"Sino?"

"Ayun si pogi."

Nang sundan ko ang inginuso ay wala akong nakita kundi si Klein.

I sigh and tried to souns normal as possible. Nangangalabit na naman kase ang konsensya ko.

Baka hinihintay nya na naman ako? O baka nag aassume lang ako? Siguro tinatapos nya lang ang kung anong trabaho sa laptop nya? Or what? And why the hell am I even thinking about it?

"Uhm... Hailey ikaw ba ang duty nung isang araw?"

"Wala pa akong absent ma'am, ako ang duty from eight to eight. Bakit?"

"Uhm... Yung ano... Yung..."

I bit my lower lip.

Hirap na hirap akong iopen itanong ang tanong na gusto ko dahil baka kung ano pa ang isipin ni Hailey.

"Yung?"

"Y-Yung... Uhm..." I cleared my throat, "Yung lalaki kanina, doon sa table na ano... itinuro mo, nandito ba sya nung isang araw? You know napansin ko lang kase na madalas sya dito at... alam mo na..."

"Yung may laptop ma'am?" she flashed her usual wide grin. "Hinahanap ka, yan din yung humingi ng number mo eh tsaka naghintay yan maghapon. Bago kami nagsara nagtanong kung pwede daw ba kayong tawagan sa bahay kaso hindi ko alam ang landline nyo hehe."

Lihim kong nakagat ang pang-ibabang labi.

Damn messages on spam. Kung hindi ko nabasa iyon sana payapa akong kumaikain sa loob ng opisina ko.

"Kumain na ba sya?"

"Hindi pa ma'am humingi lang po ng coffee kanina."

Palagi na lamang kape, acidic na ito panigurado.

"Thanks Hailey. Kakain lang ako," paalam ko.

Sa kusina ako pumunta.

May malaking lamesa doon sa isang gilid malayo sa mga oven. Nakapalibot doon ang mga upuan dahil dito kumakain ang mga empleyado.

Tatlo ang ulam sa mesa, isang fish fillet at dalawang magkaibang pagkain may pulang sauce hindi ko alam kung menudo ba, caldereta o afritada. Nalilito ako.

Kumuha ako ng kaunting serving kada ulam dahil curious akong matikman lahat. May gravy ang fish fillet kaya inilagay ko iyon sa isang mangkok.

Patapos na ako nang may kung anong kumudlit sa aking konsensya.

Hindi pa sya kumakain? Pero malapit nang mag ala una.

Napabuga ako ng hangin at saka naghanda ng isa pang plato.

Hindi naman sa concerned ako, ang akin lang gusto ko nang matapos para wala akong 'utang' sa kanya. Pagkatapos nito ayoko na siyang makita.

Bitbit ang dalawang plato ay lumabas ako sa kitchen matapos utusan si Dallia na bigyan kami ng iced tea at tubig masyado na kase iyong marami para dalhin ko.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at sa bawat hakbang ay parang palayo nang palayo ang kaluluwa ko. The urge to back out is there but I decided to just continue walking.

One lunch, Vanna. Pagkatapos nito babalik na sa normal ang lahat.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

Hindi naman ako nabigo dahil agad siyang nagtaas ng tingin, diretsong sinalubong ang mata ko. Agad na naging malikot ang mata ko dahil sa biglaang pagsikdo ng aking puso.

"Maraming tirang pagkain kaya dinalhan na kita," diretsang sabi ko.

His jaw dropped. Literal siyang napatunganga sa akin kaya tumikhim ulit ako at nanatiling nakatayo hawak-hawak ang tray ng pagkain.

"Kung ayaw mo, it's fine. Gusto ko lang naman na matapos na para wala akong utang sayo-"

"What are you saying?" he asked in a very unusual high pitch.

Pasimple akong tumingin sa paligid at ilang mata ang nahuli kong nakamasid sa amin nang pasimple.

"Wag ka ngang sumigaw dyan! Nandito ako sa harapan mo oh," iritado kong puna daka inilapag ang pagkain sa mesa.

Wala akong pakealam kung ayaw nya nang mag lunch kasama ako, basta ako ay gutom na at gusto ko nang kumain.

"Oh sorry, sorry. Uhm..." sumulyap siya sa akin at saka bumulong sa sarili, "Right! Magligpit Kleindro..."

Sinamsam niya ang mga papeles sa mesa at inilagay na lamang iyon basta sa dala niyang suit case.

Tumaas kaagad ang kilay ko.

Sa pagkakaalam ko, mahal na mahal niya ang paperworks at walang mas mahalaga kundi iyon. Bakit ba nagmamadali siyang iligpit? Hindi naman iyon tatakbo.

Oh well...

Nagkibit-balikat ako at pinanuod siyang maniobrahin ang laptop. May ilaw pa sa sreen pero sinara na lamang niya ng basta at ipinasok din sa suit case.

"Shall we eat?"

I don't know if it is just me or I really saw nervousness in his eyes.

Tinaasan ko siya ng kilay at nauna nang kuhanin ang plato ko. Ganon din ang ginawa niya saktong pagdating ni Dallia na inutusan kong kumuha ng maiinom kanina.

I saw an amused smile on Kleindro's face as he glanced at me.

Tss...

"I'm not concerned, really. Iniisip ko lang na baka mabilaukan ka bigla, kasalanan ko pa pag namatay ka. Malas yun sa negosyo," tuloy-tuloy na sabi ko saka nginitian si Dallia na parang natulala sa akin matapos iyong marinig. "Salamat sa iced tea, Dallia."

Tumango-tango si Dallia at dahan-dahang umalis. Nahuli ko pa ang pagsulyap niya kay Kleindro bago kami tuluyang iwanan sa lamesa.

"Bakit ka guilty?"

Dahil sa tanong na iyon ni Klein ay nabitin bigla sa ere ang kanin na dapat sana'y isusubo ko.

"Guilty? Ako?" ibinaba ko ang kutsara at sarkastiko siyang nginisian, "You wish! Mangilabot ka nga dyan. Bakit naman ako mag-aalala kung kumain ka na?"

"Your eyes says the opposite."

Mariin kong itinikom ang bibig bago siya titigan ng mariin.

"Isang lunch lang to Kleindro dahil sa 'utang' ko sayo," ani ko, pinagdidiinan ang salitang utang.

"If you don't owe me a lunch date you wouldn't come here?" he asked in a low dangerous tone.

"Malamang! And excuse you, this is a 'plain' lunch not a date," I smirked to annoy him more. "Besides hindi mo naman gugustuhin na maka 'date' ang malanding tulad ko. Im a slut, right?"

Mula sa kaninang matigas na ekspresyon ay lumambot ang mukha niya at tiningnan ako gamit ang malamlam niyang mata.

"Vanilla I'm... I-I'm sorry hindi ko sinasadya ang sinabi ko..."

I looked away.

"No. Sinadya mo yun. Imposibleng hindi."

"G-Galit lang ako nun. Vanna, please..."

"You think I'm a slut? Congrats Mr. Lavaigne, now you know."

"I was just mad. Baby..."

Marahas akong bumaling sa kanya, saglit na nakalimutan ang gutom ko.

"Okay lang sa akin na niloko mo ako noon kase tapos na yun. Wala nang magagawa ang galit ko. Pero ito? Ngayon? Malandi ako para sayo kase galit ka? That's unacceptable! Wala kang karapatan na magalit dahil ikaw ang nagloko! Ikaw ang dahilan kung bakit ako umalis kaya wag kang babalik na lang bigla sa buhay ko na para bang okay pa din tayo!"

Physical pain can heal but emotional damage may not once it is done, so we have to be very careful with our words.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon