"We're here to enroll." sambit ko.

Inilatag nito ang kanang palad sa harapan ko. "Documents?"

Mabilis ko itong iniabot sa kaniya. "Here..."

Panandalian niya lamang sinilip ang laman ng envelope at tinanguan kami. "Hali'kayo, sundan ninyo ako."

Binuksan nito ang maliit na pinto sa gate at naglikha ito ng matinis na ingay, doon kami pumasok.

Nang makapasok kami sa loob ay hindi namin maiwasang magkatinginan. Alam kong isa lang ang parehong tumatakbo sa aming mga isipan. Nakakatakot.

Kung anong ikinaaliwalas nito sa labas ay siya namang dilim ng kalangitan dito sa loob, natatabunan ang araw ng maitim na kaulapan na parang anytime ay nagbabadyang bumagsak ang isang malakas na ulan.

Tiningala ko ang gate na pinasukan namin at hindi ko na matanaw pa ang labas. Napakataas ng harang na ito para sa isang ordinaryong paaralan.

I sighed.

I took the opportunity to scan the entire school. They have three rectangular buildings here where two of which are angled against one another on each side, and the largest is being in the center. Kung tatanyahin, ang gitnang bahagi ay may limang palapag at ang magkabilang gilid naman ay nasa tatlo lang. It doesn't yet include the ground floor or roof top either. And at the left corner of the field, there is a tower clock.

I don't have any idea on what kind of school is this where we are right now. Tanging pangalan lang at address nito ang nakuha ko sa info, the rest ay wala ka ng mapapala para malaman ang pagkakakilanlan ng school na 'to.

Napakalawak.

Wala man lang akong makita na kahit isang studyante na nakakalat sa labas, napakatahimik.

Tahimik lamang din kami na sumunod sa guard at makalipas ang tatlong minuto ay huminto na kami sa isang pinto. Nasa dulong bahagi ito ng unang building.

Tatlong beses itong kumatok at maya-maya'y may narinig kaming nagsalita sa loob. "Come on In."

Tinig ito ng isang babae.

Sinenyasan kami ng guard na manatili muna sa labas at siya naman ay pumasok sa loob. Narinig ko ang pagbati nito sa babae.

"Magandang umaga, Lady Zarah." sambit nito.

Sumilip ako sa awang ng pinto at nakitang may ibinulong ito sa babae bago ibinigay ang envelope na iniabot ko. Mahigit isang minuto siyang nakatitig lamang doon at maya-maya'y tumango ito.

"S-sige, papasukin mo sila."

Humarap ang guard sa kinaroroonan namin kaya't agad akong napaayos.

"Maaari na kayong pumasok." ani nito na hindi makatingin sa amin at nagmadaling umalis.

Anong problema niya.

Bago pa man ako makatapak sa loob ay hinawakan ni Meign ang braso ko. Ang lamig ng palad nito. "I don't think this is a good idea. Sigurado ba kayo na dito tayo mag-eenroll?"

"Parang kanina lang ikaw ang pinaka-excited sa ating apat na makapag-aral dito. What happened?" natatawang sambit ni Sera.

Totoo naman. Una pa lang nang madiscover ko ang school na ito ay siya ang naging pinakasabik na makapasok dito.Maybe she was thrilled dahil ngayon lang kami nakakita ng school na nasa gitna ng gubat at wala man lang impormasyon na makikita about dito. Napakadamot nila sa detalye ng kanilang paaralan.

Napangiwi naman si Ava."Ang layo na ng nabyahe natin tsaka ka pa maggaganyan. Nandito na tayo kaya ituloy na natin."

Kahit ako rin naman ay hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito, ngunit parang merong nag-uudyok sa akin na ituloy ang pagpasok dito.

Mitsushinawa Universityحيث تعيش القصص. اكتشف الآن