Chapter 1

5.9K 153 2
                                    

Chapter 1

"I'm inlove with him"I heard Ika while she's kissing her phone. Particularly , Leonardo DiCaprio's picture.

Naglalakad na kami ngayon pabalik sa bahay. Nasa tabi kami ng kalsada. Tahimik lang ako habang siya naman ay parang sinisilaban sa pwet habang baliw na nakatingin sa litrato.

"He's old now"I commented. She looked at me with her angry face. I shrugged. It's true , Leonardo is already old. Sa madaling salita laos na. Hindi ko alam kung bakit para siyang tanga na sinasamba ang lalaking iyon.

"He's not!"pagtatanggol niya. Pinabayaan ko na lang siya. Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa maraming bahay.

"Ika!"tawag ng kung sino. Umakbay ito sa pinsan ko na busy sa pagtingin sa litrato. Natigil kami sa paglalakad. I looked at the man beside Ika with a large smirked is on his face. He has tanned skin. Payat siya pero hindi tulad ng isang walis tingting. Makapal ang kilay nito , matangos din ang ilong , at itim ang mata.

Kumunot ang noo ko ng makita ang kakaibang hairstyle nito. Para kasing kabayo , tapos may tatlong hikaw pa siya sa kanang tenga.

Ito ba iyong sinasabi nilang mga jologs? Jejemons? Naka jersey shorts ito at sando. May hawak rin siyang bola ng basketball.

"Ang baho mo Obet! Lumayo ka nga!"Singhal ni Ika rito at tinulak ang lalaki na sumimangot lang. Inamoy pa nito ang sarili.

"Hindi kaya. Bagong ligo nga ako eh"anito. Nang bumaling ang Obet na sinasabi ni Ika sa akin ay tinaasan ko siya ng kilay.

Namewang ako sa harapan niya ng pasadahan niya ako ng tingin bago sumipol.

"What are you looking at?"mataray na tanong ko. Ngumisi naman ang lalaki na mas lalong ikinataas ng kilay ko.

"Nakow! Englishera"komento niya. Napairap ako. Kita kong siniko ni Obet si Ika. "Sino yan? Pakilala mo"rinig kong bulong niya.

"Si Siah , pinsan ko galing sa manila"ani Ika. Napa 'oh' naman si Obet at ngumiti sa akin.

Naglahad siya ng kamay sa harap ko. "I'm Robert Miss manila girl"aniya. Nagsalubong ang kilay ko. The heck with manila girl?

Hindi ko siya pinansin at nilampasan nalang siya.

"Ang sungit naman ng pinsan mo"

"Hayaan muna. Hindi lang siguro sanay"

Narinig ko pa silang nag usap ni Ika pero hindi na ako nangialam. Gusto ko nalang makapag pahinga sa kwarto ko. Kahit na hindi ko alam ang pabalik sa bahay ni lola ay wala na akong pakialam. Diretso lang ako ng lakad ng tawagin ako ni Ika.

"Hala ka beh! Lumampas kana! Nandito bahay ni lola!"malakas niyang sigaw. Natigilan ako sa paglalakad at bumaling sa kanila ni Obet na mukang nagpipigil ng tawa.

Tumingin din ako sa paligid ko. Ganon nalang ang pag init ng muka ko ng makitang pinag titinginan ako ng mga tao. Kung bakit kasi ang lalapit lang ng bahay dito.

Nakatungo akong naglakad papalapit sa kanila. Ni hindi ko na pinansin sina Ika at nagtuloy tuloy sa pagpasok sa puting gate ng bahay. Dumiretso ako sa sala at hinanap si Mommy para sa kwarto ko.

"Mom , where's my room?"agaran kong tanong. Nag alangan naman si Mommy ng sumagot sa akin. "Uhmm honey. You don't have your own room here. Konti lang kasi ang kwarto rito kaya mag she-share muna kayo ni Ika"aniya.

I paused. Share a room? Wait wait! No way! Hindi ako sanay na may kasama sa kwarto.

I shooked my head. "Mom"

Obsession of Dela Fuente Where stories live. Discover now