Kumunot ang noo ko ng may mapansin kakaiba. Ang awra niya ay parang hindi ang Kiro na kilala ko. "Sinubukan kong lumapit sayo pero lagi akong hinaharangan ng mga tauhan ng hayop na lalaki na iyon"kumabog ang dibdib ko ng dumilim ang muka niya na animo ay galit na galit.


Ilang sandali pa ay nawala ang mabigat niyang awra at ngumiti sa akin. "Pero gumagawa ako ng paraan para mailayo kita sa kaniya. Konting tiis nalang ha? Itutuloy na natin ang plano natin dati. Lalayo tayo"aniya. Pero sa halip na ma excite sa sinabi niya ay hindi ko nagawang makapag react. Kung sa ibang pagkakataon ito ay baka sumaya ako sa plano niya.



Pero iba ang nararamdaman ko. Parang ayoko ko ng umalis at iwan si Yue. Hinaplos ni Kiro ang pisngi ko. "Kailangan ko ng umalis sa ngayon. Alam kong nasa paligid lang ang mga tauhan niya"bigla ay natuliro siya at ilang beses na luminga sa paligid. Dahil don ay nakumbinsi na akong may kakaiba nga sa kaniya. Pero hindi ko matukoy kung ano iyon.



Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang isang papel don. "Here's my new cellphone number. Tawagan mo ako diyan kapag may ginawang masama sayo ang lalaking yon"hinalikan niya ang noo ko bago naglaho sa harapan ko. Tulala ako ng maiwan sa madilim na eskinita.


I don't know what to feel. I'm happy because I saw him again but I'm sad at the same time. Lalo na kapag sumasagi sa isip ko ang kakaibang kilos niya. Tapos idagdag pang na awol siya sa trabaho. Bakit niya hinayaang mangyari yon?


Sa pagkakatanda ko ay mahal na mahal niya ang trabaho niya. Bukod don ay iyon lamang ang bumubuhay sa pamilya niya. Alam na kaya nina Tita ang nangyari? Bigla ay nakonsensiya ako. Hindi ko naman ginusto na masaktan ang anak nila.



Umuwi ako sa bahay ng walang ibang iniisip kung hindi ang nagyari kanina. Gaya ng sabi ni Yue ay hindi siya umuwi kaya mag isa na naman ako sa bahay. Wala naman kaming kasambahay dahil ayaw niya ng ganoon. Mas gusto niyang kaming dalawa lang.


Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Muling naglakbay ang isip ko sa mga sinabi ni Kiro. Gumagawa siya ng paraan upang itakas ako. Kung dati ay gustong gusto kong umalis sa puder ni Yue , ngayon naman ay gusto kong manatili. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.


Nagkakaroon na ba siya ng puwang sa puso ko? Oo at inaamin ko na attracted nga ako sa kaniya. Pero posible ba na ang simpleng attraction na iyon ay mauwi sa malalim na damdamin?


Nakatulugan ko na ang pag iisip. Sa sumunod na araw ay nag desisyon muna akong umuwi sa bahay nina Lola. Pagdating ko ron ay agad akong sinalubong ng pinsan ko.


"Siah! Bakit ngayon ka lang bumisita?"nagtatampong aniya. Umiling lang ako at pumasok na sa loob.

"Si lola?"

"Nakikipag marites as usual"sagot niya. Natawa ako. Si lola talaga , ang aga aga chismis agad ang inaatupag. Hindi na ako nagtanong kung nasan si lolo kasi alam kong nasa hacienda iyon. Umupo ako sa kawayang upuan.


"Kamusta ang pagiging Mrs. Dela Fuente? Maayos na ba ang relasyon niyo ng senior?"usisa niya. Napahinga ako ng malalim. Umupo siya sa tabi ko.


"Kung ang tinatanong mo ay kamusta ang pagsasama namin—ang sagot ay ayos lang"


"Hindi na kayo nag aaway?"


"Nag aaway parin"ngumiwi siya sa sagot ko. Pagkakuwan ay lumapit sa akin at bumulong.


"May nangyari naba sa inyo?"nanlaki ang mata ko at agad namula ang mga pisngi ko.


Ngumisi siya sa reaksiyon ko. "Oh yeah , the answer is all over your face"tawa niya.


"Tumigil ka nga"pag iiwas ko ng tingin pero sinimulan niyang tusukin ang tagiliran ko.


Obsession of Dela Fuente Donde viven las historias. Descúbrelo ahora