Chapter 4

17 1 0
                                    

CHAPTER 4: No way out

Anerysha Avadez's POV.

Limang na araw na ang nakalipas nang mag-enroll kami rito sa MS university, at sa loob ng mga araw na iyon ay marami na kaming karumal-dumal na krimen na nasaksihan.

We can't even call a police to report this incident. Lahat ng gadgets namin ay nasa kamay ng Headmistress. She collected it after the day we've enrolled. Sigh

Ngayon, pasikat pa lamang ang araw ay nagpunta kami agad sa Office ng Headmistress. Inagahan talaga namin dahil ilang araw na namin siyang hindi naaabutan sa opisina niya. We have a lot of questions that we want to ask and yet iilan pa lang doon ang may kasagutan.

Ang madalas na rason sa amin ng guard ay maaga itong umaalis, at hindi nila alam kung saan ito nagpupunta. Which is I find suspicious.

“Wala na naman sa opisina ang Headmistress?” pabuntong hiningang tanong ni Sera. It's not actually a question, it's more likely than a statement.

“Malakas ang kutob ko na iniiwasan niya talaga tayo.” pagsang-ayon ko.

“Wala ba tayong pwedeng kausapin aside from her?” naiiritang sambit ni Ava. “Wala bang vice principal dito?”

Sa aming apat ay siya ang pinakamaldita, pinakamaarte, at mabilis mairita.

“Wala riyan ang Headmistress. She's busy.”

Nabaling ang atensyon namin sa boses ng nagsalita. Isa itong babae na kaedaran din namin, nakasuot ito ng regular uniform atay malaking salamin sa mata.

“Uhm, alam mo ba kung nasaan siya?” si Meign ang nagtanong.

“Baka may inaasikaso.” pagkibit-balikat nito.

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko mapigilan na pukulan siya ng masamang tingin. Anong nginingisi-ngisi niya. Baliw ba siya. Nagmumukha tuloy siyang aso. Psh.

“But! I know someone na pwede ninyong makausap,” makaraan ay sambit niya.

“Who is that?”

Inilagay nito ang kaniyang hinlalaki sa ilalim ng kaniyang baba na tila ba nag-iisip.“Hmm.. alam ko na! ang Secretary ni Lady Zarah, si Ms. Erish—oh my bad! I mean, it's Ms. Eirin.”

Kumunot ang noo ko nang may banggitin siyang pangalan ngunit agad niyang tinakpan ang bibig niya.How weird.

“Saan namin siya matatagpuan?”

“Sa east wing, SSG Office. Nandoon lamang siya tuwing work hours.” ani nito at may itinuro sa malayo.

Tumango ako at tinalikuran na siya. Hindi maganda ang pakiramdam ko habang nakikipag-usap sa kaniya. Something off. I feel like someone's watching us from a far.

“Teka, ayaw niyo bang samahan ko kayo?” nakangiti nitong anyaya.

Umiling ako. “Hindi na kailangan. Salamat.”

“Oh okay.”

Nagtungo kami sa east wing kung saan naroon ang office ng SSG, nasa dulong hallway ito at kailangan mo pang kumaliwa para makarating doon.

Makailang katok ang ginawa ko nang walang sumagot ay napagpasiyahan ko nang buksan ang pinto. Sumilip ako sa loob at walang tao.

Akala ko ba nasa office lang ang Secretary. Is she fooling us?

“What are you doing here?” Napalingon kami nang may magsalita. Kakapasok lang nito sa office at may dala siyang mug at tupper ware na may pagkain. Masama kami nitong tinignan. “It’s almost break time! what do you want?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mitsushinawa UniversityWhere stories live. Discover now