Hinarap ko sya at nakita ko ang mukha nyang hindi alam kung dapat nya bang sinasabi ang mga salitang binibitawan nya ngayon.

"What are you talking about, Vini?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Ate, Kuya Josh loves you so much. I hope you wont forget that cause I can see that you're already drifting away from him.." seryosong sabi nya. "Ate, cant you hold on with his love for you? I know you still love him, Ate."

Hinawakan nya naman ang kamay ko't tumingin sa akin ng diretso.

"Ate, hindi lang ikaw ang nasasaktan. Kuya Josh is also hurting." marahan nyang sabi. "He's lost and he doesn't know what to do. Please, find and guide him. Ayoko ng nakikita kayong nahihirapan. Lalo ka na, Ate. Alam kong si Kuya Josh lang ang makapagbabalik sa dating ate ko." seryosong sabi ni Vini.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero isa lang ang napagtanto ko. May alam si Vini. May alam sya kaya nya nasasabi ang mga bagay na 'to.

"Vini, h-how did you know all these things?" tanong ko sa kapatid ko. "Vini, please tell ate kung may alam ka--"

"I'm sorry, Ate. I cant." pagputol sa akin ng kapatid ko at mabilis na tumakbo pabalik sa mga rooms.

Para akong lutang na pabalik sa office ko nang biglang pumasok si Erika't nagsisitili.

"Grabe, Lyrae! Ang pogi-pogi nila talaga tapos ang babait-bait pa." masayang sabi nito at lumapit sa akin kaya binigyan ko sya ng isang ngiti.

"Sino ba 'yong mga 'yon?" tanong ko nalang kahit na alam kong na-sense nya ng wala ako sa mood ngayon.

"Ah, eh.. Ito oh." sabay kuha ng phone nya. "Nagpapicture ako sa kanila." at saka iniharap sakin ang phone nya.

Nakita kong nasa kaliwa nya si Lawrence habang ang nasa kanan naman ay si Josh na seryoso lang nakatingin sa camera't tipid lang ang ngiti.

"Kasi kanina inaayos ko yung mga pagkain sa may pool area eh ang hirap bitbitin nung mga tray ng drinks at dalawa pa tapos si Kris walang kwenta dahil maglilinis pa daw sya sa shore kaya ako lang tuloy nagbitbit tapos nagulat ako ng kunin nilang dalawa yung bitbit kong tray." kinikilig nyang kwento.

Ang alam ko kasi'y sa pool area gaganapin ang party para sa birthday ni Kuya James at may sound system pa ngang isineset-up doon.

"May asawa na si Lawrence." agad kong sabi nang ibalik ko sa kanya ang phone nya. "Kakakasal lang nya. Three weeks na rin halos." dagdag ko pa.

"Hmm.." tumango-tango naman sya. "Eh yung nasa right ko? Mas pogi sya eh." kinikilig nitong sabi.

Napatigil naman ako at hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot kay Erika.

"H-He's single, I think.." sabi ko nalang.

"Talaga?" masayang untag nya at mas lumapit sa akin. "Alam mo bang narinig ko syang kumanta't mag gitara doon sa shore?" nakangiting sabi nya. "Ang ganda ng boses nya tapos ang galing pang mag gitara." komento nya. "Ideal guy ko kasi ang marunong mag gitara't kumanta saka syempre pogi."

Hindi nalang ako nagkomento sa kanyang mga sinabi at pinilit ko ang sarili kong wag maging apektado.

"Wait nga, Lyrae!" bigla nyang sabi at muli akong napatingin sa kanya. "Pano mo sila nakilala? At pano nalaman ang relationship status nila?" mapanghinalang tanong nya sa akin.

Suminghap naman ako at sinagot ang kanyang tanong. "Lawrence is my friend and so as.. Josh." sabi ko nalang.

"So, you mean kakilala mo ang nagp-private ng resort?" hindi makapaniwalang tanong nya.

Shouldn't Have SaidWhere stories live. Discover now