Nakarating ako sa bahay ng matiwasay. Nagpasalamat ako sa driver at nagbayad. Isinara ko ang gate pagpasok ko sa bakuran. Nang nasa sala na ako ay nagulat ako ng makita si Dad na nakaupo kasama sina Mommy. Mukang kanina pa sila naghihintay sa akin.

Anong ginagawa niya rito? Ahh alam ko na. Narito siya upang kaladkarin ako pabalik sa mansion. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait.

"Good evening po"bati ko kina Lola. I didn't look at my father. Baka kasi lumabas lang ang lahat ng mga hinanakit ko sa kaniya.

"Pack your things. Ihahatid kita sa mansion ngayon din"seryosong saad ni Dad na nagpatigil sa akin. Umiwas ako ng tingin ng manlabo ang mga mata ko.

"Hindi na ako babalik don—"

"Babalik ka ron Siana!"

"Henry calm down"mahinahong wika ni Mom na hinaplos ang braso ni Dad upang pakalmahin. Nanginginig siya na animo ay pinipigilan ang galit.

"Do you hear yourself Dad? Gusto mo akong bumalik sa impyernong yon?"hindi makapaniwalang saad ko. Umiwas siya. "He's your husband. Dapat ay nasa tabi ka niya"aniya.

"Husband? Oh yes he is! But in papers only!"aniko.

"Siana! Hindi mo naiintindihan—"

"Talagang hindi ko maintindihan Dad! Why don't you explain me everything? Bakit sa halip na ikaw ang tumutol ay ikaw pa ang nagtutulak sa akin?! Ni minsan ba iniisip mo na hindi ko naman mahal ang lalaking yon!? Na magiging miserable lang ang buhay ko sa kaniya?!"nag taas baba ang dibdib ko sa sobrang hinanakit.

"Gusto mong malaman? Okay sige pagbibigyan kita! He's now processing your annulment papers! At alam mo kung anong mangyayari kapag nawalan ng bisa ang kasal niyo? Babawiin niya ulit ang kompanyang pinaghirapan ko!"galit niyang saad.

Hah! Para lang don? "Just for the company?"I can't believe what he just said. Kung ganon ay mas mahalaga pa ang kompanya kesa sakin na sarili niyang anak.

"It's not just a company! Alam mo kung gaano ko pinaghirapan ang kompanyang iyon Siana! Dugo at pawis ko ang pinuhunan ko ron! You know how hard it is for me to accept that my company have been bankrupt!"paliwanag niya na lumalabas na ang mga ugat sa noo.

Tama naman siya , nasaksihan ko kung paano nawalan ng pag asa ang muka ni Dad ng mawala ang company namin. Na alam kong gagawin niya ang lahat upang maibalik iyon sa kaniya. At nang bigyan siya ng pagkakataon na makuha iyon ay tinanggap niya kahit na alam niyang ako ang magiging kapalit. Pero hindi ko matanggap na ganon nalang ang halaga ko sa kaniya.

"Siah , that company is my life. Yon ang sumagip sa atin. Dahil don kung kaya't hindi mo naranasan ang paghihirap. Nakuha mo lahat ng gusto mo. Wala naman akong ibang hiniling kundi ang masunod ang lahat ng luho mo"aniya.

"But I'm contented with this simple life Dad. Ayos na sa akin ang makakain tayo ng tatlong beses sa isang araw"

"But we need money anak—"

"We don't need money! Sapat naman ang kinikita mo sa hacienda diba? Hindi naman kailangan na mamuhay tayong parang maharlika"sabi ko. Hindi namin kailangan ng pera.

"Nagkakamali ka. We need money for everything! How about your tuition? Sa tingin mo ba ay magagawa kong tustusan ang pag aaral mo sa kakapiranggot na sahod sa hacienda?! Hindi Siah! Ang iniisip ko lang ay ang magiging kinabukasan mo!"

"Kinabukasan? Really Dad? Baka naman hindi ka aware na sa ginagawa mong pagtutulak sa akin sa hayop na Dela Fuente na iyon ay sinisira mo na ang kinabukasan ko!"

"Siana!"saway sa akin ni Mommy. Nahimasmasan lang ako sa galit ng bigla nalang napaupo si Dad sa bangko habang sapo ang dibdib.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakikita kung paano siya mahirapang huminga. Nanginginig ang mga tuhod na lumapit ako sa kaniya kasabay nuon ang pag tulo ng luha ko.

Nagkagulo sa loob ng bahay ng mawalan ng malay tao ang Daddy ko. Sinugod namin siya sa ospital. Panay ang iyak ko at pag hingi ng tawad dahil sa nangyari. Sinisi ko ang sarili ko. Kung hindi lang ako nakipagtalo sa kaniya ay hindi ito mangyayari.

"This is all my fault. I'm sorry"Panay ang hingi ko ng tawad kay Mommy. Nasa labas kami ngayon ng ER at hinihintay ang resulta. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko habang nakayakap naman sa akin si Ika.

"Hush honey , don't cry okay? Hindi mo kasalanan"kahit anong pag aalo niya ay hindi parin gumagaan ang loob ko. Nang lumabas ang doctor ay nakahinga kami ng maluwag.

He said that my father suffered a mild heart attack. Sa ngayon ay stable na siya. Kailangan niya lang magpahinga at kung maaari ay wag siyang bibigyan ng sakit ng ulo. In short—hindi pwedeng ma stress si Dad kasi baka maulit ang atake niya at baka sa pagkakataong iyon ay mas malala na.

Hindi ko alam na nitong mga nakaraang buwan ay humina ang resestensiya niya. Siguro ay dahil sa katandaan o di kaya naman ay pagod sa trabaho. Pero ang malaking pinag dududahan kong dahilan ay ang pagkawala ng company namin dati.

Inilipat sa isang kwarto ang aking ama. Dun namin siya pinuntahan. Pagkapasok ko palang ay naiyak na ako ng makita siyang nakahiga sa hospital bed. Ang makita siya roon ang siyang huli kong ayaw makita. Mahal ko si Dad. Kahit na may galit parin ako sa kaniya ay hindi ko naman siya kayang tiisin.

He's still my father , kahit pagbalik-baliktarin ang mundo ay siya parin ang tatay ko. Lumapit ako kay Dad na may dextrose sa kamay. Gising na siya kaya nakita ko ang mapupungay niyang mga mata.

"I-Im s-sorry Dad"hingi ko ng tawad. Pagod lang siyang ngumiti sa akin. "Come here"aniya.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras upang yakapin siya. "Shhh don't cry. Hindi mo kasalanan"

"I'm sorry"patuloy ang pag hingi ko ng tawad. Ilang sandali pa ay lumapit na sa amin si Mommy.

"Your father is okay now. He just need to rest. Hindi din siya pwedeng ma stress"aniya. Tumango ako. Lumayo ako kay Dad pero hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Can I ask you a favor?"tanong niya. Kumabog ang dibdib ko. Alam ko kung anong ipapakiusap niya. Ayaw ko mang isipin na ginagamit niya ang pag kakataon na ito upang masunod ang gusto niya pero hindi ko maiwasan. At sa tingin ko ay wala na akong magagawa ngayon.


Mas priority ko ang kaligtasan niya. Mapait akong napangiti. "What is it?"labag man sa loob ay nagtanong ako.

"Save our company"

Obsession of Dela Fuente Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu