Kabanata 40

14K 292 4
                                    

KABANATA 40 :: TIMING

Parang nakahinga siya nang maluwag dahil sa naging sagot ko.

"May nangyari ba kagabi, Dai?"

"N-Nangyari? Ano namang pwedeng mangyari kagabi?"

I rolled my eyes on her.

Obviously she got my question wrong base sa kanyang pagkabalisa at pamumula ng kanyang pisngi.

Ang ibig kong sabihin ay kung nag confess ba sya o nambugbog din dahil kitang-kita ko ang pagkamuhi nya kay Lawrence kahapon.

"Anyways, Vanna sorry ganito ang nangyari sa first night out natin after years. Hindi ko ineexpect na ganon ang kakalabasan."

"Ayos lang... Ginusto ko naman na maglasing eh."

Noo nya naman ang nagunot. Agad ding bumalatay sa mukha nya ang pag-aalala.

"May problema ba?"

"Wala naman... I just feel like drinking last night. Taste of freedom," I lied.

Bumuga siya ng hininga at hinuli ang kamay ko para hawakan iyon.

"Vanna, I can't imagine a life without you. Ikaw yung palaging nandyan para sa akin... So if anything is bothering you, pwede mo akong paghingahan..."

Tipid akong ngumiti.

Hindi pa ngayon, Dairene.

"Okay lang ako. Alam mo namang simula pa noon si Mama na ang nagpapatakbo sa buhay ko, diba? Ngayong malaya na ako, malayo sa kanila gusto ko lang maranasan yung mga bagay na dapat noon ko pa ginawa."

"Mabuti ka pa nga eh... Si Mommy napapadalas na ang pagtatanong kung kelan ako mag-aasawa."

"Oh, eh bakit ganyan kaasim ang mukha mo?"

"Alam mo namang..."

"Ah... Yung gusto mo, hindi ka gusto?"

"Aray ha? Straight to the point?"

Nagkatawanan kami.

Kung saan-saan napadpad ang usapan naming dalawa. Mas marami sa mga iyon ang naging adventures niya sa Greece at Indonesia.

"Next time, sumama ka sakin. Maganda rin sa Japan kahit ang mga street food napakalinis."

"Malinis din naman ang street food ng Pilipinas ah?"

"Sige nga Vanna, mag bigay ka ng street food sa Pilipinas..." hamon niya sa akin.

I paused, pilit inaalala ang mga street food na nadadaanan ko tuwing maglalakad ako pauwi noon.

"Cotton candy?"

"What? Clue, may itlog."

"Egg na torta?"

"Ewan ko sayo. Kulay brown na pahaba."

"Hotdog na chicken flavor?"

Humagalpak siya ng tawa.

"Gaga ka talaga! May hotdog ba na brown? Maliban na lang kung nakakakabit pa sa-"

"Eww! Ang dugyot mo Dairene! Kadiri toh!"

Naghagikgikan kaming dalawa at nagpatuloy sa huntahan.

"Shit alas dyes na!" bulalas ko.

Kung hindi pa nag warning ang isang waiter na magsasara na sila ay hindi ko pa maaalala na kailangan kong umuwi agad dahil hindi ako nagpaalam.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon