"Yes"tumango ako. Hinila niya iyon palabas ng pintuan. Ipinasok niya ang mga ito sa compartment ng Lambo niya. Pagkatapos ay nagpaalam kami kay Lolo at lola bago umalis ng bahay.



Maayos naman kami nitong mga nakaraang araw ni Yue. Na realize ko na hindi naman pala siya ganon kasama. Infact , sobrang lambing niya sa akin. Naiinis na nga ako dahil sobrang pabebe niya. Akala ko ay magiging miserable ang buhay ko sa piling niya dahil lagi lang kaming mag aaway. But when I started to give him a chance. I saw how amazing he is.


Yue is the type of man that every woman could wish. He's gentle , caring and full of love. Nakikita ko kung paano siya sa ibang tao at kung paano siya sa mga taong mahal niya.


Ni hindi man lang sumagi sa isip ko na ganito siya. Oo at seloso siya pero hindi na iyon magbabago. Nasa lahi na kasi nila , possessive din siya at gustong nasa kaniya lang ang atensiyon ko. Ultimong papel or loptop ay pinag seselosan niya. Pero ni minsan ay hindi ako nainis. Bagkus ay sobrang cute niya kapag ganoon.

Ngunguso lang siya at magpapaawa. Kapag naman tao ang pinag seselosan niya ay yayakapin niya lang ako ng mahigpit at bubulong kung gaano niya gustong suntukin ang lalaki.


Hindi ko narin siya nakitang naging bayolente. Palagi siyang nakangiti kapag kaharap ako. Hindi rin humihiwalay ang kamay niya sa bewang ko tuwing magkasama kami. Para siyang takot na bata na ayaw mawala ang paborito niyang laruan.


Nag fa-flashback tuloy ang mga sinabi sa akin nina Vio at Don Feliza. Na hindi naman daw siya masama gaya ng iniisip ko. Kung bibigyan ko lang siya ng pagkakataon ay makikita ko kung gaano siya kahiwaga. I think they are right. Nagpabulag lang ako sa galit at pagkamuhi ko sa kaniya nuon kaya hindi ko magawang makita ang mabuti niyang kalooban.

"We're here baby"deklara niya. Tumigil ang sasakyan namin sa isang malaking bahay. Modern ang design nito. Sa malayo ay makikita ang malaki nilang mansion.


Nalaglag ang panga ko pagkalabas ng sasakyan. Sobrang ganda ng bahay. Salamin ang bintana at dalawa ang palapag. Naglakad ako papasok. Sa may gilid ako dumaan. Bumungad sa akin ang malawak na swimming pool. May mga bulaklak din sa gilid.

"Wow!"

"Do you like it?"napasinghap ako ng yakapin niya ako mula sa likuran. Ganito siya kalambing sa akin na hindi ko magawang masanay. Ang hilig niya kasing mangyakap ng bigla bigla.

"Maganda"sagot ko.

"Tingnan natin ang loob. Mas maganda ron"hinila niya ako papasok sa loob. Mas humanga pa ako sa ganda ng sala. May malaking tv sa harapan at mga sofa.


Sa kabila naman ay malaking kusina at dining table. Sa gitna ng bahay ay ang grand staircase. Sobrang laki din ng chandelier. Iginaya ako ni Yue sa taas. Binuksan niya ang isang kwarto. Bumungad sa aking ang king sized bed. May tv sa pader na kaharap nito. May maling balcony na nahaharang ng puting kurtina at pintong bubog.


Sa gilid ay may sofa set. Tapos  pintuan ng banyo sa may kanan. Meron ding walk in closet. Binuksan ko ang banyo at bumungad sa akin ang napakalaking bath tub. May shower rin sa gilid. Malaki ang salamin. Sumilip lang ako ron bago naglakad palapit sa kama.

Umupo ako ron. "Ang lambot"nakangiti kong saad. Nakasandal lang sa may pintuan si Yue at pinag mamasdan ako. Humiga ako sa kama. Ang sarap matulog rito.

"You like the bed?"he asked. I nodded my head. Bumangon ako sa kama at hinaplos iyon. "Yup! Sarap matulog dito"

Ngumiti siya sa narinig. Naglakad siya palapit sa akin habang busy ang mga mata ko sa paggala sa buong kwarto. Natigil lang ako sa pagmamasid ng iharang niya ang muka sa akin. Dumagundong ang puso ko sa kaba. Nitong mga nakaraang araw ay palaisipan na sa akin ang pagbilis ng tibok ng puso ko tuwing malapit siya. Dati naman ay hindi ko iyon pinag tutoonan ng pansin pero ngayon ay laging binabagabag niyon ang utak ko.

Obsession of Dela Fuente Where stories live. Discover now