Chapter 25

128K 2.6K 278
                                    


Chapter 25
Fever

"This will be a two-in-one party." I explained to the other staffs. "We need to work even harder. In two days, dadating ng mga invited guests na mags-stay sa resort for the party the day after. I hope we can all have cooperation and do our best."

Tumango-tango naman sila at ang iba'y nagt-take note pa ng mga binibigay kung tips upang mapaayos ang trabaho ng bawat isa.

Ang pagkakasabi kasi sakin ni Isaac ay ngayon lang sila nakatanggap ng ganitong kalaking event. Galing pa daw Manila ang nag-organize nitong party at talagang dinayo pa ang Bluejaz dito sa Davao upang dito ganapin yung party kaya we need to impress them para hindi sila mabigo.

"They're our biggest client." biglang bulong sa akin ni Erika. "Sa tinagal kong nagt-trabaho dito sa resort ay ngayon lang ako nakaranas na pinaprivate ang buong resort. Minsan kasi ay isang section or part lang ng resort. Siguro'y nagtatapon nalang sila ng pera. May mga resorts naman sa Luzon. Why choose Davao na nasa Mindanao pa? Pinakababang parte ng Pilipinas?"

"Maybe because the event is that special?" sabi ko nalang sa kanya at umupo sa aking swivel chair.

Umiling naman sya at umupo sa upuan provided sa visitors ko dito sa office.

"Kung ako ang may pera katulad nila, I wont waste money." she stated. "Hindi ko gagawin ang ginagawa nila ngayon. I'm gonna save that money up at sa bahay nalang ako magpa-party dahil for sure ay malaki naman ang bahay nila to afford something like this."

Hindi ko maiwasang hindi mamangha kay Erika dahil sya ang isang taong gagawin ang lahat upang umasenso sa buhay. Ang problema nga lang nya ay hindi sya nakatapos ng college at hanggang second year college lang dahil namatay na ang kanyang mga magulang.

I should probably tell dad about her. I'm sure na kaya nyang bigyan ng scholarship si Erika paglaki nito.

Tourism ang kinuha nya kaya hindi maipagkakailang hospitable sya lalo na sa mga guest at tourist na pumupunta dito sa resort. Maybe that's why doon sya na-assign sa hall sa may reception desk.

Pagkagraduate nya ay pwede rin syang kunin ni daddy sa Sarto Airlines as a flight stewardess. May katangkaran din naman sya't maganda.

"Grabe! From plane tickets ng mga imbitadong tao, sagot nila. Yung pagp-private ng resort, the other fees para mas maging komportable sila, yung catering services pa na kilala sa Pilipinas. Hindi ko na alam ang sasabihin ko." sabi nya't napatingin sa akin.

Nanatili ang kanyang titig sa akin na para bang ang lalim ng kanyang iniisip saka pumalumbaba habang nakatingin pa rin sa akin.

"Eh ikaw ba, Lyrae?" bigla nyang tanong sa akin.

"Ha?" pagtataka ko. "Bakit naman napunta sa akin ang usapan?"

Suminghap sya at nanatili pa rin ang tingin nya sa akin. "Anong pakiramdam ng maraming pera? Anong pakiramdam ng hindi nauubusan ng pera? Pano mo 'yon ginagasta?" sunod-sunod nyang tanong sa akin. "Mayaman ka. May mga negosyo kayo sa Manila. You're an heiress pero nandito ka sa Davao at nagt-trabaho bilang general manager. Simple ka lang. Kung di ko nga lang malalaman galing kay Sir Cole na ganyan ang estado mo ay hindi ako maniniwala dahil kaibigan kita't mabait ka sa akin. Hindi ka matapobre." tuloy-tuloy nya lang na sabi.

Napangiti naman ako sa kanyang mga sinabi. "My family's not like what you think. We're just a simple family na kayang mabuhay araw-araw dahil sa hardwork ng mga magulang ko. At ngayon, pati na rin ako."

"Siguro, proud na proud sayo ang mga magulang mo." bigla nyang sabi habang nakangiti sa akin. "Kasi meron silang anak na napakaresponsable, maganda, mabait at matalino. Nasayo na nga lahat eh."

Shouldn't Have SaidWhere stories live. Discover now