"What do you want hmm?"

"I want pizza and burger"sabi ko. Baka kasi walang ganoon sa probinsya nina Daddy. I'm thinking about an old province. Yung walang semento ang daan. Yung parang napabayaan na ng gobyerno. Napabuntong hininga ako.

Alam kong masyado kong hinuhusgahan ang probinsya ni Daddy pero wala akong magawa. Ganon ang nakikita ko sa tv , higit sa lahat ganoon ang prediction ko ng isang probinsya.

I heard him laughed. "Okay. Your wish is my command"he said. I rolled my eyes.

"Baliw"

"Sayo" nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. Ang hilig talagang mambola ng gago.

"Okay okay Mr. Sergon. I'll hang up"

"Yeah Mrs. Sergon"

"Mrs. Sergon your face. Sige na. Ibababa ko na. You still have work"I said with my sweet smile plastered on my heart shape face.

When the call ended, my face heated as my mother grinned at me. Alam kong kanina pa siya nakikinig sa usapan namin ni Kiro.

Napa poker face tuloy ako. Halatang halata na mas kinikilig pa siya kesa sakin. "I really like that boy"she commented. Well hindi ko siya masisisi. Mabait naman talaga at sweet si Kiro. Isa pa , tatlong taon nadin kami. Legal  kami sa pamilya ng isat isa. Kulang nalang ay kasal.

But talking about marriage? I say no. I'm not yet ready. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko na ikinakasal. Oo at mahal ko si Kiro pero wala pa talaga sa isip ko ang ganoong bagay. Kaya naman minsan ay natatakot ako sa ideyang posibleng mag propose siya sa akin.

Baka kapag nangyari iyon ay baka matuliro ang isip ko. Ayokong mawala siya sa piling ko.

Ilang oras ang naging biyahe namin bago tumigil ang sasakyan ni Dad. Nagpapasalamat ako na hindi niya binenta itong sasakyan namin.

"We're here"deklara niya.

Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Unang bumungad sa akin ang kulay luntiang paligid. As what I've been expected. Puro palayan ang paligid,  ang mali lang sa inisip ko ay ang hindi sementadong daan.

Nakahinto ang sasakyan ni Dad sa tapat ng isang gate na kulay puti. Medyo may kalawang na iyon marahil sa katandaan. Sa loob nito ay isang dos andanas na bahay na bato. Malaki iyon pero mukang luma na dahil sa nabubura nitong pintura. 

Ang itaas na bahagi ng bahay ay kahoy. May terrace ito sa baba at may veranda sa taas. Mukang hindi na masama. Meron din kasi itong mga bulaklak sa paligid. Bermuda ang daanan na may sementong bato. Hindi rin ganon kalawak ang bakuran at napapalibutan ng bakal na harang.

Bumaba ako ng sasakyan at agad bumungad sa muka ko ang sariwang hangin na hindi ko kailanman nalanghap sa manila. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Ngayon ko lang napansin na maraming bahay sa tabi ng kalsada. Para iyong sa isang maliit na baranggay. At lahat ng tao ay kuryusong nakatingin sa amin.

I sighed. Ayaw ko sa lahat iyong pinagtitinginan ako.

"Nakarating kayo!"may lumapit sa aming dalawang matanda. Sa likod nito ay mga taong nakangiti sa amin.

"Mama"tumingin ako kay Dad at Mom ng yakapin nila ang mga tao sa harapan namin. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila.

"Ito na ba si Siah? Aba eh napakalaki at napakaganda naman ng apo ko"anang matandang babae at niyakap ako. Nakagat ko ang labi ko. So,  she is my grandmother. I looked at the people who's smiling at us. They're probably my relatives.

"Good day po"pormal na bati ko sa kanila. Iginaya nila kami papasok sa bahay.

"Hi!"bati ng isang babaeng  balingkinitan sa akin. Nakangiti ito ng abot hanggang tenga. "Uhmm hi?"nahihiya kong bati.

Obsession of Dela Fuente Where stories live. Discover now