Chapter 12 (Sunrise)

7 4 0
                                    

Drake's P.O.V.

Ilang oras na ang lumilipas at hindi parin nagkakamalay si Shantal. Sabi naman ng doktor ay normal lang na maging ganon ang reaction ng katawan nya sa pagod na dinanas nya sa kamay ni Eran.

Pasado alas nuebe na ng gabi at nakaramdam na rin ako ng antok. Nanatili akong nakaupo sa upuan sa gilid ng kama nya habang hawak ang kamay nya. Di ko alam kung ilang minuto o oras ko na ba iyong hawak buhat kanina.

Nang di ko na mapigilan ang antok ay hinayaan ko na ang sarili kong matulog sa gilid nya.


Naagising ako pasado alas dose na ng gabi. bumaba muna ako at naghanap ng pinaka malapit na fast food kase gutom na ako. nagpatake out na din ako ng pagkain sa pagbabakasakali na magising si Shantal. Paniguradong gutom yun paggising nya.

Pagdating ko sa room nya ay agad akong nagtaka dahil madaming nurse ang aligaga maging si Trisha ay nandun din sa labas ng silid at halatang nag aalala.

Agad ko syang nilapitan at tinanong kung anong nangyari pero yumakap lang ito at nagsimulang humagulhol. Tinapik ko ang likod nito upang kumalma habang iniintay na sumagot sya.

" S-si Shantal. masama ang lagay nya." para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya. Napaupo ako sa sahig sa sobrang pag aalala.

Kasalanan ko lahat. Sana hindi ko nalang sya pinagpanggap na girlfriend ko. Nang dahil sakin kritikal ang kundisyon nya. Hindi ko alam kung pano ipapaliwanag kina Mom and Dad ang nangyari.

Umaga na pero hindi parin ako natutulog. Hanggang ngayon kase ay hinihintay ko parin an paggising nya. Ngayon ay nandito ako sa loob ng silid nya habang nakatingin sa pagsikat ng araw.

Sabi nila ang sunrise ay nangangahulugan ng panibagong pag asa. Panibagong simula at paglimot sa masalimuot na pangyayari sa kahapon. Naalala ko na naman ang nangyari sa kanya. Naniniwala akong may magandang mangyayari ngayong araw gaya ng mapayapang pagsikat ng araw.

Marahan akong humarap kay Shantal na animoy anghel na natutulog .

Miss na kita, Shant. Sobra.

Ramdam ko ang mainit na likidong lumabas sa aking mata. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang pagpatak ng aking mga luha.

"D-Drake...D-drake..." rinig ko ang mahinang pagtawag sa aking pangalan. Itinunghay ko angaking ulo sa pagkakayuko at humarap sa kanya.

Hindi ako nagkakamali. Si Shantal ang nagsalita. Agad ko syang niyakap dahil sa tuwa. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ngayon dahil tapos na ang paghihintay kong magising sya.

"Hin-di ako ma=kahinga.." binitawan ko sya agad at inayos ang sarili.

"uhhh okay ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?" sunod sunod kong tanong.

Tumango ito bilang tugon na ikinangiti ko. Tumawag ako ng Doktor para ipacheck ang lagay nya. Sinabi n din  ng Doktor na maayos na ang lagay ng pasyente. Kailangan lamag muna nitong ipahinga ang kanyang katawan at hintayin ang tuluyang paghilom ng kanyang sugat.

Walang paglagyan ang saya  ko ngayon dahil alam kong magiging okay na sya. Enough reason para di mawala anv ngiti sa aking labi.

Nakaupo pa rin ako sa tabi nya habang nagkekwentuhan tungkol sa mga nangyari nung mga panahong tulog sya.

Buong araw lang kaming magkasama sapat na para masiguro kong magaling na nga sya.

Bukas kase ay may aasikasuhin ako sa kumpanya. May nagreport kase sakin na may bagong gustong maging shareholder ng company.

DARK NIGHTWhere stories live. Discover now