(X) Marriage

1.7K 112 20
                                    

HINDI NATIIS NI HARLEY AND KANYANG AMA. Kahit pa gustuhin niyang matulog ay tumayo siya mula sa higaan. Inalis ang kamay ni Dallas na nakayakap sa kanya. Wala siyang suot na damit.

Malimig man ang tiles ng sahig ng banyo ay pinili niyang tumayo sa harapan ng salamin. Tinitigan ang sarili at muling binalikan ang mga nangyari at kung saan siya nito dinala. Higit isang libro na pala ang nasusulat sa kanyang madrama at miserableng buhay.

Marahan niyang pinatong ang kanyang kamay sa kanyang tiyan. Kumpirmadong buntis siya, at walang dudang si Demir ang ama. Ang lalaking kahit anong hirap ang dinanas niya ay pipiliin niya.

"H-Hindi ko na alam, baby. Dapat bang ngayon pa kita dinadala?"

Mas lumapit pa siya at tinuon ang kanyang mga kamay sa gilid ng sink. Marahang hinawi ang kanyang buhok na nakaharang sa kanyang makakapal na kilay.

Walang maling desisyon na gagawin this time, Harley. At para sa desisyon na 'yon, may isang tao lamang akong pwedeng lapitan. Si tatay.

   "Ayaw niya na rin po kumain. Sabi ng tiyahin niyo, ayaw na rin uminom ng gamot," paliwanag ng Nurse sa kanya. Mabagal siyang naglakad patungo sa tapat ng pintuan ng kanyang ama.

Sinilip niya mula sa labas ang kaawa-awang kalagayan nito. Pale lips and dark puffy eyes. Hindi malayo sa taong malapit nang kunin ng liwanag. Nangayat ito simula noong hindi na niya nababantayan ng sobra.

Marahan niyang pinihit ang busol ng pintuan at naglakad patungo rito. Naramdaman na lamang niya ang pagpatak ng kanyang luha. Nang huminto ay linapit niya ang kanyang mukha sa dibdib nito upang mahagkan. Doon na tuluyang bumuhos ang kanyang mga luhang kinipkip niya ng ilang araw.

"Anak?" bulong nito sa kanya.

"Tay, pwede bang yakapin muna kita kahit ilang minuto lang? Namiss lang talaga kita, e."

"Oo naman, 'nak. M-May umaway ba sa Harley ko?"

Hindi siya agad na sumagot. Nais niyang kolektahin muna ang kanyang sarili bago siya tumugon. Pinunasan niya ang kanyang luha at dali-daling kumuha ng upuan. Lumapit sa kanyang ama at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay nito.

"I'm sorry, tay," tangi niyang nasabi. Dinikit niya ang kanyang mukha sa kamay nito.

"Oh, bakit ka naman naiyak?" nag-aalala nitong tanong.

"Gusto kong mag-sorry, tay. Kasi, wala pala akong karapatang magalit sa inyo. Kayo lang pala ang meron ako, at wala akong karapatang magreklamo kung nahihirapan ako—dahil utang ko ang buhay ko sa inyo."

Natigilan ang kanyang ama sa sinabi niya. Saka ito malamlam na napa-iwas ng tingin.

"S-Siguradong natuwa ka noong nalaman. Dahil hindi ang abnormal na lalaking 'to ang totoo mong ama." Nanlaki ang mga mata ni Hailey nang marinig niya 'yon. "Nagawa kitang kupkupin pero hindi kita nabigyan ng matinong buhay."

"Tay, noong kinupkop mo ako... Sapat na 'yon para patunayang mahal niyo ako. Ni hindi niyo ako kadugo. D-Dapat nga, wala na ako sa mundong 'to... Pero, magkasama tayo ngayon. Minahal mo ako, pinakain, inalagaan at ni minsan, hindi pinaramdam na iba ako. Dahil doon, mahal na mahal kita."

"Mahal din kita, Hailey ko, ha? Tandaan mo 'yan. Kahit hindi ako ang totoo mong tatay, palagi akong narito para sa 'yo."

"Salamat, tay. Pero, pakiramdam ko ang sama-sama kong tao, tay."

"Ano ba'ng bumabakabag sa 'yo? Parang hindi ka natutulog ng maayos? Pwede mong sabihin kay tatay."

Doon napagtanto ni Hailey na ito na siguro ang tamang panahon upang sabihin niya sa kanyang ama ang kanyang pinagdaraanan. Gusto niya ring madinig ang opinyon tungkol dito... Dahil kung may isang tao mang nariyan at naiintindihan siya, ang ama niya lamang 'yon.

Almost An Affair ©Where stories live. Discover now