Kabanata 31

14.2K 356 30
                                    

KABANATA 31 :: PARTY

"Umayos ka nga kase dyan," reklamo ko nang ilang minuto na akong naghahanap pero hindi ko makita dahil nakaupo pa rin siya habang naghahanap habang ako ay nakaluhod sa sofa.

Nakagat ko ang labi nang mapasulyap sa harapan, pareho nang walang saplot ang dalawang bida. Patuloy namang nag e-echo sa utak ko ang mga tunog na mula doon.

Mas binilisan ko pa ang paghahanap.

"Found it!"

Sa wakas.

"Ah... No, Vanilla that's..."

Napanguso ako.

"Tumayo ka, niloloko mo ko eh, naipit pala sa hita mo!"

"Shit bitawan mo ang-"

"Klein kase!"

Nataranta ako lalo nang tumayo siya, muntik na akong mahulog sa sofa, mabuti na lang at naitukod ko ang isang paa sa carpet.

"Hoy san ka pupunta?"

Parang walang naririnig, dire-diretso siyang naglakad palabas bitbit pa ang bowl ng fries na hindi pala niya binibitawan kanina pa.

"Anong problema nun?"

Hmp! Whatever.

Itutuloy ko na sana ang panunuod dahil komportable naman kung wala si Kleindro pero napasulyap ako sa isang sofa at doon nakita ang remote control.

Ah so anong hinawakan ko kanina?

Nagkibit-balikat ako at tumambay sa entertainment room hanggang tanghalian.

Halos wala kaming imikan ni Kleindro habang kumakain dahil kung hindi iling ay napakatipid ng kanyang mga sagot.

"Idedeliver na lang dito yung gown mo, don't go out to pick it up mapanganib pa rin," aniya habang pinagtulungan naming iligpit ang mga pinagkainan.

Ako ang naglagay ng mga plato at baso sa lababo habang siya ang nag-aayos ng mga tirang pagkain.

"Ah okay," sang-ayon ko kahit gusto ko sanang personal na magpasalamat kay Andrea.

Tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko kaya nagkatinginan kaming dalawa.

"Uh... B-Baka si Dairene to, excuse me..."

Kinuha ko ang cellphone at lumayo nang bahagya. Sa aking peripheral vision ay kita ko ang pagtaas ng kanyang kilay habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.

"Hello?"

"Vanna?"

Kumunot ang noo ko dahil hindi pamilyar ang panlalaking boses na iyon.

Tiningnan ko ulit ang screen ng cellphone ko at mas nagtaka pa dahil pangalan ni Dairene ang nandoon.

"O-Oo. Sino to?"

"Lawrence akin na yan! Shit ka talaga!"

Mula sa background ay nakilala ko agad ang boses ng kaibigang malamang nagdadabog na.

"Lawrence? Bakit?" tanong ko kahit parang alam ko na.

"You're my girlfriend's friend?- Ang kapal ng mukha mo hindi kita boyfriend!"

"Vanilla sino yan?"

Sinenyasan ko si Kleindro na tumahimik muna.

"Ah... Oo bakit? May problema ba?"

Natawa na lamang ako nang marinig ang pagmumura ni Dairene sa background.

Newsflash, si Ms. Prim and Proper nagwawala pala ng ganito dahil sa isang lalaki.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon