Epilogue

1K 32 8
                                    

"Pupunta ka?"

Napatingin ako sa kapatid ko nang magtanong ito. Kasalukuyan siyang umiinom ng kape at kumakain ng tinapay sa kusina. Ngumisi ako at sinabi ang isang bagay na tiyak kong ikaiinis niya.

"Hulaan mo."

"Hindi ka pa mabagsakan ng gintong relo sa ulo." Inismiran niya lang ako saka nagpatuloy sa pagkain. Tumawa lang ako saka ginulo ang buhok niya, bago pumasok sa loob ng kuwarto ko para magsuot ng sapatos.

Birthday kasi ngayon ng pamangkin ko sa kapatid ni Mama kaya kailangan kong pumunta. Saka okay na rin 'to, kaysa naman manatili ako sa bahay na 'to maghapon.

"Pasabi sa kanila umalis na ako. Bye!"

Tinapik ko lang ang balikat ni Lucas saka tumakbo palabas ng bahay, bitbit ang susi ng motor. Narinig ko pa ang pagsigaw niya ng ingat at tumango na lang ako.

Hindi naman gan'on kalayo ang bahay nila sa bahay namin kaya hindi din nagtagal, nakarating na kaagad ako.

Mukhang napaaga pa ata ang dating ko dahil wala pang masyadong tao. Tinanguan ko lang si Tito nang makita ito saka dumeretso sa pamangkin ko na noon ay 7 years old na.

"Happy birthday sa pinakamamahal kong pamangkin." Hinalikan ko ang pisngi niya saka ito pinaglaruan. "Walang regalo si Tito kasi wala na akong pera, hehehe,"

"Parati ka namang walang regalo." Tumawa din si Tita at pinanood akong paglaruan ang kaniyang anak na noon ay nakasuot lang ng pastel blue baby dress.

"Si Kenneth po?"

"Ah, nando'n sa likod. Kanina ka pa no'n hinahanap. Puntahan mo na." Tumango lang ako saka binalik ang bata sa kaniya at pumunta sa likod.

Doon ko sila naabutan na nagluluto pa lang ng mga handa. Tumawa pa ako nang makita ang itsura ni Kenneth dahil halatang hindi pa ito naliligo.

Kinuhaan ko ito ng picture saka naglakad palapit sa kanila. Sinubukan ko na ding tumulong kahit na nakapag-ayos na ako.

Wala na din naman akong iba pang gagawin. Puro lang sila tawa do'n sa likod kaya kahit hindi ko gets ang biro nila, nakikitawa na lang din ako. Mukha namang nakakatawa ang mga biro nila.

Magbibiro na lang kasi, bisaya pa.

Mabilis lang din na lumipas ang mga oras at napagdesisyunan na din ni Kenneth na mag-ayos na. Habang wala siya, naglibot na lang din muna ako.

Nagsimula na ding magsidatingan ang mga bisita nila kaya umupo na lang ako sa isang tabi para panoorin sila at mag-obserba.

Karamihan sa mga dumalo ay bata, dahil children's party nga naman 'to. Nagkalat sila sa paligid at pinanood ko lang silang magtakbuhan habang nakangiti.

Nang tumingin ako sa gate, nakita kong pumasok ang isang lalaking nakasimangot. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa lahat ng tao dito, siya lang ang mukhang hindi masaya.

Pinanood ko siya, pero mukhang hindi niya naman ako napapansin. Mukhang iwas na iwas siya sa mga bata kaya bahagya akong natawa.

Cute kaya ng mga bata, bakit ayaw niya? Kakaiba siya.

Hanggang sa umupo siya sa isang tabi na hindi masyadong kalayuan sa mga bata. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya.

"Sinong tinitingnan mo?" Hindi ko tiningnan si Kenneth nang dumating ito at umupo sa tabi ko. "Hoy, gago nakatingin na sa'yo."

Binawi ko ang tingin sa bata nang marinig ang sinabi ni Kenneth.

Gago, nakakahiya.

Naramdaman kong bumulong sa'kin si Kenneth. "Kilala mo ba 'yan?"

Paper Rings (Epistolary)Where stories live. Discover now