Hindi ako nakikipag usap kahit kanino. Tuwing nasa mansion ako ay lagi lang akong nagkukulong sa kwarto. Tuwing hapunan naman ay tahimik akong sumasabay sa kanila.


Hindi ko na nakita si Kiro magmula ng maikasal ako kay Yue. Hindi ko narin siya makontak dahil sinira ni Yue ang cellphone ko at binilhan ako ng bago.



Para akong nakakulong sa lumipas na mga araw. Tuloy ang pag pasok ko sa paaralan. Hindi ko naman kasi pwedeng pabayaan ang pag aaral ko dahil lang sa hindi ako masaya sa buhay ko.

Nahiga ako sa malaking kama. Panay ang buntong hininga ko. Hanggang ngayon ay galit parin ako kay Yue. Nadagdagan lang yon ng pinilit niyang sa iisang silid lang kami matulog. Kaya nandito ako ngayon sa kwarto niya.


Ang ipinagpapasalamat ko nalang ay ang hindi niya pagtabi sa akin sa kama. Sa sahig siya natutulog.

Napatingin ako sa may pinto ng may kumatok ron. Bumangon ako sa kama at pinagbuksan ang tao sa labas. Unang bumungad sa akin ang bilugan niyang muka. Gaya ng huli ko siyang makita ay revealing na naman ng damit niya.

"Hi ate Siah!"masigla niyang bati. Ngumiti ako. "Pasok ka Aereal"yaya ko sa kaniya. Masaya siyang pumasok sa kwarto at umupo sa kama.

"Kamusta ka na ate?"tanong niya. Naglakad ako palapit sa couch at don umupo.


"I'm living like hell"mahina kong sagot. Lumungkot ang muka niya habang nakatingin sa akin.


"Ate Siah"

"But I'm good , buhay pa naman ako kaya okay lang"bawi ko bago pilit na ngumiti sa kaniya. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng muka niya.

"I know that I don't have the right to say this but...... Kuya Yue is a good man"aniya. Umiwas ako ng tingin at sa isip ay mapait na natawa. Good man? Saan banda ang mabuti sa lalaking iyon?


"Mahirap yong paniwalaan pero yun ang totoo. Ang mga Dela Fuente , hindi sila ang mga taong iniisip mo na sila"makahulugang aniya. Pagkakuwan ay tumayo siya at nginitian ako.

Bago siya lumabas ng kwarto ay muli siyang nagsalita. "Hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo"aniya at lumabas na. Naiwan ako ron na naguguluhan.


Kinabukasan ay bumaba ako sa sala upang uminom ng tubig. Nadatnan ko sa kusina ang ikalawang anak ng gobernador na kumakain ng mansanas. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti.

"Good day sister in law"ngisi niya. Mukang may balak pa yatang mang asar. Akala ko ba nasa maynila ang isang ito? Narinig ko kasi kagabi sa hapag na pupunta siya sa maynila dahil siya pala ang nag hahandle ng companies nila ron.



And yes , companies. Dahil apat na kompanya lang naman ang hawak ng mga Dela Fuente sa maynila. Bukod pa ang ibang kompanya nila sa ibang lugar. Hindi nga ako makapaniwala eh. Ganon sila kayaman. Nagkwento rin sa akin si Ika na marami talaga silang properties sa ibat ibang sulok ng bansa.


"Good day"aniko nalang. Patuloy siya sa pagkain ng mansanas niya. "How are you Mrs. Dela Fuente?"muli niyang tanong. Gusto ko siyang batuhin dahil don.


Seryoso ko siyang tiningnan. "Im good"diniinan ko ang salitang 'good' para iparamdam sa kaniya na sarcastic ang pagkakasabi ko.


Vio Dela Fuente laughed at me. "Okay? Sure ka ba diyan?"tanong niya ulit. Hindi ako nakasagot kaya umiling iling siya sa akin.

"Siah.....Siah......Siah"tawag niya sa pangalan ko.

"My dear sister in law. I know what you're feeling. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang history ng pamilyang to"aniya. Oo nga pala , at ampon lang siya. Hindi talaga siya tunay na Dela Fuente. Pero ang sabi ni Ika sa akin ay anak daw siya ng matalik na kaibigan ng gobernador na namatay.

"Ano bang kailangan mo?"banas kong tanong. Kumagat siya sa mansanas niya. "Hmmmm.....I want to help my brother. Awang awa na kasi ako sa gagong yon"tawa niya. Hindi naman siya mukang naaawa. At isa pa , anong kaawa awa sa lalaking yon?!



"Bahala ko sa buhay mo"inis kong saad at tinalikuran na siya. Sinisira niya lang lalo ang sira ko ng araw.


"What do you think of Yue?"tanong niya. Tumigil ako sa paglalakad at binalingan siya. Tinatanong niya ba talaga ako niyan?

"He's a monster"deretsa kong sabi. Ngumiwi naman siya sakin bago ulit tumawa. Like seriously? Ano ba talagang problema niya? Hindi yata nakainom ng gamot ang tarantadong ito.

"A monster? Naahhh you're wrong because my brother is a devil"tawa niya parin. Baliw talaga. Malala na siya , siguro kailangan kong sabihin sa mga magulang niya na ipadala na siya sa mental.


"You know what? You're crazy"irap ko at muli siyang tinalikuran. Ayokong makipag usap sa kaniya. Baka mahawa ako.

"But you know what is amazing? He's a devil but he is also an angel"aniya. Napairap ako sa kawalan. Angel? No fucking hell way!

"Talagang malala ka na eh no?"inis kong ani. Akala ko ay tatawa na naman siya pero hindi. Sa halip ay seryoso na siyang nakatingin sa akin. Oh god! What a bipolar jerk!


"Minsan ba naisip mo na kilalanin ang kapatid ko?"

"Hindi. At wala akong balak"maagap kong saad. Mapait siyang napangiti.

"Do you know the word 'not all villains are bad'? Because if you don't then I'm gonna tell you........"seryosong aniya.


".......not all villains are bad because most of them are just want to be loved , be cared and to be notice. They just wanted an attention. Remember Siah , megamind is the villain. But what happened in the end? He became the real hero. Do you know his reason why he became evil? Because he wanted to be loved and to be noticed"


"My point here is , why can't you try to see my brother's good side? I'm telling you sister in law. Kuya Yue is not the man you think he is. We , Dela Fuente is not the kind of human you're imagining. We are more than that"

Obsession of Dela Fuente Where stories live. Discover now