038 • messenger

Start from the beginning
                                    

Saint Nana of Cavite, Amen:
Yay! Okay yan kay Milk. Hehe. Pero hala, be. Okay ka lang ba? Imbis na stress free, nagpasakit pa yata ng katawan at ulo mo 'yang Batanes? 😅 Yong guy din sana, naging bato pa.

Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
No its okay actually
Nakakatulong mga nangyayari as distraction from the inevitable haha
Alam ko rin namang meant to be single ako no
They can't handle me
😌😌😌

Saint Nana of Cavite, Amen:
Sus. Di mo pa lang siguro nakikilala yong for you. Infairness din, be. Ang sipag mo ha? Nag-notif sa akin yong podcast mo kaya napa-PM ako. Akala ko, busy ka kaya di ka nag-a-update sa igs e. Pero kahit ano talaga mangyari, magpo-post ka ng podcast, ano? 🤩

Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
Pagod na nga ako te hahaha
Ayoko na muna mag upload
Kaso ayoko rin masira weekly streak ko e
Ito na lang kaligayan ko dito pati sa pakikichismis haha

Ruru, Masamang Damo ng Valenzuela:
anong chismis? xD

Saint Nana of Cavite, Amen:
Nabuhay si master? Haha.

Ruru, Masamang Damo ng Valenzuela:
minsan lang naman, pagbigyan nyo na me xD


Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
HAHAHA
Ito kasing mga pinsan ko
Pinag uusapan yung Amante sisters sa gc
Nakasabay daw kasi nina Ate Ysh sa isang exclusive resort yung fam
Eh di ba kakaparinigan lang ng mga yon last week

Saint Nana of Cavite, Amen:
😅😅😅 Okay na ba sila?

Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
Lol
No idea 
Based sa kwento, nag-uusap naman daw ng matino
Wala naman daw nag-away


Saint Nana of Cavite, Amen:
Buti nagkaayos sila no? Haayy. Ang hirap din nung nababalita yong family palagi dahil sa mga scandals at parinigan nila? Pinagpepyestahan sila lagi ng mga tao so social media, paano kaya nila naha-handle yon? 😔 Nung pinag-usapan nga yong why cafe, halos di na nga ako makaahon. Ano kayang powers nila to get pass through those hurtful words? 

Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
Lakas ng loob at pagkamaldita siguro ang mayroon sila, ate. Sama mo pa pera. Haha

Nana ... reacted with 😅

Ruru, Masamang Damo ng Valenzuela:
based on exp, hirap mga artista magpanggap na mabait sila for months lalo na pagod kami lahat sa filming
siguradong lalabas at lalabas yong kasamaan nila xD
nakatrabaho ko na yang si keana amante
parang di naman siya nagmaldita sa amin buong shoot
intimidating aura siguro pero mabait, generous pa nga e
kaya di ko gets paano nangyayari ung issue dyan sa mga away and shiz nila


Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
Iba din kasi talaga family nila, puno ng sticky situation. Kabit nito, kabit niyan, maingay pati legal wives. Tho, iba rin bunga ng magkakapatid na 'yon, ang gaganda ng lahi. Si Keana Amante, may anak na bachelor na pa-thirst trap mga post hahaha

Saint Nana of Cavite, Amen:
Paanong pa-thirst trap? 🤔

Manila Fuccboi's Best Girl, Momo:
As in kailangan mo mag sign of the cross pag nakita mo ung IG.

Nana ... reacted with 😬

Siguro para mas gets, cleaner version ng jowa mo, te. 🤭

kung nakuha man sa dahas (epistolary)Where stories live. Discover now