Kabanata 5

17 2 0
                                    


DID YOU KNOW?
—That Jehoash was 7 years old when his reign began, and he reigned for 40 years. (2 Kings 12:1, 2 Chronicles 24:1) He was succeeded by his son, Amaziah of Judah.

ISAIAH 59:1
Behold, the LORD'S hand is not shortened, that it cannot save; neither his ear heavy, that it cannot hear:

ISAIAH 59:2
But your iniquities have separated between you and your God, and your sins have hid his face from you, that he will not hear.

KABANATA 5

"Careful," Uriah muttered carefully at naunang lumabas ng jeep para alalayan si Thessa sa paglabas. Nasa likuran naman ako ni Thess kaya kitang-kita ko kung paano siya ingatan ng lalake.

Kung hindi kami marami, kunti nalang iisipin kong third wheel ako sa lakad na 'to na supposed to be, kaming dalawa lang dapat talaga. Ayaw kase talagang magpa-iwan ni Uriah kahit binantaan na ni Thess. Nagpatigasan na rin ang iba pa kaya wala kaming choice kun'di dalhin nalang din sila.

Pagkalabas naming lahat, nagawa pang kumaway ni Sadam sa jeepney driver. Magkasama sila ni Daniel at magka-akbay sa isa't-isa.

"Salamat sa trip, manong!" anito at ngiting-ngiti. They're a ball of energy. Hindi talaga nawawalan ng kalokohan.

Sino'ng hindi, inarkilahan kase ni Saint ang buong jeep matapos abutin kami ng kalahating minuto kakabantay ng masasakyan sa labas ng gate. Bukod kase na may festival na nagaganap sa Molo, madalang lang ang nadadaang jeepney dahil sa pinatupad na bagong protocol kaya naghigpit na sa mga hindi commercial road.

Kaya nang nadaan si Manong driver na pauwi na sana galing sa pamamasada, pinarahan ni Daniel at kinausap ni Saint. He's so generous. Ang laki ng binayad niya kay Manong. Ni-hindi niya iniisip ang ginagastos, basta lang siyang humugot ng blue bills sa pitaka niya. Binayaran ang buong seatspace para lang maihatid kami.

Kung kami lang sana ni Thessa ang natuloy, kasya na kami sa tricycle, walang problema. Iyon ngalang sa katawan at tangkad nila, impossible. Mga six footer pa naman sila lahat maliban sa dalawa. Halos magkakasing-tangkad silang lima. Parang mga poste ng naglalakad.

"Ito na ba?" nilingon ko si Jethro at nagtama agad ang paningin namin kaya nangiti ito. Umiwas ako ng tingin dahil nakaramdam nahihiya at pinagmasdan ang malaking gate nang bagong bukas na theme park. May circus din sa kabilang bahagi kaya sa labas palang, maririnig mo na ang sigawan ng mga nasa loob. The place looks so alive and active.

Marami ang tao. Nagsisimula na ring magsi-ilawan ang mga ilaw sa lampost senyales na pagabi na.

"H'wag ka ngang lumayo sa akin!" hinatak ako ni Thessa sa tabi niya at humawak sa braso ko kaya nalingat ang atensyon ko. Pigil ang ngiti. Ang clingy talaga ng babaeng ito.

Habang ang mga lalake ay seryosong nag-uusap sa likuran. Mukhang pinag-uusapan kung sino ang babayad dito at saan. Napakamot nalang ng batok ni Sadam at Daniel at ngumisi sa isa't-isa. Malamang dahil walang balak sumali sa usapang pera kaya lumapit sa amin.

"Hahayaan nalang nating sila ang magbayad?" bulong ko kay Thessa na abala sa paglibang sa sarili sa nakikita. Tinutukoy ko ang registration fee na pinagpipilahan ng marami sa kabilang parte ng gate kung saan din ang guard house. I noticed some of the girls' eyes were glued to them in the back kaya bahagyang bumagal ang pila.

"Hayaan mo sila. Kasalanang nilang nagpumilit silang sumama edi sasagutin nila lahat. 'Tsaka h'wag kang mag-alala, kay Saint palang tiba-tiba na tayo." Hagikhik niya.

Echoes Of Mercy (DBS SERIES 3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora