Chapter 3

18 1 0
                                    

CHAPTER 3: You can't escape

Anerysha Avadez's POV.

Hingal na hingal akong napasapo sa dibdib ko nang makarating kami sa tapat ng pinto ng dorm. Nasa 3rd floor pa naman ang dorm room namin, halos magkandarapa pa kami para lang mabilis na makaakyat.

“Damn! what was that?!”

Hindi ako lubos na makapaniwala sa nakita namin kanina lang. Para akong nakakita nang isang demonyo, napakawalang puso. Sumilip ako sa ibaba at nakita ang katawan ng walang buhay na babae.

Wasak ang bungo nito at naliligo na ngayon sa sarili niyang dugo.

Napalingon ako kay Meign nang marinig ang walang humpay na iyak niya. Inaalo na ito ngayon ni Sera. Samantalang si Ava naman ay hindi napigilang masuka sa nasaksihan.

Hinanap ng mata ko ang lalaking pumatay sa babae ngunit wala na ito ngayon sa kinatatayuan niya.

Bakit niya ginawa 'yon, anong dahilan niya...

“Are you okay?"

Nagitla ako nang biglang may yumugyog sa balikat ko. Isang lalaki na may nag-aalalang tingin ang ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Mistiso ito at matangkad, nakasuot siya ng uniform at may eye glasses. “Who are you?”

“Kaison Halter. That's my name.” pakilala nito sa amin.

Napapikit ako nang mangalay ang leeg ko sa pagkakatingala sa kaniya. Damn, hanggang dibdib niya lang ang height ko!

“Hey! may masakit ba sa 'yo?” nag-alalang tinig nito.

Pinigilan ko siya sa akmang pag-alalay niya sa akin. “Okay lang ako. Salamat, kaya ko ang sarili ko.”

“Ano ba kasing ginagawa ninyo sa labas? it's already 6 pm.” pagsisiyasat nito sa amin. “Hindi na kayo dapat na nasa labas pa nang ganoong oras, lalo na kapag tumunog na ang tower clock.”

Naalala ko na naman ang nangyari kanina. “Iyon ba ang ibig sabihin ng Headmistress sa cursed nightmare?” tanong ko.

“Sandali, mga newbie ba kayo?” ani nito nang makita ang mga hawak naming bags na may lamang uniforms.

“Oo, kanina lamang kami nag-enroll. At 'yung na-nangyari kanina... bakit---” hindi na naituloy pa ni Meign ang sasabihin nang may marinig kaming yapak ng sapatos sa hindi kalayuan.

Maya-maya lamang ay may lumitaw doong lalaki at may hawak itong palakol na may bahid ng dugo. Nakangisi ito at marahang naglalakad palapit sa amin.

“Shit! they are here!” sigaw ko.

“Pumasok na kayo sa dorm niyo, huwag na huwag niyo silang hahayaan na makapasok!” babala sa amin ni Kaison.

Tinignan ko siya. “Paano ka?” kinakabahan kong tanong.

Ngumiti ito at umiling. “Don't worry about me. Iyon lang ang kwarto ko.” pagturo niya sa opposite side ng hagdan. Tumakbo siya roon ngunit hindi pa man siya nakakalayo nang humarap siya sa amin. “I-lock niyo ang mga bintana at pinto, patayin niyo ang ilaw at huwag kayong gagawa ng anumang ingay hangga't hindi sila umaalis.” pabulong na sambit nito.

Madali kaming pumasok nang makita naming papalapit na ito sa pintuan. Agad kong ini-lock ang pinto at pi atay ang switch ng ilaw.

“A-anong gagawin natin?!” nahihintakutan na bulong ni Ava.

Marahan akong umatras papalayo sa pintuan at sinenyasan ang mga kaibigan ko na huwag mag-ingay.

Napapitlag ako nang malakas na kumalabog ang pinto. Marahas na gumalaw ang doorknob na pilit nitong binubuksan. Hindi siya nakuntento at binabalya pa niya ito ng kaniyang siko.

Mitsushinawa UniversityWhere stories live. Discover now