Mabilis kong inubos ang aking pagkain at mag t-time na.

Bumalik na kami sa room, Agaw pansin kami ng mga kaklasi namin. Tahimik akong umupo sa aking upuan at nagsusulat. Napaisip ako subukan ko kaya ulit maggawa ng kanta.

Palihim akong ngumiti at nagsulat ng lyrics.

As I was composing the first stanza I caught a glimpse of Aiden. Tahimik ang aking mundo, ngunit dahil sa kaniya nagbago lahat sa'kin, napapangiti ako ng palihim. Sa mga ngiti niya hindi ko mapigilan ang aking puso sa sobrang lakas ng tibok.

Mabilis akong umiwas ng tingin dahil naramdaman nila Dean na nakatingin ako kay Aiden.

Baka mahalata nila.

Mabilis akong tinago ko ang aking extra notebook dahil nandito na teacher namin. Nakikinig lamang ako habang nag d-discuss si Ma'am. Natapos na ang lesson, bago umalis si Ma'am. G-Groupings muna kami.

"Pres!" Tawag ng babaeng kaklasi ko.

Tumingin ako sa kanya ng seryoso may binigay siya sa aking na papel kaya kinuha ko iyon at binasa.

'Pres! Sana magkagrupo tayo.'

- F, A Montero.

'Don't be assuming, What If we're not?'

-Y,V Grearta.

'Hindi naman masamang mag assume 'diba?'

-F, A Montero.

Inis akong nagpilas ng papel, Ibibigay ko na sana sa babae ng tinawag ako ng teacher namin.

"Wonyoung, Group 3 ka. Ito grupo mo. Dean Nicholas Alleje, Naomi Venus Alcazar." Maraming sinabi si Ma'am na kagrupo ko at kasama na doon si Basty.

Napatingin ako kay Aiden na palihim na nagmamaktol. Pinag iinitan niya si Dean na tawa lang ng tawa.

Napakibit balikat na lamang ako. Nang lumabas si Ma'am doon na siya nagbubulong.

Hinahampas pa niya si Dean.

"Ang daya! Dapat si Pres na lang kagrupo ko eh." inis na sambit niya.

"Wala kang magagawa Felix! Si ma'am ang magdedesisyon. Tigilan mo na nga iyang kakamaktol mo. Para kang bata." Natatawang sambit ni Dean.

Hinampas lamang siya ni Aiden at Lumapit siya sa akin.

Kaso naunahan siya ng best friend niya. "Hi Pres! Saan tayo maggagawa ng project?" Tanong niya sa akin.

"Ask Basty! Tutal siya naman ang leader." Malamig na sambit ko sa kanya.

Napatingin si Basty sa akin mabilis 'ding umiwas.

Lumapit si Jihan kay Basty. Isasalpak ko na sana ang earpods ko sa dalawang tenga kaso sumulpot si Mr. Montero.

"Pres! Sabihin mo sa akin pag may ginawa sayo si Dean lagot siya sa akin." Pagbabanta ni Aiden.

Natatawa ako sa itsura niya. Naiinis na siya palibhasa hindi kami magkagrupo.

Pero iyong tawa ko nasa utak ko lamang ayaw ko ipakita. "Whatever!" Malamig na sambit ko.

"Hala! Fel, Whatever daw. Basted ka na naman, sakit naman." Pagbubiro sa kanya ni Jihan. Inakbayan niya ito.

Dahil matangkad si Aiden nagpaliit siya para maabot ni Naomi.

Ang sweet ha? Nakakaselos.

Napailing ako sa naiisip ko.

"Ano pres! Hindi ka papayag? Sabi ni Sebastian sa inyo daw para maluwag." Natauhan ako dahil doon.

Hala hindi ko alam na tinatanong na pala ako nito.

Trials Of FateWhere stories live. Discover now