Landi #01

3.7K 203 88
                                    

"I'm smiling not because I'm happy. I'm smiling to hide the pain" -Kim Jongdae


-


Third Person's Point Of View


It's been a two months since Minseok left. 3 weeks nag-kulong si Jongdae sa kwarto niya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto niya. Expected na ng mga bakla na mas dodoble o titriple ang pagka-Bitter ni Jongdae pero hindi. Kasi ang ating bidang si Kim Jongdae imbis na dumoble ang pagka-Bitter siya ay lumandi. Jusko. Kim Jongdae.


"Jongdae," naka-ngising tawag ng isang babae na dati sinusungitan lang ni Jongdae. "Oh? Hi" ani ni Jongdae at nginitian yung babae. Halos mangisay naman sa kilig yung babae.


Di maka-paniwala ang mga mga bakla-- este ang exo sa nakita nila, si Kim Jongdae slash King of Bitterness is now Kim Jongdae slash King of Malandi?! Oh god, Minseok asan ka na? Bumalik ka na please.


Ngumiti si Jongdae nung nakita yung mga bakla niyang kasama, "Oh? Anong tintingintingin niyo? Para kayong nakakakita ng multo" natatawang sabi ni Jongdae at dumiresto na sa may cafeteria.


"Jongdae hyung, kamusta ka na?" Tanong ni Sehun nang maka-upo to sa may table nila dito sa cafeteria. Ngumiti naman si Jongdae, "Okay lang naman, Maknae. Kaw ba?" Tanong ni Jomgdae at uminom ng Fruit Shake.


Nanlaki naman ang mata ni Jongin ng makitang umiinom si Jongdae ng Fruit Shake, tinignan naman siya ni Jongdae na parang nagtataka. "Jongin, bakit?" Tanong ni Jongdae. Tinuro ni Jongin ang iniinom ni Jongdae. "Umiinom ka ng Fruit Shake!" Ani ni Jongin.


Napataas naman ang kilay ni Jongdae at pinagpatuloy ang pag-inom ng fruit shake.


"So?" Tanong ni Jongdae, umiling-iling lang si Jongin. "Matatanggap ko pa kung ibang hyungs ang uminom ng Fruit Shake. Pero si Jongdae hyung? Ayaw mo ng matatamis, ayaw mo ng fruit shake kasi sabi mo masyadong matamis. Gusto mi yung Black Coffee!" Ani ni Jongin.


Natawa naman si Jongdae at nagkibit balikat. "People change, nothing stays forever. Pati masama bang uminom ng fruit shake? Si Sehun nga eh umiinom ng Bubble Tea hindi naman big deal" ani ni Jongdae at pinagpatuloy ang pag-inom.


"Jongin, baka napapraning ka lang. Hayaan mo na yan si Jongdae" ani ni Kyungsoo at hinalikan sa labi si Jongin. Hinihintay nila yung bulyaw ni Jongdae na 'Hoy! Mahiya naman kayo! Kadiri oh! May kumakain eh! Kasuka' hinihintay nila yon. Pero wala silang narinig mula kay Jongdae, pinagpatuloy lang nito ang pag-inom ng Fruit Shake.


"Baek, di ako sanay na ganito si Jongdae" bulong ni Chanyeol kay Baekhyun, sumang-ayon naman si Baekhyun. "Oo nga eh, baka imbis na fruit shake ang ipainom ko diyan baka mapa-inom ko ng milk tea" ani ni Baekhyun at umiling-iling.


"Aw, ngayon ko lang napansin Baek, Yeol. Bagay pala talaga kayo, noh? Baek, bakit di mo sagutin si Yeol?" Tanong ni Jongdae na dahilang upang lahat ng member ng exo ay lalong kumunot ang noo at lalong nag-taka sa inaasal ni Jongdae. "Jongdae, seryoso? Isa kami ni Baekhyun sa mga couple na kinaiinisan mo" ani ni Chanyeol, kinurot naman siya ni Baekhyun sa singit.


"Channie, di pa tayo couple" ani ni Baekhyun pero di siya pinansin ni Yeol, ouch. "Chen, may problema ka ba? Tungkol ba 'to kay Min--"


"Yeol" seryosong sabi ni Jongdae, "Okay lang ako. Wala akong problema, masama bang magbago? Kayo talaga. Wag na kayong mapraning" ani ni Jongdae at ngumiti.


Mag-sasalita sana sila ng may lumapit na babae kay Jongdae at yinakap ito, "Jongdae!" Ani nung babae ehem girlfriend ng author niyo. HAHA. "Oy Seulgi! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jongdae at ngumiti.


Nagpout naman si Seulgi, "Bakit, ayaw mo ba akong makita? After kitang payuhan tungkol kay Min--" di na pinatapos ni Jongdae si Seulgi nagsalita ito. "Seulgi, kamusta na kayo ni Ace?" Tanong ni Jongdae at ngumiti.


Parang bulate (ahe. magandang bulate ♡♡) kinilig si Seulgi, "Going strong," ani ni Seulgi at nag-flip hair. "Eh kayo? Kamusta na kayo ni Min--"


"Seulgi, bakit ka nga pala andito?" Nakangiting tanong ni Jongdae ngumiti naman si Seulgi. "Well, nag-transfer ako dito!" Ani ni Seulgi. "Andito kasi yung mga ka-barkada ko kaya napagtripan ko na ding sumama sa pagtatransfer" ani ni Seulgi.


"Seulgi!" Tawag sa kanya ng isang babae, ngumisi naman si Seulgi at pinakilala sa kanila yung mga kabarkada niya kay Jongdae. "Jongdae, mga kaibigan ko. Si Irene, si Wendy, si Yeri at si Joy. Girls, eto naman si Jongdae" pakilala ni Seulgi kay Jongdae.


Nag-eexpect ang exo na hindi niya papansinin yung mga babae pero nginitian niya at kinamayan lahat ng mga babae. Hara jusmiyo. Hihimatayin ata si Suho sa nakita niya.


"Hi, ah. Seulgi eto naman ang mga kabarkada ko, si Chanyeol, si Baek, si Kyungsoo, si Jongin, si Sehun, si Luhan, si Suho, si Lay, si Kris at si Tao" pakilala ni Jongdae sa mga bakla.


Kumunot naman ang noo ni Seulgi, "Asan si Minseok?" At sa wakas na sabi na ang kanina pang iniiwasan ni Jongdae. Ang pangalan ng pinakamamahal niya.


-


And thennnn, chapter 1 posted. Susko. Tatlong storya sa isang araw ang inupdate ko. Kaiyaq. Hayaan mo, puro short update lang naman lahat yon eh. HAHAHA.

Jongdae, Jongdae, Bakit ang landi mo? [2] | xiuchen ffWhere stories live. Discover now