumisigaw na palabasin namin ang anak nila. Alam kong mas matanda sila sa akin kaya kinausap ko sila sa labas ng mahinahon.

“Respetuhin niyo na lang po ang desisyon ng anak niyo,”

“Ayokong makipagtalo pa sa 'yo, ilabas mo na lang ang anak namin para walang gulo,” iritang saad ng Mommy ni Jairus.

“Tatawag kami ng pulis kung hindi mo siya ilalabas,” saad naman ng asawa niya at inilabas ang cellphone.

“Tignan na lang po natin kung sino ang dadamputin ng pulis,” magalang pero matapang kong saad. Natahimik sila at kita kong napalunok sila sa sarili nilang laway.

“A-Anak tara na, lets go home,” hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Jairus, nagising siguro siya dahil sa pagwawala kanina ng magulangniya.

“Hindi na po ako sasama sa inyo, I will live with my fincee, I will marry him and have a family with him,”

“Pero kami ang pamilya mo, you, me, and your Daddy is your family not him,”

“I made my dicision Mom, so please leave us alone,”

“Aba! sumasagot ka na ngayong bata ka?” singit naman ng Daddy niya. Tila ito isang bulkan na ilang saglit lang ay maaaring sumabog. “Saan mo nakukuha ang lakas ng loob para sagutin kami, huh? Kung gusto yang baklang yan, edi magsama kayo, simula ngayon ay wala na akong anak, lalong lalo wala akong anak na bakla!” dagdag pa nito. Hinila niya ang asawa niya paalis na hindi man lang tumitingin pabalik sa amin.

Nilapitan ko si Jairus at hinawakan ang mga kamay nito. “Sorry, hindi ko sinasadyang mangyari ito,”

“Hindi mo kasalanan, walang may kasalanan nito kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo,” pagpapakalma nito sa akin. Niyakap niya ako at ramdam kong umiiyak siya. Kanina lang ay para siyang mabangis na leon pero ngayon ay para siyang isang maamong pusa.

Niyaya ko siya sa loob para pakalmahin at para makapagpahinga. Kumalma naman siya at maya-maya ay nakatulog ulit. Ang sakit sa pakiramdam na nagkakasira ng magulang niya nang dahil sa akin. Pakiramdam ko kasalanan ko itong lahat.

Nagbihis ako ng damit. Sa tingin ko ay kailangan kong makausap ang mga magulang ni Jairus para humingi ng tawad at sabihin na wag silang magtanim ng galit kay Jairus dahil ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Bago ako umalis ay ibinilin ko muna si Jairus kay Yrich, alam ko naman na wala ng feelings si Yrich kay Jairus kaya nakakasiguro akong magiging ayos lang sila. Habang naglalakad sa daan na tinahak ng mga magulang ni Jairis ay nakarinig ako ng isang boses, at sa tingin ko ay boses ito ng Daddy ni Jairus. Dahan-dahan akong lumapit dito at nagtago sa gilid ng puno ng mangga.

“Bumalik tayo doon para sabihin na hindi mo intensyon ang mga sinabi mo kanina,” rinig kong saad ng Mommy ni Jairus.

“Hindi ako galit sa kan'ya o kay Logan, sadyang naiinis lang ako kapag may naririnig ako sa opisina tungkol sa kanila na hindi maganda, na binababoy ang pagkatao ng anak natin. Pinipilit kong paglayuin sila at pinipilit kong gawing matuwid na lalaki si Jairus dahil ayokong matikman niya ang mundong puno ng panlalait at pandidiri. Nasasaktan ako kapag nasasaktan ko sila at umiiyak ako ng hindi nila nakikita, pero sa tingin ko ay oras na para tumigil, hindi talaga tayo mananalo kapag pag-ibig na ang gumawa ng paraan para sa kanilang dalawa,”

“I understand mahal ko, kaya nga bumalik tayo doon para makausap nating muli si Jairus at para bawiin ang lahat ng sinabi mo,”

“Babawin ko na lang ang lahat sa kasal nila, makikipag-ayos tayo sa mismong araw ng kasal nila na siyang magsisilbing regalo sa kanila,” mula sa kinaroroonan ko ay kita kong nagyakapan sila at nagsimula muling maglakad. Nag-uusap pa sila habang naglalakad pero hindi ko na ito narinig pa.

OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATION]Where stories live. Discover now