Tumango naman ako. "Si Kuya James, ang kuya ni Josh ang may birthday at may anak din si Kuya James na si Eli. Sya yung bininyagan naman kanina." explain ko. "They're our family friend. Nandito din ang parents at kapatid ko. Asawa naman ni Anne na bestfriend ko si Lawrence."

"Hmm. Kaya pala." tumango-tango sya. "Iba talaga kapag mayaman ka. Ang dami mong kakilala." dagdag nya pa.

Ngumiti nalang ako sa kanyang sinabi at nakita ang text sa akin ni Anne na hinahanap na daw ako nila mommy't daddy dahil mauuna ata sila sa pag-uwi.

"Eh si Josh?" bigla nyang tanong. "Yung katabi ko sa kanan sa picture.. bestfriend mo ba sya or friend lang?" curious na tanong nya.

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at mabilis na sinagot ang kanyang tanong. "He's my ex-fiance."

Rumehistro naman kaagad sa mukha ni Erika ang pagkagulat nang marinig nya ang sagot ko.

"Ibig sabihin, sya yung dahilan kung bakit ka nandito ngayon sa Davao?"

Pilit akong ngumiti at tumango nalang sa kanyang tanong.

"Hala!" napatakip sya sa kanyang bibig. "Sorry! Kung anu-ano pa ang sinabi ko tungkol sa kanya. Nakakahiya naman. Hindi ko naman kasi alam eh." paghingi nya ng paumanhin.

"No, it's okay." agad kong sabi. "Sadyang ganon lang sya. Habulin ng babae."

"Nambabae ba sya?" nakataas-kilay na tanong ni Erika.

"N-No.." nauutal kong sagot.

"N-No." ginaya nya ang pagsagot ko. "Pero nauutal ka." komento nya.

"Ewan ko, Erika eh.." hirap kong sabi. "Hindi ko na rin kasi alam kung bakit kami naghiwalay. Nagiging komplikado na."

"Bakit hindi mo kaya sya tanungin?" suggest nya.

"Tinanong ko sya pero ayaw nyang sabihin. Hindi daw sya ang dapat magsabi non." bigo kong sabi.

"Eh sinong dapat magsabi? Ako?" exaggerated nyang sabi.

Huminga nalang ako ng malalim. "Hindi ko alam, Erika. Hindi ko alam."

Lumapit naman muli sa akin si Erika at niyakap upang sabihing magiging okay lang ang lahat pagdating ng tamang oras. Pero kailan yon? Kailan pa yon?

Iniwanan na ako ni Erika pagkatapos non sa office ko upang makapag-isip-isip at lumabas nalang ng mag-alas otso na.

"Ate, I thought hindi ka na lalabas sa office kaya papasok na dapat ako." bungad ni Vini nang buksan ko ang pintuan ng office ko.

"Hindi ka sumama kila mommy pauwi kanina?" tanong ko sa kanya at inakay na papunta sa may pool side.

"Hindi po." simpleng sabi nito. "I told them na kay Kuya Josh nalang ako magpapahatid pagdating sa Manila." dagdag nya't hinila ako papunta sa may shore.

"Vini, doon sa pool side ang party. Bakit tayo pupunta dyan?" tanong ko sa kanya pero para syang walang narinig at patuloy lang sa paglalakad.

Nang makababa na kami ay nakita ko kaagad ang isang pamilyar na katawan ng lalaking half-naked at nakatingin lang sa dagat habang nakatayo.

"Vini.." pagbabanta ko kay Vini dahil hindi ko na talaga alam kung bakit ang dami nyang nalalaman.

"Sorry, Ate but you two really need to talk." ani Vini't mabilis akong iniwanan na sakto namang lumingon si Josh.

Tama naman si Vini. Kailangan talaga naming mag-usap ni Josh.

Hahakbang na sana ako papalapit sa kanya nang mas mauna na syang lumapit sa akin at agad sumalubong sa akin ang namumungay nyang mga mata.

Shouldn't Have SaidOù les histoires vivent. Découvrez maintenant