Chapter 27

4.1K 136 5
                                    


Chapter 27

"Why are you still awake?"umangat ang tingin ko sa lalaking pumasok sa kwarto. Nakasandal ako sa head board ng malaking kama niya. May hawak na libro at nag babasa.

Naglakad si Yue patungo sa may stand kung saan niya sinasabit ang coat niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang pinagmamasdan siyang alisin ang relo niya upang ipatong sa side table ng kama.

Sumunod ang tingin ko ng simulan niyang tanggalin ang butones ng polo niya. I sighed when I heard Vio's words in my head.

-Why can't you try to see my brothers good side? Kuya Yue is not the man you think he is.

-Not all villains are bad.

-Do you know what is amazing? He's a devil but he's also an angel!

Tiningnan ko ang librong hawak ko. Tinupi ko na iyon upang ilagay sa side table kung saan naroon ang orasan. It's already mid night. Ganito lagi umuuwi si Yue. Sa umaga naman ay sobrang aga niya rin kung umalis kaya hindi ko na siya nakikita. Ewan ko kung sinasadya niya ba iyon pero nag papasalamat ako kasi hindi ko siya kailangang harapin araw araw.

Ngunit iba ngayon kasi talagang hinintay ko siya. Gusto ko siyang makausap. Para kasing may kung anong magic ang mga sinabi sa akin ni Vio kaya pinag isipan ko ng mabuti.  Sinabi niyang hindi naman talaga masama ang kapatid niya. Ayaw ko mang maniwala pero hindi ko magawa. Kasi alam kong sila ang mas higit na nakakakilala sa kaniya. Bukod don , umeecho rin kasi sa tenga ko yong mga sinabi ni Aereal.

Napaangat ang tingin ko ng makarinig ng pagsara ng pintuan. Ngayon ko lang na realize na nakaligo na agad si Yue at nakasuot lang ng boxer. Umiwas ako ng tingin at lumunok. Bakit naka boxer lang siya?

Ramdan kong naglakad siya palapit sa cabinet at kumuha ng sapin ron. Pagkatapos ay inilatag niya sa baba ng kama. Bigla akong naawa , sa kaniya itong kwarto pero siya itong nag tiis sa sahig. Kung bakit kasi hindi  niya nalang ako hinayaan na sa guest room nalang.


Nang maayos ang higaan niya ay tumingin siya sa akin. "Sleep now baby. It's already late"aniya. Humiga na siya sa sahig kaya hindi ko na siya nakita. Kinain ako ng konsensiya. Bakit ba ako na guguilty kung sa sahig man siya matulog? Aba eh kasalanan niya naman!


Hindi naman ako nakakaramdam ng awa sa kaniya pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Kasalanan yon ng pesteng Vio Dela Fuente na iyon eh. May kung anong gayuma yata ang bibig ng baliw na yon! Inis akong napatampal sa noo ko at naglakas loob na tawagin ang pangalan niya.


"Yue"hinintay ko siyang sumagot pero wala akong narinig. Umalis ako sa pagkakasandal sa head board ng kama at sinilip siya. Parang may kung anong humaplos sa puso ko ng makita ang payapa niyang muka. Nakapikit ang mata niya at malalim ang tulog.



Halata rin sa itsura niya na pagod siya , kahit nga natutulog ay kunot noo parin. Napaisip tuloy ako. Ganon ba siya kapagod na ang bilis niyang nakatulog?



Malaya kong napagmasdan ang gwapo niyang muka. Para siyang anghel kung matulog. Ang sarap sarap niyang titigan. Kahit nga siguro maghapon akong tumingin sa kaniya ay hindi ako mauumay. Patuloy ako sa pag appreciate ng muka niya ng maisip ang kalagayan niya. Halata kasi na hindi siya komportable sa sahig. Tapos heto ako at dun siya pinapatulog.


Feeling ko tuloy sobrang sama ko na na hindi man lang naisip ang kalagayan niya. Hindi man lang sumagi sa utak ko na lagi siyang pagod sa trabaho pero sa halip na makapag pahinga sa kama ay sa sahig pa siya natutulog. Kahit naman galit ako sa kaniya ay hindi naman kaya ng konsensiya ko na maging malupit.

Obsession of Dela Fuente Where stories live. Discover now