Chapter 1

23 1 0
                                    

CHAPTER 1 : Officially enrolled

Anerysha Avadez's POV.

Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang matamaan ito ng nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa matinding sikat ng araw. Nanatili lamang akong nakapikit habang dinadama ang malakas na ihip ng hangin na dumadampi sa aking balat.

So refreshing....

Makailang sandali pa bago ako tuluyang magmulat. Naging malalim ang aking paghinga nang ibaling ko na sa aking harapan ang paningin.

Isang napakataas na pader ang bumungad sa aming unahan at isang luma at kinakalawang na gate. Ngunit hindi ito basta-basta lamang, sapagkat gawa ito sa matibay na uri ng metal.Sa pinakataas nito ay may mga bakal na patusok kung saan sa gitna nito ay may nakapatong na tatlong... bungo?

Kumunot ang noo ko. Weird

"So sino naman ang magpapatayo ng ganitong klaseng school sa gitna ng gubat at naglagay pa talaga ng skull sa itaas ng gate?ni wala pang Halloween ah!" Over react na sambit ni Meign na siyang nasa tabi ko.

Kulang na lang ay mapatakip ako ng tenga sa sobrang lakas ng boses niya. Boses kargador pa.

"Okay, this is creepy." narinig ko namang bulong ni Sera.

She's right. Unang tapak pa lamang namin sa lupang pinagkatayuan ng school na 'to ay hindi ko na maipaliwanag ang aking nararamdaman. Nagsisitaasan din ang mga balahibo ko at pakiramdam ko ay nilalamig ako kahit na napakainit naman ng panahon ngayon.

"Rysha, sigurado ka bang ito 'yong school na in-apply-an natin?" tanong sa akin ni Sera.

Tinignan ko ang envelope na hawak ko kung saan naglalaman ito ng kakaunting information ng school at address nito. Tumango ako. "Yes. It's the last school that was on my list."

And I hope this would be the last and right one.

Inilabas ko ang pad ko at ini-scan ito, lahat ng names ng school na matapatan ng hintuturo ko ay pawang naguhitan na. Ibig sabihin ay wala rito ang hinahanap ko.

Ang huling school na mayroong acronym na MSU, ito na lang ang tanging pag-asa ko. Ngunit hindi ko maiwasan na magtakha, sa lahat ng school na napasukan at nakita ko ay ito ang pinaka-iba.

"Mistushinawa University..." banggit ko sa pangalan na nakaukit sa itaas na bahagi ng gate.

Sounds familiar...

Para lamang itong sulat kamay gamit ang kulay white na pintura at ang ilang mga letra ay may bahid ng pula.

Naagaw ang atensyon ko nang may magpapadyak sa aking likuran.

"My Goodness! hindi pa ba tayo papasok? kanina pa ako kating-kati sa mga damong 'to!" reklamo ni Ava habang gigil na kinakamot ang mga braso at binti niya.

Pulang-pula na ang katawan nito at kaunti na lang ay magsusugat na.

Napatingin naman ako sa binti ko at mayroon na itong talsik ng putik.

Anak ng...

Agad ko itong pinunasan ng tissue na hawak ko. Tinignan ko siya nang masama na siyang ikinangiwi niya.

"Oh, c'mon Princess Ava! wala ka sa palasyo niyo para mag-inarte." sarkastikong sambit ni Meign na animoy sawang-sawa na sa kaartehan nito.

Napailing na lamang ako.

"Welcome to MSU! anong maipaglilingkod ko sa inyo?"

Muntikan na akong atakihin sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ng isang boses. Nabaling ang tingin namin sa gilid nang may magsalita. Isa itong matabang babae na nasa 4'11 ang height at sa tingin ko ay nasa mid 30's naman ang edad. Nakasuot ito ng uniporme ng isang guard at may hawak na batuta.

Mitsushinawa UniversityWhere stories live. Discover now