Kabanata 14

18K 401 20
                                    

KABANATA 14 :: LOST

Hindi ko na halos matandaan kung anong nangyari matapos ang eksena naming dalawa sa kotse dahil kusa nang nagsasara ang talukap ng mga mata ko sa labis na pagod.

Nagawa ko pang maligo at kumain kasabay si Kleindro bago makatulog kaya hindi kataka-taka na kahit kinabukasan ay medyo mabigat ang pakiramdam ko.

Magkakasipon pa yata ako dahil sa ulan kahapon.

Si Kleindro gaya ng madalas ay hinintay lamang akong magising. Nagpa deliver siya ng almusal kaya hindi na namin kailangang bumaba.

"Ayos ka lang?" tanong niya habang naglalakad kami.

Nirequest ko kase na libutin namin ang hotel pati ang paibot nito kaya sya ang tour guide ko.

Ngumisi ako kahit kumikirot ang ulo at ipinakita ang thumbs up sa kanya.

Inakbayan niya ako at pinagpatuloy ang pagpapakita ng ibang parte ng hotel. Paminsan-minsan ay nagbibigay siya ng maikling history at background, gaya na lamang ng mga painting sa pasilyong nadaanan namin. Iyon daw ay mga antigo at replika lamang dahil ang orihinal ay itinatago ng kanyang inang nangongolekta ng mga antigong artwork.

Wala akong masyadong alam sa art pero masasabi kong maganda nga iyon. Hindi na ako magugulat kung sasabihin niyang bilyon-bilyon ang halaga niyon.

"Ano nga palang ginagawa natin dito sa Greece, hindi ba madami kang trabaho sa Pilipinas?" tanong ko habang naglalakad kaming dalawa.

Hindi ko alam kung nasaan ang mga bodyguards. Medyo matao rin kase at paroo't parito ang mga turista.

"Ano bang ginagawa pagkatapos ng kasal Vanilla Leticia?"

Napakamot ako sa kilay dahil imbis na malinawan ay mas lalo lang akong naguluhan.

Ano nga ba? Namamasyal? Ah baka tumatakas sa trabaho? Bakit kase hindi nya na lamang sagutin.

Tumango-tango ako kahit hindi ko naman talaga alam ang sagot.

Baka nga namamasyal dahil yun ang ginagawa namin- Oh my goodness!

"Honeymoon?" mahina kong bulong pero nakarating pa din sa kanyang pandinig.

"Yup," pinatunog pa niya ang labi sa 'p sound' na para bang may nasolve akong isang malaking misteryo.

"Ah okay..."

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nakalingkis siya sa akin habang nakasunod lamang kung saan ko gustong pumunta.

Sa totoo lamang, halos lahat yata ay napuntahan na naming dalawa. Gusto ko lamang talagang maglakad-lakad kasama sya.

Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming naglalakad nang may importanteng tumawag sa kanya. May problema yatang pinag-uusapan dahil madilim ang mukha ni Klein.

Nagpaalam akong papasok muna sa isang toy shop na nakita ko at nangako naman siyang susunod matapos ang tawag.

Hindi marunong mag English ang babaeng nasa counter. Hindi ko naman alam ang lenggwaheng gamit niya kaya lumabas na lamang ako para hanapin si Klein. Ngunit wala na siya sa puwesto kung saan ko siya iniwan. Nilingon ko ang toy shop at muling bumalik doon.

Wala akong nahagilap na Klein.

Tatlong toy shop ang magkakatabi kaya pumasok din ako sa dalawa at tiningnan ang bawat sulok pero wala siya.

Muli ko pang binalikan ang puwesto na pinag-iwanan ko sa kanya.

Nagpapanick na ako lalo pa at hindi ko makapa ang aking cellphone sa bulsa. Wala rin akong dalang pera! At higit sa lahat, hindi ko matandaan ang pangalan ng hotel na pag mamay-ari ni Klein kung saan kami tumutuloy.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon