Chapter 13

4.3K 122 1
                                    


Warning: Spg

Chapter 13

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatayo sa harap niya. Mariin ang titig niya sa akin na parang bang pati kaluluwa ko ay nakikita na niya.

Tumikhim ako. Gusto ko sanang magsalita pero pakiramdam ko ay nakalimutan ko na lahat ang mga salitang pinractice ko kanina.


"Why are you here?"he asked me. Ininom niya ang alak na nasa baso niya at muling nagsalin. Napahawak ako sa sling bag ko ng mahigpit. Paano ba ako magsisimula?

"A-about m-my family's j-job"nauutal kong saad. Hindi ko alam kong namalikmata ba ako ng makita siyang ngumisi pero agad ding napalitan ng seryosong muka.


Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Ang asul niyang mata ay pinasadahan ng tingin ang suot kong damit. At gusto ko siyang sapakin dahil don.

"What about their jobs?"patay malisya niyang tanong. Ang sarap niyang sabunutan. Tumiim ang bagang ko.

"Alam kong ikaw ang may gawa non"akusa ko. Ngumisi siya at binaba ang baso ng alak sa table na kaharap niya.

"So that's why you're here huh?"pang iinis niya. Parang natutuwa pa siya sa pang aakusa ko. Ni wala nga yata siyang balak na tumanggi.

"Bakit mo ginawa yon?"galit kong tanong. Tumayo siya sa pagkakaupo. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng asul na long sleeve at itim na slacks. Nakabukas ang tatlong butones ng pang itaas nito at nakatupi hanggang siko ang sleeves.


Kahit na nakasuot ng damit ay hakab na hakab parin ang matikas niyang dibdib at braso. Bakat din ang mga pandesal niya sa tiyan. Magulo ang buhok niya na kinainis ko kasi mas lalo siyang gumwapo.

May relo din siya sa may pulso na diyos lang ang nakakaalam kung gaano kamahal iyon.


Naglakad siya papalapit sa akin kaya napaatras ako. Mas lalo siyang ngumisi sa ginawa ko.

"Wag kang lumapit"banta ko. At dahil matigas ang ulo niya ay hindi siya tumigil hanggat hindi ko nararamdaman ang malamig na pader.


Napasinghap ako ng malanghap ko ang pinaghalong amoy ng alak at mint. Sobrang bango ng loko. Lumapit siya sa akin. Napapiksi pa ako dahil sa kamay niyang humawak sa bewang ko.


Naku naman! Naloko na!

Tinatagan ko ang loob ko at hinawi ang kamay niya sa bewang ko. Kahit na nag aalburoto ang puso ko ay hindi ko na iyon ininda.


"I'm here to talk to you"mariin kong saad. Tumaas ang kilay niya. "Uh-huh? Kaya ba gabi kana pumunta?"nakakalokong panunuya niya. Ang sarap niyang hambalusin.


Tinulak ko siya. Buti nalang at hindi siya nag matigas. So , iniisip niyang may iba akong sadya kaya pinili kong gabi pumunta dito? Ang kapal naman pala ng muka niya.


"Gabi ako pumunta kasi ayaw akong payagan nina Mommy!"galit kong paliwanag. Pero mas lalong lumawak ang ngisi niya na parang aliw na aliw sa galit kong muka.


"Okay"walang ganang aniya at bumalik sa upuan niya. Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo siya sa akin. Mamatay yata ako ng maaga dahil sa kaniya.

Ang reason? Heart attack.

"Sit down"aniya at sinenyasan akong maupo sa tabi niya. Kumunot ang noo ko. Paano ako uupo sa tabi niya eh pang isahang upuan lang naman iyon.


Inirapan ko siya at naglakad patungo sa isang sofa pero hindi pa ako nakakaupo ng muli siyang magsalita.

"If you want to talk to me then sit on my lap. But if you don't?......."ngisi niya sa akin. "........my door is open for you to go"dugtong niya.


Obsession of Dela Fuente Where stories live. Discover now