"What?"

"Nakikipag chismisan. Chismosa kasi si lola kung hindi mo alam"tawa niya. Napailing nalang tuloy ako.

Kumain kami ni Ika habang nagkukuwentuhan. Marami siyang sinabi sa akin na mga lugar na pweden naming puntahan bukas.

"By the way. Can I asked?"

"Ano yon?"

"The one with the blue eyes. What's his name?"tanong ko. Hindi ko na kasi kayang pigilan. Curios na curious na kasi ako sa lalaking yon. Natigilan si Ika at tumingin sa akin.

"Bakit? Gwapo ba?" nakangisi niyang tanong pabalik. Umiwas ako ng tingin.
Syempre nuknukan ng gwapo yon. Ikaw ba naman ang half american and half australian eh. Ewan ko lang kung hindi mo mausungan ang mga artista.

"Yeah? But it doesn't matter. I just want to know his name"

"Senior"sagot niya. Sumimangot ako. "You mean senior citizen?"irap ko. Natawa naman siya.

"Mas mabuti ng hindi mo alam. Baka kasi magsisi ka na pinag tuonan mo pa siya ng pansin"makahulugang sabi niya. Sa ginawa niyang iyon ay mas lalo akong na curious sa lalaking iyon.

Natapos kami sa pagkain saka lang dumating si lola na nakangiti. Lumapit sa akin si Ika at bumulong.

"Magandang chismis ang nasagap niyan. Pupusta ako mag kukwento yan"bulong niya ng nakangisi.

"Hay kumain naba kayo?"tanong ni lola.

"Opo lola"

Kumuha ng upuan si lola at umupo siya roon.

"Naku pasensya na kayo. Napasarap kasi  ang kwentuhan namin ng mga kumare ko. Akalain mo naman kasi na iyong anak ni Shiela na kinse anyos ay buntis na? Ang malala pa nito ay yung barumbadong anak ni Tasyo ang ama ng bata. Tapos yung kapatid naman ay may kinakalantaray na matandang may asawa na..........blah blah blah"napangiwi ako ng sunod sunod na magsalita si lola. I face Ika who's grinning.

"Told you. Lika sibat na tayo. Mamaya pa matatapos iyang si lola"yaya niya na sinang-ayunan ko. Dahan dahan kaming um-exit ni Ika paalis sa kusina.

Samantalang patuloy naman sa pagtalak si lola na hindi man lang napansin na wala na kami sa harap niya. Nang makarating kami sa kwarto ay sabay kaming natawa ni Ika.

Hawak ko ang tiyan ko dahil sa tawa. Pagkuwan ay kumuha ako ng tuwalya upang maligo.

"Maliligo ka?"takang tanong niya sa akin.

"Yeah"

"Pero gabi na. Hindi na matutuyo ang buhok mo"

"No worries. I have my hair dryer"ani ko. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa banyo upang maligo. Buti nalang at may gripo rito. Kahit walang shower ay okay lang. Basta ba hindi ko na kailangang mag igib para lang makaligo.

Nang matapos ako ay bumalik ako sa kwarto. Sinuot ko ang night gown ko habang kunot-noo na nakamasid sa akin si Ika.

"What?"

"Ganyan ang suot mo pag natutulog?"

"Oo? Bakit?"

"Wala lang. Hindi ka ba nilalamig?"

"Hindi , sanay na ako"aniko. Tumango naman siya. Pinapatuyo ko ang buhok ko ng tumunog ang cellphone ko.

Mabilis na lumitaw ang ngiti ko ng makita ang caller. "Hi"bati ko.

"I miss you"bati ng kabilang linya. Lumayo ako kay Ika. Sinuot ko ang roba ko na kapartner ng night gown na suot ko at lumabas ng kwarto.

Dumeretso ako sa may bakuran kung saan walang tao at tanging lampost lang ang meron.

"I miss you too. Kailan ka bibisita?" tanong ko. Miss na miss ko na siya.

"I don't know yet. Marami pang gawain eh. Siguro kapag hindi na ako busy"aniya. Nalukot ang muka ko.

"Kailan ka naman hindi magiging busy?"

Rinig ko siyang huminga ng malalamin sa kabilang linya. "I also don't know love"

"Okay"

"By the way. How's the province?" tanong niya. Wala sa sariling napatingin tuloy ako sa madilim na paligid.

"Province is good" maikling saad ko.

"How's my love?"

"I'm good too"

"Siah?"

"Hmm?"

Naglakad lakad ako sa may bakuran. Hinawakan ko ang mga bulaklak na tanim ni lola habang patuloy sa pakikipag usap sa boyfriend ko.

"I love you"natigil ako sa paglalakad sa narinig.

"I love you too. Bisitahin mo ko please?"aniko.

"Yeah , I will. Hahanap lang akong vacant time ko hmm? Tapos pupunta ako diyan"aniya. Napatango ako na parang kaharap ko lang siya. Nag usap pa kami ng ilang oras bago ako nagpaalam na matutulog na.

Nang ibaba ko ang telepono ay sakto namang pumasok ng gate sina lolo at Daddy.

"Why are you still awake?"takang tanong ni Daddy sa akin na may dalang basket.

"Tumawag po kasi si Kiro"paliwanag ko. Lumapit ako sa kanila at nagmano.

Lumipat ang tingin ko sa basket ng iabot iyon sa akin ni Daddy na kunot ang noo.

"What is this?"

"Mangga"tipid niyang saad na nakatingin parin sa akin. Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang napakunot ang noo.

"Ha?"taka kong tanong at tiningnan ang isang basket na puno ng mangga.

Lumapit sa akin si lolo. "Binigay iyan ng senior. Sabi niya'y gusto mo raw ang mga iyan. Paano mo siya nakilala hija?"takang tanong ni lolo.

Natigilan ako. "B-binigay po niya?"hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ang seryosong muka ni lolo.

"Iwasan mo siya hija"aniya at pumasok na sa loob. Naiwan ako roon  kasama si Dad. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"You know him?"tanong ni Dad.

Umiling ako. Syempre hindi ko kilala yon. Hindi ko nga alam ang pangalan ng blue eyes nayon eh.

"I don't know him , Dad. Why? Is there something wrong?"

"Nothing is wrong daughter. Just avoid that Dela Fuente"

Obsession of Dela Fuente Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt