Chapter 12(Revenge)

3 4 0
                                    

Shantal's P.O.V.

Nagising ako ng biglang may sumabunot sa buhok ko. Napaigtad ako sa sakit. Hindi nagiging maganda ang lagay ng ulo ko bawat oras. Sobrang sakit at hapdi dahil sa sugat.

"Gising! "Diko namalayan na bumyahe pala kami paalis sa lugar na to.

Itinulak nya ako palabas ng kotse at sumalampak ako sa madilim na kalsada.

Familiar sakin ang lugar.

Ice cream?

Bigkas ko sa utak ko. Bakit amoy ice cream dito? Nilibot ng mata ko ang buong paligid at ngayon ay naging malinaw na ang lahat kung nasan ako.

Kanina dinala nila ako sa lumang bahay namin kung saan kitang kita ko kung paano pinatay si mommy. At ngayon sa lugar naman kung san pinatay si daddy.

Hindi magdigest sa utak ko ang lahat ng nangyayari. Gulong gulo na ako at sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip sa mga nangyayari.

Napasabunot ako sa ulo ko na parang mababaliw. May lumapit saking lalaki at tinurukan ako sa may braso ng kung ano. Hindi ko alam kung anong tawag don pero after non bigla nalang nagbago ang behavior ko. At nagstart narin akong mag hallucinate.

"Please wag mo ng idamay ang anak ko!"

Si Mommy.

"Shhhh! H-honey d-dont c-cry. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo..."

Mommy gustong gusto kitang yakapin sa mga oras nato. Sobra na akong nasasaktan sa nangyayari. Di ko na alam kung ano yung totoo sa at hindi. Pakiramdam ko kase nagpapaulit ulit lang ang lahat.

"My Princess, stay here no matter what happens, huh."

Si Daddy! Nandito din sya ngayon!

"No!!! Dad please wake up!"

Para akong mababaliw ng maalala lahat ng nangyare back then.

Mababaliw na talaga ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

"Lumaban ka anak!"  Isang bulong na nanggaling sa kung saan. Iminulat kong muli ang mata ko at nakita ang dalwang pigura ng tao na papalapit sa akin. Medyo mausok at madilim kaya hindi ko maaninag ang mga mukha nila.

At nang magsimula ang isa sa kanilang magsalita, nakilala ko na.

"Anak,naniniwala kami ng Dad mo sayo."sa pagkakataong iyon,tuluyan ng umagos ang luhang kanina pang gustong kumawala sa mga mata ko.

M-mommy? D-daddy?

Bulong ko sa isip ko habang nakatingin sa kanila na ngayon ay nakatayo na sa harap ko.

"Mommy,Daddy! Sobrang namiss ko po kayo!" Hindi parin tumitigil sa pagbuhos ang mga luha ko at agad silang niyakap.

Panginoon, kung panaginip lang lahat ng to. Please wag na sana akong magising.

"Malalampasan mo lahat ng ito anak. Magtiwala ka lang."masyadong makabuluhan ang sinabi nila pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin bagkos niyakap ko sila na para akong batang umiiyak at nagsusumamo na sanay wag na silang umalis.

DARK NIGHTWhere stories live. Discover now