Chapter 12

130K 2.9K 224
                                    


Chapter 12
Selfish

"Baby--"

Halos maibato ko na ang kanyang cellphone nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Josh na mabilis na dumapo ang tingin sa cellphone nyang hawak-hawak ko bago tuimingin sa akin.

"Y-Your phone.." nauutal kong sabi at natatarantang binigay sa kanya ang cellphone nya.

Kinuha nya sa akin ang kanyang cellphone nang hindi naaalis ang titig nya sa akin.

Huminga ako ng malalim at tipid na ngumiti. "Sige na. I'll go upstairs. You take care." sabi ko nalang nang makita ko syang binabasa na ang text ni Ariana.

Tinalikuran ko na sya nang mapahinto ako nang dahil sa kanyang pagsasalita.

"Hello, Lyn?" rinig kong sabi nya at agad namang sumikip ang dibdib ko.

Hindi nya man lang hinintay na makaakyat ako ng tuluyan bago nya tawagan ito upang makaalis na silang dalawa.

"I cant accompany you.. I'm sorry." mahinahong sabi ni Josh at awtomatiko namang gumaan ang aking pakiramdam. "No, Lyn. I'm tired.. I can't.. I have a meeting tomorrow with my new clients. My schedule's very tight.. I can't find time. No. Lyn, uhmm.. Bye.."

Napangiti naman ako nang dahil sa pagtanggi nya kay Ariana at nagpatuloy nalang sa pag-akyat sa hagdan nang tawagin nya ako.

"Baby.." he called out.

At akmang lilingon na ako sa kanya nang muli syang magsalita.

"Please dont be jealous." marahan nyang sabi at narinig ko na ang papalapit nyang mga yapak.

"I'm not--"

Lilingunin ko na sana sya at sasagot nang mapatigil ako nang dahil sa pagyakap nya sa akin mula sa aking likuran.

"I'm only yours, baby. Only yours." bulong nya sa akin at awtomatiko naman akong napangiti saka lumingon sa kanya.

Binigyan ko sya ng isang marahan na halik sa pisngi. "And I'm yours too."

"I know." ngisi nya at hinapit muli ako sa isang mahigpit na yakap.

Ngumiti ako sa salamin at pinasadahan ng tingin ang sarili ko, lalo na ang flowy gown na suot ko ngayon. It's a glittery gold gown na may halong wide na nagpapa-fade sa kulay ng gold.

Ang theme kasi ng kasal nila Kyle at Dianne ay elegance in gold. Paboritong kulay daw ni Dianne ang gold kaya naging ganito ang theme.

Sinuot ko na ang aking 3-inches pointed heels na kulay gold din upang bumagay sa aking gown.

"Baby, are you done?" rinig kong tanong ni Josh sa labas ng aking kwarto.

"Yes, I am." sagot ko at mabilis na kinuha ang pouch ko saka lumabas na ng aking kwarto.

Nakasandal si Josh sa railings ng second floor ng bahay namin kung saan kita mo ang aming sala. He's wearing a white longsleeves with a gold necktie and vest. Hawak-hawak nya ang kanyang black jacket suit at nakatitig lang sa akin hanggang sa unti-unting sumilay ang kanyang ngiti na halos tunawin ang buong pagkatao ko.

"Why are you smiling like that?" tanong ko nalang at nagsimula nang maglakad pababa ng hagdanan upang maiwasan ko ang kanyang mga tingin.

"Cause you're so beautiful, miss." aniya't hinawakan ang aking kamay saka inalalayan sa pagbaba ng hagdanan. "I cant help but too smile everytime I see you." dagdag nya pa.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay at dumaing sya nang dahil sa ginawa ko saka tumawa ng marahan.

"Oh, ready na rin pala kayo." ani mommy nang makita kaming pababa sa hagdanan ni Josh.

Shouldn't Have SaidWhere stories live. Discover now