Kabanata 15

2 0 2
                                    

" Grabe mukhang uulan pa ata Em.!" Hindi ko na napigilan na hampasin ng bag si Wave.

Hindi ko naman kasalanan na hindi ako nabibiyayaan ng magandang boses katulad niya. Kakatapos lang ng MAPEH class namin ngayong araw, at Oo kung kahapon ay hindi kami nakakanta pwes hindi kami nakaligtas ngayon. I was a little bit embarrassed when I started sung. Habang kumakanta ako kanina ay nakikita ko ang ilan sa mga kaklase ko na pinipigilan ang tawa nila. And now kakalabas ko lang ng classroom ng insultuhin na ni Wave ang boses ko.

Napatingin siya sa akin at ngumuso, inirapan ko siya at iniwan sa kinatatayuan niya. Nakakahiya sa mga kaklase ko at parang ako ang pinaguusapan, pasensya na at pangit ang boses ko. I was not into that after all.

" Pasensya ka na huh?" Hindi ko na nahaluan ng katarayan ang boses ko.

Nahihiya parin ako sa nangyari, kahit simpleng bagay lang 'yon ay matinding hiya ang binigay sa akin.
I really don't want attention. Sana sinabi ko na lang na hindi ako marunong kumanta, at nag offer na lang sana na sasayaw ako ng folk dance, mas maganda pa siguro 'yon.

" Biro lang naman 'yon Em." Nang maramdamang hindi na ako natutuwa ay siya na ang humingi ng tawad.

Napatitig ako sa seryoso at nagmamakaawang mukha ni Wave. Kumurap ako ng bigla siyang ngumiti at naging dahilan ng pagtalikod ko. Habang hindi nakaharap sa kanya, roon ko pinakawalan ang ngiti, matamis na ngiti. Isang ngiti na hudyat na may sumibol na nararamdaman sa kanya.

" H-halika ka na W-wave." I stuttered a bit. Nagulat ako ng maramdaman ang hininga niya sa kanang taenga ko.

" Huh?,!saan tayo pupunta?". Mula sa malamig na boses na sabi niya. Sa ganoong paraan ay parang kinilabutan ako. At kung anong dulot, na nagpawala sa sistema ko. Nakakabaliw.

Pero teka?!.

Saan nga ba kami pupunta?.

" W-wala, sabi ko uuwi na ako." Hindi ko na hinintay ang sasabihin at tuluyan ng tinalikuran siya.

Hindi ko na maramdaman na sumunod si Wave. Nasa dulo na ako ng hallway ng matanaw si Enid. Nakatayo sa likod ng puno at parang may tinitingnan. Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin. Napatago tuloy ako sa likod ng poste ng bigla siyang humarap sa pwesto ko. Hindi niya ako nakita, at nakita ko ang malungkot na mukha nito. Nang tuluyan siyang umalis ay bago ko tiningnan ang tinatanaw niya kanina.

Pumunta ako sa pwesto ni Enid at mula roon ay tanaw ko ang magaling kung kapatid kasama si Aly. Nakaupo sila sa damuhan at magkadikit na magkadikit. Teka?, Ano namang ginagawa ni Aly rito?.


" Kuya!" Seryoso kung sigaw na dahilan ng sabay na paglingon nilang dalawa. Lumapit ako at tumayo sa harapan nila.

" Hi Em." Bati sa akin ng babae, I didn't give her a glanced. Instead, tiningnan ko ng seryoso sa mukha ang kapatid ko.


" Uuwi na tayo." Tumayo naman silang dalawa, nauna akong naglalakad at ramdam kung sumusunod naman sila. Nang makalabas kami sa Salcedo high, nakita kung nag-aabang ng sasakyan si Enid.

Nang matanawan ako ay kumaway siya at ngumiti, a genuine smile. "Bye Eli.!" Sigaw niya bago sumakay sa trycicle na pinara niya. Kumaway na lang ako, ni hindi man lang niya binigyan ng sulyap ang lalaki at babae na nasa likuran ko.

Nang makarating sa bahay, umakyat na ako kaagad sa kwarto. Hindi na nagabala na sulyapan ang mga taong nakaupo sa sala. Naramdaman kung sumunod si Ed sa akin hanggang makarating kami sa kwarto.

" Em, it's not what you think."
Iyon kaagad ang sinabi niya ng makapasok sa kwarto ko. Inilapag ko ang mga gamit at hinarap siya.

" Kuya, oo it's not what I think
but....Alam mo namang hindi pwede diba?". Nakita kung lumamlam ang mga mata niya, napahawak siya sa sintedo at napailing.

" I'm sorry, I just can't.." mahinang bulong pa niya. Hindi na natuloy ang balak na sabihin, he left a heavy sigh and look back at me and smile. A smile that assuring. " I'll go now." Tumango na lamang ako sa kanya, tinanaw ko siya habang palabas ng kwarto ko.

Hindi ko maiwasang maawa sa kanya, ngayon pa lang ay nahihirapan na siya. Paano pa kaya kung may malalaman pa siya. Even though, were half he's always my brother, my whole brother. Hindi lang dahil sa apelyido na dala naming pareho, kundi dahil kapatid ko siya.


Hindi ako lumabas ng kwarto hanggang hapunan. Nang hapunan ay kumatok si Aly sa pinto, pinagbuksan ko siya. Naroon padin ang seryoso kung mukha. Ngumiti siya ng makita ako at sinabing kakain na. Nang akmang aalis siya ay hinawakan ko ang braso niya.






" Bakit ka ba nandito?". Deretsahan na tanong ko, nakita ko ang pagkabigla niya.




" S-sinama ako ni k-kuya." She stuttered a bit. Mukhang kinakabahan siya gayong gusto ko lang naman siyang kumprontahin.




" You know what Aly, I don't consider you as a part of the family." My voice was cold, matapos sabihin ang mga katagang iyon ay nauna akong bumaba.





Naroon na sila ng makarating ako, si Ed na may alanganing ngiti sa akin ang unang dinapuan ko ng tingin. I didn't bother gave him a smile, bagkus hinarap ko ang mga magulang ko at nginitian silang pareho. Hindi na nagtagal ay sumundo na si Aly.





That time we ate at peace, walang nagsasalita. Nabasag lang ang katahimikan na 'yon ng magsimulang mag usap si Mama at Papa about sa Hotel na pinapatayo. Kaming tatlo naman ay tahimik lang at minsan ay nagpapalitan ng sulyap.





" I enrolled Aly." Natigilan ako sa sinabi ni Papa, ng mag angat ako ng tingin ay nakangiti siya sa amin ni Ed.





So, kaya pala naroon si Aly kanina sa School dahil ni-enroll na siya ni Papa. I sighed.





" What do you think Em.?" I sighed again, before I loathe being called by 'Em' pero habang tumatagal ay parang nasasanay na ako.




" That's well.." binigyan ko ng kaunting sigla ang boses, ngumiti naman si Papa.




Pagkatapos kung kumain nagpaalam na akong aakyat sa kwarto. Ang dami ko pang dinahilan at sinabing marami akong assignment ka gagawin, ang dami kasi nilang tanong.


As I went upstairs ni-lock ko ang pintuan ng kwarto ko at kinuha ang cellphone bago mahiga sa kama. Good thing dahil may wifi na kaya hindi ko na need lumabas pa sa balcony para magkaroon ng malakas na internet.




And as I open my phone....

@AlonRussel Asuncion
sent you a follow request

WAVES OF AFFECTION (Buenaventura Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن