"It's actually cool if you have. More thrill"ngisi niya. Kumulo ang dugo ko dahil don. Anong karapatan niyang sabihin yon?

Para na ding sinasabi niya na bored siya at gusto niya ng mapaglilibangan at ako ang nakita niya. Ang kapal ng muka.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Back off"ani ko. Muling tumaas ang sulok ng labi niya.

"You have my mangoes , so you don't have a choice but to date me"

"In your dreams"mariin kong ani. Ano bang nakain niya at kung ano-anong sinasabi ng bibig niya? Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi kami close. Sa katunayan nga ay tatlong araw ko palang siyang nakita tapos ngayon ko lang rin nalaman ang pangalan niya.

Napaka straight forward na tao.

"Ibabalik ko sayo ang mga mangga , walang labis walang kulang"

"Oh really? But what if you don't?"

"Anong what if I don't? Syempre magbabayad nalang ako. Hindi kita idadate gaya ng gusto mo"matatag kong ani. Umayos siya ng tayo ng mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko naman iyon at sinagot ang tumatawag.

"Hello?"

"Hi love"napangiti ako ng marinig ang boses ng lalaking mahal ko. Napawi lang iyong tumingin ako sa lalaking seryosong nakatingin sa akin.

Iniwas ko ang tingin sa mga asul niyang mata. "Napatawag ka?"

"Miss na kita eh"

"Miss narin kita"aniko at sumulyap sa lalaking kaharap ko.

Nakatitig lang siya sa akin na para bang may malalim na iniisip. Nawala sa isip ko na naiihi nga pala ako kaya ako nandito.

"Love tawagan nalang kita mamaya okay?"paalam ko. Para kasing hindi ko kayang makipag usap sa kaniya ngayon sa harap ng lalaking bughaw ang mga mata. Ang sama niya kasi tumingin , naiilang ako.

"Ha? Why? Are you busy?"

"Ahh yeah , I'll call you later okay? Bye , I love you"sabi ko at binaba na ang tawag. Tumikhim ako bago muling hinarap ang panganay na anak ng gobernador na lahi daw ni Jack ayon kay  Ika.

"Love? Nice endearment"puri niya na may halong pang aasar.

"Ibabalik ko ang mangga—"

"Pero pag hindi , makikipag date ka"putol niya sa akin. Medyo natigilan pa ako ng marinig ang pag tatagalog niya. Akalain mong tuwid siya magsalita ng filipino?

Akala ko pa naman ay slang ang salita niya. Pero mali ako , masyado siyang cute pag nagtatagalog. Animo ay isang anghel na hindi marunong humawak ng baril.

Napailing ako , naalala ko ang sinabi ni Ika sa akin. Na hindi magdadalawang isip ang mga Dela Fuente na tutukan ka ng baril. At hindi iyon kapani-paniwala.

"Hindi kita idadate. Bakit ko gagawin yon?"

"Because you have my mangoes"

"Ibabalik ko nga diba? Bingi lang?"inis kong saad. Kita kong umigting ang panga niya. Mukang nainis ko yata.

Muli siyang naglakad papalapit sa akin kay umatras ako. Biglang kumabog ang dibdib ko.

"Don't........come.....near me"banta ko. Hindi siya nakinig sa akin hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malamig na pader. Umalon ang puso ko ng ilagay niya sa magkabilang gilid ko ang kaniyang kamay dahilan para maka corner ako.

Inilapit niya ang muka sa akin. Naamoy ko ang mabango niyang hininga na lumalapat sa muka ko. What the hell is he doing?

"What are you doing?"matapang kong tanong. Hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niya.

"I'm interested in you"aniya at tinagilid pa ang kaniyang ulo. Napapiksi ako ng maramdaman ang isang kamay niya sa likod ng bewang ko. Sinubukan ko siyang itulak pero hindi siya nagpatinag.

Mas kumabog ang puso ko.

"Let me go"

"You don't want a date right? Maybe at least a kiss"aniya at bumaba ang tingin sa labi ko. Namilog ang mga mata ko.

"The hell!? Lumayo ka nga sakin! Ano ba!?"

Pinilit kong makawala sa kaniya pero hindi ako nagtagumpay. Galit akong tumingin sa kaniya. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya!? Nababaliw naba siya!?

"I said let me go! Sisigaw ako!"banta ko sa kaniya. Hindi man lang siya natakot at ngumisi pa sa akin.

"Just one kiss and I'm done"aniya. Tumaas ang mga balahibo ko sa batok ng maramdaman ang hininga niya sa leeg ko.

Mas lalo akong nagpumiglas. Ito ba iyong sinasabi ni Ika na halimaw ang lalaking ito? Dapat nga ay iniwasan ko siya gaya ng sinabi niya.

"No I won't! At bakit ba gusto mo akong halikan! Hindi kita boyfriend!"sigaw ko. Ayokong magkasala kay Kiro. Mahal na mahal ko ang lalaking iyon.

Ngumisi lang siya. Nahigit ko ang hininga ko ng mabilis pa sa kuneho ng ilapat niya ang labi niya sa akin. Ilang segundo akong natigilan at hindi makapaniwala.

He kissed me!

Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Mas humigpit ang hawak niya sa likod ng bewang ko habang sinisimulan niyang igalaw ang mga labi niya. Ni hindi ko nagawang manlaban , para kasi akong nawalan ng lakas.

"Wag ka na kasing makipag talo—oh shit!"

Naitulak ko ang lalaki sa harapan ko ng makarinig ng boses. Sabay kaming tumingin sa bagong dating. Isang lalaki na may asul ding mga mata at babae na naka cross arms.

"Ae , pinch me please? I'm seeing a miracle"anang lalaki sa katabi niyang babae. Kumunot ang noo nito at sinampal ang kasama niya.

Agad nagkulay ube sa inis ang lalaki na kahawig ng walang hiyang lahi ni Leonardo De Carpio na humalik sa akin.

"I said pinch me not slap me!"angil nito. Inirapan lang siya nung babae.

"Slap is better D"simpleng sagot nito. Bumaling silang dalawa sa amin at ngumisi. Agad uminit ang pisngi ko na dapat ay hindi naman.

"Hey brother , ipakilala mo naman"lumapit sa amin ang lalaki at inakbayan si Yue.

"Oo nga Kuya , napakalaking himala nito"tukso naman nung babae. Umiwas ako sa kanila ng tingin at hinamig ang sarili ko.

"Hi I'm Aereal"pakilala ng babae sa akin. Nakangiti ito ng matamis. Bilugan ang muka at makinis. Maputi siya at slim ang katawan.

"I'm Denrel Dela Fuente , nice meeting you  future sister-in-law"pakilala ng lalaking nakaakbay kay Yue.

My forehead creased. Future sister in law? What the fuck!? Hindi ko sila pinansin at sinamaan ng tingin si Yue.

"I'm gonna sue you!"galit kong saad at umalis sa makasalanang lugar na iyon.

"Hinaras mo Kuya?"rinig kong pag uusap nila habang naglalakad ako palayo.

"Nagtanong ka pa D? Nasa lahi niyo yon"

"Shut up you two"

"Matamis ba?"

"Sweet like mango. And I'm craving to taste it again"

Obsession of Dela Fuente Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang