Akmang aalis na sana siya, pero agad kong hinawakan ang braso niya. For him it's not a big deal, but for me it's bigger than he think.
Ano siya sineswerte? Tsaka pinagsasabi niyang 'I just nodded' hay nako! Kung ipahiya ko kaya 'tong lalakeng 'to?

"Uy zar! 'Yung napkin mo nalaglag!" Wala pang segundo ay agad siyang tumingin sa akin na napakakunot ng noo.

Ang ibang estudyante ay napatingin na sa amin.

"W-What?" Nakita ko kung paano nagbago ang mukha niya, namula siya.

"Napkin mo! Nalaglag doon!" Sigaw ko sa malakas na boses

The students inside caught our attention and some of them was secretly laughing right now.

"Naja what the---"

"Hay nako nahiya kapa!" I slapped his shoulder.

He hold my wrist while still furrowing his brows.

"No. That was absurd!" Sabay lingon niya sa paligid. "What the hell are you doing?" He narrowed his face to mine. I can see his temper towards me.

'Yan ang hinihintay ko, Zarden Darwell.

"Bawiin mo sinabi mo kanina." Bulong ko.

Kita-kita ko ang paggalaw ng adams apple niya at binali ng kaunti ang ulo niya. Binitawan niya ako pero nanatili pa rin ang tingin niya sa akin.

"Just this one."  Diin niyang sagot.

I immediately nodded my head and smile.

Tumikhim ako kaya nakuha ulit ng mga estudyante ang atensyon ko. "Ay mali! Lalake ka pala! Sorry!" Ani ko habang hinihimas ang batok ko.
"Hihi sorry, wala pong katotohanan iyon.." ani ko sa kanila.

Agad akong kumaripas ng takbo nang nawala na sa harap ko Zarden.

"Zar! I'm sorry!" Natatawang paghabol ko sa kaniya.

Kasalanan naman talaga niya, hmmf!

--

Natapos ang klaseng atat na atat ako, kasi naman nakasalubong ko si Avabella at walang emosyon ang mukha niya at si Gael na iniiwasan ako. L Hay nakoo ayokong nakikita silang gano'n!

Nakamasid ako ngayon malapit sa locker kung dadating ba si Avabella.
Ilang minuto lang ay dumating din siya't nilapitan ang locker niya.

Binuksan niya ito at alam kong bumungad sa kaniya ang laman. Binabasa niya ito ngayon.

Nilock niya ulit ang pinto't nagsimula nang maglakad.

Yes! Papunta siya sa daang tinutukoy sa sinulat ko, sana nandoon na si Gael.

--

ZARDEN'S POINT OF VIEW

Sinabi ko lang naman ni Gael na pumunta siya sa stockroom dahil inutusan siya ni Mr. Queste na kumuha ng limang History book at dalhin sa office niya

Actually, walang History Book sa room na iyon. 

This is all Naja's plan, hindi ako kasali sa kagaguhan niya. 

I closed my eyes and let out a sigh, pinahiya niya ako kanina and it pissed me off so much.

Agrh. She's really into my nerves.

Agad akong nagtago nang makita si Avabella na paparating.  Avabella is my classmate for 2 years.  Ang buong akala ko ay nabagsak lang siya dahil hindi niya nakaya ang needed average. 'Yun pala may friendship over nang nangyayari.

Pumasok na si Avabella, alam kong hindi pa niya nakita si Gael dahil malaki ang stock room na ito.

Nakita ko si Naja na palapit sa pinto at tiningnan ako, may sinasabi gamit ang kamay niya.

Taste of FriendshipWhere stories live. Discover now