"Ma'am! Ma'am! Ma'am Vanna!" patiling bulong ni Hailey.

Kaming dalawa ang nasa counter. Ako ay nakikiupo lamang habang inuubos ang juice na kinuha ko sa kusina habang siya ang nakabantay sa counter para kumuha ng order at mag tally ng bills.

"Oh? Para kang nalulunod," puna ko matapos sumimsim sa pineapple juice na hawak-hawak ko.

"May pogi kase kanina pa nakatitig sayo," aniya at may inginuso pa sa isang table.

Pasimple kong sinulyapan ang lamesang tinutukoy niyang lamesa pero agad ding napaiwas ng tingin dahil nakatitig si Kleindro sa akin.

What is he doing here?

"Baka nagagandahan," nakangising biro ko.

"Yieee... Eng heret-heret nemen nete," Hailey in her usual pilipit na dila remark.

Umiling-iling ako dahil hindi ko nakuha ang ibang sinabi nya. Inubos ko lang ang juice at nagpaalam na aalis. Dumaan lang kase ako para kamustahin sila dahil bibisita ako sa Makati branch at kung kaya ng oras pa, sa Pasig na din.

Habang palabas ako sa cafe bitbit ang velvet red kong handbag ay ramdam na ramdam ko ang tingin ni Kleindro pero iniwasan kong magtapon no sulyap sa gawi niya.

Diretso ang lakad ko patungo sa parking lot at habang nagda-drive ay kausap ko si Kendi.

"Ako marunong na mag shapes Mimi and one, two, twi, por, fay! Yey!" Knedria is so happy while chatting on me.

Ini-enroll ko kase siya sa one week nursery tutorial since papasok na sya sa pasukan at gusto nyang advance na matuto. Sya ang pumili ng klase at oras kaya naman wala siyang reklamo.

"Wow ang galing-galing naman ng baby ko na yan! Pupunta ako sa Pasig anak, gusto mo ng milk tea?"

Panay ang puri niya sa mga kaklase at teacher habang ikinikwento sa akin ang naging lessons nila.

Erna is with her dahil hindi sya masyadong marunong sa computer. I'm planning to stay home for the next six mornings para matulungan ko din siya.

Nagpaalam rin siya pagkuwan dahil kailangan na daw niyang bumalik mula sa fifteen minutes break sakto namang na-stuck ako sa traffic.

I glanced at the window outside at ganon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makita kung anong building ang nasa di kalayuan. La Vaignia twin towers.

He is indeed successful. Hindi ko madalas mabasa ang articles tungkol sa kanya pero nabanggit sa akin ni Kuya Kendrick noon na isa siya sa pinakabatang bilyonaryo sa Asya.

Hindi naman kataka-taka dahil halos nadoble nya ang assets at properties na pamana ng ina.

Speaking of ina, wala na akong naging balita kay Mrs. Perla Lavaigne simula noong umalis ako. Hindi na rin ako nakibalita, sapat na sa akin ang kaalalamn na hindi ko sya napatay noon.

Sure, I'm mad at her pero ayoko naman na maging kriminal dahil lola pa din iyon ng anak ko- kahit hindi nya naman deserve tawaging lola. She's one of the reasons why I nearly lost Kendi.

Narinig ko ang ilang busina mula sa likod, ang iba ay hindi pa nakontento, binulyawan pa ako para ipaalam na nagmamadali sila. Umandar na pala ang traffic at pare-pareho kaming hindi makaalis dahil sa akin.

Sumulyap pa ako saglit sa matayog na gusali bago pinaandar ang sasakyan paalis.

I spent the whole morning talking to the Makati branch's staffs, ganon din ang ginawa ko the whole afternoon sa Pasig.

So far wala namang problema bukod sa mas lumalalang kompetensya. Padami na kase ng padami ang food establishments kaya kailangan namin ng extra effort para kami pa din ang piliin at balik-balikan ng costumers.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon