Chapter 21

124K 3K 483
                                    


Chapter 21
Last Page

"Rae?"

Nilingon ko si Anne na kakapasok lang ng kwarto ko at agad akong tumingin sa kanyang likuran upang hanapin si Lawrence ngunit wala ito.

I chuckled. "Mukhang hindi mo ata kasama si Lawrence." puna ko ngunit parang hindi nya ako napansin at dire-diretsong sinarado ang pintuan saka pumunta sa akin.

Huminga sya ng malalim at agad na akong nakaramdam ng mabigat na pakiramdam nang dahil sa aura nya. She's not usually like this.

"Rae, let's talk." seryoso nyang sabi at lumakas na ang kabang nararamdaman ko.

Ayoko nang ganitong feeling twing may gustong makipag-usap sa akin. Feeling ko'y may nagawa akong mali na binabalik-balikan ko pa ang mga nangyari sa buhay ko para malaman ko kung ano man ang mga nagawa ko para kausapin nya ako isang seryosong estado.

Magsasalita palang sana ako ng nauna nang bumuka ang kanyang bibig kaya itinikom ko nalang ang akin.

"Who's that Isaac fucking Horan?" inis nyang pambungad na tanong nya sa akin.

Nang malaman ko na kung ano ang gusto nyang pag-usapan ay agad na akong nakahinga ng maluwag dahil alam kong wala akong ginawang makakasakit sa kanya.

"He's my boss." simple kong sabi at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Boss nga lang ba, Lyrae?" mapanghinala nyang sabi. "Rae, kilalang-kilala na kita. We've been best of friends since we're a kid. Alam kong hindi mo sya dadalin sa bahay to stay here for a week if he is not a special person for you."

"Okay! I'm already falling for him! Nahuhulog na ako sa kanya, Anne. Is that enough to keep your mouth shut?" inis kong sabi dahil naamin ko na sa sarili ko at kay Anne na nahuhulog na ako kay Isaac.

Napatigil si Anne sa sinabi ko at bigo nya akong tinignan saka umiling-iling na para bang hindi tama ang nararamdaman ko ngayon.

"No, Lyrae." hinga nya. "It's not enough to keep my mouth shut lalo na't nalaman ko na ngayon na ganyan ang nararamdaman mo para sa lalaking 'yon."

"Bakit, Anne?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Hindi ba dapat maging masaya ka nalang dahil nakakamove-on na ako't handa na ulit magmahal ng iba?"

"How will I be happy for you when I know that you falling for him is very wrong?" seryoso nyang tanong sa akin.

Hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganito. Bakit ba ayaw nya kay Isaac gayong hindi pa naman nya ito ganong kakilala?

"Ano bang problema kay Isaac, Anne? Bakit ka ba nagkakaganito?" hindi ko na napigilang itanong ang nasa isip ko.

"Walang problema sa kanya, Rae. Ikaw ang may problema." simple nyang sabi at mas lalo akong walang naintindihan nang dahil sa mga binitawan nyang salita.

Naglakad sya patungo sa study table ko at binuksan ang pinakahuli at malaking drawer kung saan kinuha nya ang isang box na nagpaalala sa akin ng lahat.

Doon ko nilagay ang mga ala-ala namin ni Josh. Ang mga pictures namin. Ang mga binagay nyang roses na inipit ko sa libro ko noon. Ang mga binigay nyang accessories sa akin. At ang dalawang engagement ring namin.

Binuksan 'to ni Anne at itinaob sa harapan ko na dahilan kung bakit nahulog ang lahat ng mga laman nito.

Lumipad naman sa paanan ko ang isang picture namin ni Josh kung saan nakahalik sya sa aking pisngi habang makaakbay ako sa kanya at todo ang ngiti na kasabay ng pag-gulong ng engagement ring na binigay nya sa akin nung birthday ko sa Ilo-Ilo.. Sa bahay naming dalawa sa Ilo-Ilo.

Shouldn't Have SaidTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang