Chapter 7

126K 3.1K 613
                                    


Chapter 7
Dedicated.

"Hey, baby." nakangiting bati ni Josh sa akin nang imulat ko ang aking mga mata.

Napadilat ko ng todo at napabangon saka inayos ang buhok kong alam kong nagulo-gulo na dahil sa pagkakahiga ko. May pagkamalikot din kasi akong matulog.

He chuckled at saka inipit ang takas na buhok ko sa aking tenga. "Goodmorning." aniya gamit ang kanyang husky'ng boses.

Tinakpan ko ang mukha ko dahil baka meron pa akong muta sa gilid-gilid ng mga mata ko.

"Goodmorning." bati ko sa kanya pabalik habang nakatakip pa rin ang aking kamay sa aking mukha.

"Why are you covering your face?" natatawa nyang tanong.

"I dont want to expose my morning face." sabi ko nalang at mas tumawa bago humupa saka inalis ang aking kamay na nakatakip sa mukha ko.

"What's wrong with your morning face?" nakakunot-noong tanong nya sa akin. "You look so beautiful and besides, I'll be seeing that face everytime I wake up." sabay ngiti nito sa akin.

Hindi ko maiwasan ang kiligin sa sinabi nya dahil nakakatuwa naman talaga kapag naririnig mo ang taong mahal mo na fino-foresee na ang future nyong dalawa.

"So, how's your family business going, Josh?" pormal na tanong ni daddy.

Kumakain kami ngayon ng breakfast and it's time for this hardworking guys to talk about work except kay Vini na seryosong kumakain ng kanyang waffle.

"Everything's going well, Tito." simpleng sagot ni Josh. "We've just finished a big catering event yesterday at Sofitel and we're about to close a deal about having an outlet in three SM branches."

Tumango-tango naman si daddy at hindi na napigilan ang kanyang pagngiti. "That's good then." ani daddy. "I have to say that I'm really impressed."

Ngumiti naman ng malapad si Josh. "Thank you, Tito." pasasalamat nito sa pagcompliment sa kanya ni daddy.

I have to say sobrang proud ko kay Josh dahil sa mga achievements nya ngayon. For just a short amount of time to train in handling their business at ganito na ang pag-unlad ng business nila ay talagang nakakamangha.

I'm really proud to call him mine.

"Uhm, 'by.." tawag nya sa atensyon ko.

Umayos naman ako sa pag-upo sa hammock at umalis sa pagkakasandal sa kanyang braso.

"Hmm?" ngiti ko.

Suminghap lang sya sa akin at saka iniabot ang kanyang phone sa akin na ipinagtaka ko naman.

"Para san to?" nagtatakang tanong ko.

"Read it." simpleng sabi nya lang.

Itinuon ko na ang tingin ko sa kanyang phone at nakitang nasa message ito na bungad na bungad pa ang pangalan ni Lyn na nagsend ng message.

From: Lynツ

              Josh,  I'm so stressed na nang dahil sa different modeling offers and photoshoots na ginagawa ko. I went to the hospital for a check-up and they told me to take a break that's why I took a five days vacation leave. Can you please, please come with me? Alam mo namang ikaw ang lakas ko at namimiss na rin kita. Ang tagal na kitang di nakikita. Nakakatampo ka na. :( Kaya please, come with me na. :(

Nang mabasa ko to ay hindi ko alam kung maaawa o maiinis ako kay Ariana. Nakakainis dahil accept sya ng accept ng mga projects and offers pero hindi nya naman pala kayang pagsabay-sabayin tapos ngayon, magrereklamo syang stressed sya nang dahil sa work nya tapos kailangan kasama pa si Josh on her leave. Bakit? Si Josh ba ang dahilan kung bakit sya na-stress? Ugh! What kind of thinking does she have?!

Shouldn't Have SaidWhere stories live. Discover now