Chapter 4

123K 3.4K 637
                                    


Chapter 4
Understand.

"Nakauwi na ba si Josh?" tanong sa akin ni Anne habang sinusuot ang kanyang earrings.

Ngumuso ako't umiling saka muling nagtipa sa aking cellphone tungkol sa kung anong gagawin namin ngayong gabi nila Anne at Lawrence.

To: Baby♥

      Otw to Club Haze for Robin's 21st. :)

Message sent!

"Eh so, kailan nya naman balak umuwi? Next year?" sarkastikong tanong ni Anne.

Napailing ako sa kanyang sinabi at inayos na ang nagusot ko dress nang dahil sa pagkakadapa ko sa aking kama.

Umalis kasi sila Josh at pumunta sila sa beach house nila sa Batangas. Dapat ay kasama ako kung wala lang kaming quiz kahapon. Three days lang dapat sila doon kaya pumunta ako kanina sa bahay nila ngunit sila Tita lang ang nandoon at nagpatiiwan daw sila ni Ariana dahil ang sabi nga ni Ariana ay they will reminisce and reneact the past.

Duh? Hindi ba uso sa kaniya ang past is past?

At ito namang si Josh! Hindi man lang ako tinext na magpapaiwan sya don with that Ariana Lyn. Akala nya ba, hindi ko malalaman? And to top that! It's our monthsary today. Ugh!

"Ewan ko. Basta. I just want to party." sabi ko nalang kay Anne at mas nauna nang bumaba sa sala.

Naghihintay na doon si Lawrence at nang makitang pababa na ng hagdanan si Anne ay agad kong narinig ang shutter ng camera nito.

Nakagawian na ni Lawrence ang pagpipicture kay Anne twing bababa ng hagdanan twing aalis kami dahil icocompile nya raw ito balang araw na hindi ko malaman ang dahilan kung bakit.

"Beautiful as ever, babe." nakangiting salubong ni Lawrence kay Anne nang maitago nito ang kanyang phone saka ito hinalikan sa pisngi.

Dati'y si Anne ang naiinggit sa amin ni Josh dahil sa sobrang kasweetan namin pero ngayon ay mukhang nagbago na. Ako na ang naiinggit sa kanila kahit kahit na alam kong hindi naman dapat.

Naniniwala akong every couple has its own way kung paano nila ihahandle ang relasyon nila that is different from others kaya hindi dapat tayo mainggit o magkumpara.

Kung may grade nga lang ang paghahandle ng relasyon ay kami siguro ni Josh ang may pinakamataas na puntos dahil sa dami ng pinagdaanan ng relasyon namin ay kami paring dalawa hanggang ngayon. Na kahit nagkahiwalay kami ay nagkabalikan parin dahil ganon namin kamahal ang isa't-isa.. dati. Pero kung ngayon, baka isa na kami sa mga pabagsak na relasyon nang dahil sa mga nangyayari ngayon. And I dont want that to happen.

"You wont bring your purse?" tanong ni Anne sa akin nang makitang wala akong dala pagbaba ng kotse.

"What for?" walang ganang sabi ko at nagkibit-balikat.

Pinatunog naman ni Lawrence ang kotse saka mabilis na pumunta sa tabi ni Anne upang higitin ito papalapit lalo sa kanya.

"What if Josh will call you?" nag-aalalang tanong nya sa akin.

Napangisi naman ako sa kanyang sinabi. "That'll be a miracle then." natatawa-tawang sabi ko saka muling sumeryoso. "But miracles dont exist nowadays. I have to start facing the reality." sabi ko nalang saka nagsimula ng maglakad papasok ng club.

Agad bumalot sa aking pandinig ang dumadagundong isang kanta ni Ellie Goulding na soundtrack ng isang movie na hango sa novel na nabasa ko na that I'm pretty sure which is not suitable for kids or ages below 12, I think.

"Love me like you do. Lo-lo-love me like you do."

Napapakanta at napapa-headbang nalang ako habang naglalakad-lakad dito sa loob ng bar dahil nakakalasing sa pandinig ang kantang ito. Kahit hindi mo ito ganon kaalam ay mapapasabay ka nalang bigla sa chorus.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon