Kabanata 48.0: Far Away From Me

Magsimula sa umpisa
                                    

"Natatakot akong baka ibabalik nila ako sa rehab at makulong doon ng ilang taon. Ayokong iwan ang anak natin kagaya ng pag-iwan mo sa amin, Sunny. Kagaya ng pag-iwan mo samin at pagbuo mo ng panibagong pamilya kasama ang epokrita mong asawa na si Angelie at ng anak mong si Heaven." Lumuha si Tanya. Hindi n'ya iyun namalayan. Puno ng pighati ang puso n'ya. Puno ng puot at sakit.

"Isang araw, nahuli ako ng isang doktor. Nagmakaawa ako sa kanya na 'wag ibunyag ang sekreto ko. Ginawa n'ya ngunit may kapalit. Ginawa n'ya akong dealer ng drugs. Ginawa n'ya akong dealer ng drugs sa mga pasenyenteng uhaw sa droga katulad ko. Uhaw sa drugs sa kadahilang ayaw nilang maalala pa na minsan ay iniwan sila ng taong mahal nila. " Ngumiting lumuluha si Tanya habang si Sunny ay unti-unting pinapatay ng kanyang konsensya. "Naging mayaman ako Sunny. Naging mayaman ako," dagdag niya.

"Upang walang makahalatang hindi ako totoong comatose ay tinuturukan ako ng doktor na iyun ng isang espesyal na gamot. Nagmumukha akong patay sa loob ng sampung oras kada isang araw dahil sa gamot na iyun." Napatingin si Tanya sa leeg ni Sunny, tila gusto itong sugatan.

"At gusto kong matikman mo ang gamot na iyun. Sunny." Mabilis pa sa isang kisap-mata ay agad na naiturok ni Tanya ang isang mahabang injection sa leeg ni Sunny. Agad na nanigas si Sunny at napahiga sa malamig na flooring ng opsina.

"Dahil mahal pa rin kita Sunny ay hindi muna kita papatayin," bulong ni Tanya sa nakadilat-mata at walang ulirat na si Sunny. Bigla siyang napahalakhak.

Aalis na sana siya nang bigla nadangil ng kamay niya ang isang kahon sa mesa ni Sunny. Isang kahon na may lamang kamera at dalawang litrato. Ang litratong kuha ni Fear De Guzman limang taon na ang nakakalipas. Ang litrato kung saan ay nakapinta ang sarili n'yang katawan na itinutulak ni Sunny Chavez.

Agad n'yang pinulot ang nagkalat na gamit, ibabalik na sana n'ya ito sa mesa nang bigla siyang nanigas nang makita n'ya ang larawang mapulot. Nanginig si Tanya. Bigla siyang napaiyak.

Naging masaklap ang buhay ni Tanya dahil kay Sunny.

Naging masaklap ang buhay ng anak niyang si Wilson dahil sa bagong pamilya ni Sunny. Si Angelie at si Heaven. Kailangan na niyang maghiganti. Hahanapin na niya ito at papatayin.

Maglalakad na sana si Tanya nang bigla siyang may naalala.

Ang babaeng inutusan niyang dalhin sa kanya ang kamera at ang mga litratong hawak niya ngayon.

Si Fear De Guzman.

Nagtangis ang mga ngipin ni Tanya ng maalala ang babaeng iyun.

"Isa kang traydor! Isa kang traydor!!" naibulalas niya sa ere. Naturingan niyang traydor si Fear De Guzman. Nitong nakaraang araw, sinabihan n'ya ang dalaga na ibalik na ang camera sa kanya ngunit papaanong napunta ang mga bagay na ito sa opisina ni Sunny? Paano? Oo nga pala, ipinadala iyun ni De Guzman bilang pagsuko. Bilang pagsuko n'ya upang hindi na madamay ang pamilya n'ya sa gulo na kinakasangkutan ni Sunny Chavez. Mas pinili ni De Guzman na si Sunny Chavez kaysa sa kay Tanya. Nagtangis ang mga ngipin ni Tanya ng maisip n'ya iyun. Galit siya kay Fear De Guzman. Galit siya!!

Ipapasok na sana ni Tanya ang camera sa kanyang itim na bag nang bigla n'yang nakita ang isang sulat na nakausli sa kahon.

Agad niyang binasa ang sulat. Ang sulat ni Fear De Guzman para kay Sunny Chavez. Ang sulat na naglalaman ng isang kasunduan.

Biglang napahalakhak si Tanya na parang demonyo. Bigla siyang napahalakhak na para bang wala ng bukas matapos niyang mabasa ang sulat na iyun.

Hindi na lang pala si Sunny, si Angelie at si Heaven ang papatayin n'ya.

Maging si Fear De Guzman ay nadagdag na rin sa kanyang listahan.

"Hating gabi. Sa tapat ng Fox Hotel, sa may pedestrian lane, dalhan mo ako ng dalawang daan na mga armadong miyembro ng grupo natin," sabi ni Tanya sa tauhang kausap sa telepono.

"May susunduin ako," nakangising dagdag ni Tanya. "And oh, please bring some extra coffins." Muli siyang humalakhak.

* * *

FEAR

Nasa loob kami ng bus ni Heaven sa puntong ito. Pareho kaming may suot na shades. Naka-akbay rin siya sa akin at panay din ang ngiti niya.

"Hoy! Ano ba?" medyo kinikilig na natatae kong bulalas sa kanya, bigla niya kasi akong sinundot sa tagiliran e. Napakislot tuloy ako na parang bulate na binudburan ng asin.

Nag-pout naman si Heaven bilang sagot.

"Kiss? Gusto mo ng kiss?" nakangiting tanong ko. Tumango naman siya. Parang baby na naka-nguso. Parang aso na naglalaway.

"Pumikit ka muna," utos ko sa kanya tapos nakangiti siyang pumikit.

Bigla akong nalungkot, bigla akong nakaramdam ng matinding kalungkutan.

Lumapit ako sa kanya at nagsalita sa isipan, 'Ibabalik kita sa Daddy mo mamayang gabi. Sana mapatawad mo ako Heaven. Sana.'Hindi kita sinusuko dahil gusto ko. Sadyang hindi pa siguro panahon na magsama tayo. Alam kong dadating ang panahon na iyun kaya ngayon, bibitawan muna kita. Hihintayin ko ang araw na muli tayong magkakabanggaan sa hallway. Sisigaw ako na naroon si Lee Min Ho tapos, hihilain mo ako bigla. Hihintayin ko ang panahong iyun. Hihintayin ko.'

Makalipas ang ilang sandali ay hindi ko na pinatagal ang pagtitiis n'ya. Hinalikan ko siya...

...sa noo.

"That's better," sabi n'ya sabay akbay sa akin. Ngumiti siya at ngitian ko rin siya. Napatingin ako sa may binta ng bus. Habang pinagmamasdan ko ang mga estrukturang dinadaanan namin ay parang kinabahan ako bigla. Parang may mangyayari sa aking masama?

"Are you okay?" tanong ni Heaven. Ngumiti ako bilang sagot. Hinalikan niya ako sa noo ko. Napapikit naman ako nang gawin niya iyun. Niyakap niya ako ng mahigpit.

* * *

HEAVEN

"Are you okay?" tanong ko sa kanya, ngumiti siya. Ibinalik n'ya ang tingin n'ya sa may bintana, pinagmasdan ko siya at makalipas ang ilang sandali ay hinalikan ko siya sa noo niya at niyakap.

I will love you 'till the last days of my life, Choco Girl. I will love you 'till I take my last breath. As long as I can protect you, then I'm willing to take you anywhere for you to be safe. That's why I'm taking you away from me. Because letting you stay beside me means putting you in trouble.

Mamayang gabi. Pagkatapos nitong lahat, ibabalik kita. I will bring you home safely... far away from me.

* * *

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon