Chapter 2

17 1 0
                                    

CHAPTER 2 : Cursed night

Anerysha Avadez 's POV.

It's already 4:30 in the afternoon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina mula sa bibig ng Headmistress. Really, allowed ang pagpatay? that's crazy!

Anong klaseng school ang napasukan namin?

“What now, guys? itutuloy pa ba natin ang pagstay dito sa weirdong university na ito?” hindi mapakaling tanong ni Meign.

Nandito kaming apat ngayon sa dorm upang sana ay magpahinga, pero dahil sa mga narinig namin kanina ay hindi namin magawa.

“I can't guarantee our safety here. Kinakabahan ako, lalo na sa sinabi ng Headmistress na iyon.” seryosong sambit ni Ava.

“I know, maski ako.” pag-amin ko. “But we have a goal here. Last goal. At kung hindi man natin siya mahanap dito ay ako na mismo ang unang susuko.”

“Yes. We have to find either one of them.” pursigidong pagsang-ayon naman sa akin ni Sera.

That is our main goal. To find someone that is missing 5 years ago.

And it was dad, my elder sister, and  Sera’s brother—my sister's boyfriend. Highschool ako that time nang mangyari ang biglaang pagkawala ni Ate Merysha. She is a pharmaceutical chemist, so as his boyfriend. While our dad is a Scientist. Magkakasunod silang nawala for unknown reasons. Marami nang nilapitan si Mommy na pulis, private investigator, secret agent, she even paid them a high amount pero walang nangyari. Hindi nila nagawang mahanap ang pamilya ko. Ginawa namin lahat, nagpakalat kami ng flyers na may malaking pabuya, nagpabalita sa TV at Radyo pero tanging fake callers at scammers lang ang natanggap namin.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan ng pagkawala nila pero isa lang ang sigurado ako... may kinalaman ang MS university sa nangyari. Daddy used to work there as a School Scientist, samantalang si Ate Merysha at Kuya Fab ay graduating doon.

This is the last university that was on my list, at sa naunang apat na napasukan namin ay hindi namin sila nahanap. Ngayon, malakas ang kutob ko na may mahahanap kaming kasagutan dito.

I hope so...

“But... kung ayaw na ninyong tumuloy, I understand.” I smiled. “We can ask for withdrawal para sa inyo. Pero ako, mananatili ako rito at maghahanap ng kasagutan.” desididong sambit ko.

“No. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindi namin kayo iiwan ni Sera." ani ni Ava at marahang hinaplos ang braso ko. “Hindi ko lang maiwasan na matakot para sa kaligtasan nating apat. Lalo na at mukhang siraulo ang nagpapatakbo ng university na ito." buntong hininga nito.

“We need to find them as soon as possible, nang sa gayon ay makalabas na tayo rito." sambit ni Sera na nakatingin lamang sa labas ng bintana.

“I think mahihirapan tayong maghanap sa ganitong napakalawak na skwelahan, lalo na at napakaramot nila sa information ng school.” pagsingit ni Meign.

“O'siya! tama na ang seryosong usapan. Hindi ako sanay sa aura niyo ngayon, para akong nanonood ng drama sa television.”ani ni Ava na siyang ikinatawa namin.

“Oo nga! marami na tayong napagdaanan para panghinasn pa ng loob. Hindi nila tayo basta-basta masisindak.” pagsang-ayon ni Meign at nag-apir pa silang dalawa.

“That's the spirit! what's our rules again?" tanong ni Sera.

“Stay out of trouble."  -Meign

“Never let our guards down.” -Ava

“And we must act as a normal students. We need to stay Lowkey.” paalala ko pa.

Mitsushinawa UniversityWhere stories live. Discover now