Hindi siya tumigil hanggang hindi kami nakakarating sa pinakadulong mesa sa labas. Doon niya ako binitawan.

Nagawa pa niya akong ipaghila ng upan at saka hindi mapakaling naupo sa harapan ko.

Nanahimik kaming dalawa.

Sinubukan kong i-divert ang atensyon ko sa mga sasakyan na dumaraan pero masyado akong naco-concious sa paninitig ni Kleindro.

Wala sa akong balak magsalita pero hindi ko na kinaya lalo pa at hindi man lamang siya kumukurap kahit na nahuhuli kong nakatitig sa akin.

Iirap lamang at maninitig na naman.

"T-Thank you for helping me..." I said almost choking in my own saliva.

Damn it did I just stammer?

Nanatili ang malamig na titig ni Kleindro sa akin kaya napatikhim ako.

"Uhh... Klein," tawag ko ulit nang hindi makatiis sa katahimikan naming dalawa.

Kaunti lamang ang tao sa cafe kaya bakante ang mga lamesa sa labas, kaming dalawa lanang ang naririto at kung hindi dahil sa ingay sa paligid ay iisipin kong nabibingi na ako.

"You could have just say no, bakit hindi mo na lang sabihing hindi para hindi na umaasa yung batang yun?" marahas niyang tanong.

Napalunok ako dahil parang nanuyot bigla ang lalamunan ko.

"Why are you so angry? Costumer yun at-"

"Ang sabihin mo gusto mo din! Kahit sino na lang talaga Vanilla eh noh? Ganyan ka ba kauhaw sa lalaki?" pasigaw niyang putol sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko

He got it wrong!

Iniabot ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa para mahawakan iyon pero marahas ang ginawa niyang pag-iwas.

A hollow space gave unexplainable pain inside my chest.

"W-What are you trying to say?" nauutal kong tanong, halos bumubuling na lanang sa hangin.

"Kunwari ka pang tatanggi? Kitang-kita naman na gusto mo din you're flirting with his friends yesterday!" he roared.

Galit na galit siya. His chocolate vrown eyes immediately went dark and he is gritting his teeth as if stopping himself form hurting me physically.

Too late because I think his words are enough to shatter the remaining pieces of my heart.

"A-Anong..."

"Stop pretending to be someone innocent because you're just a professional slut," it slipped out of his mouth as if he doesn't need to think about it.

I waited for him to take it back but he didn't. He just looked at me with an raging eyes.

Hindi pa nakontento sa wasak kong puso, pinira-piraso pa at dinurog ng husto.

Imbis na umangat ang palad ko para sampalin siya ay ikinuyom ko iyon ng mariin.

Hindi. Hindi ko sya gagantihan.

He thinks I'm a slut? I'll show him what this professional slut can do.

"Right," I laughed without humor. "Sorry kailangan mo pang makita ang pagiging malandi ko. Next time wag ka ng mangealam, nasisira mo ang diskarte ko."

I managed to stand up and walk away like nothing happened when in fact I'm crying inside.

I wanna scream all my pain but I can't. I don't want anyone to hear me.

My tears fell as I sat in the soft couch inside my office.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon