Kabanata 2

33 2 0
                                    


DID YOU KNOW?
Jacob served Laban (Rachel's father) for 14 years before able to marry Rachel?

1 PETER 5:6
Humble yourselves therefore under the mighty hand of God, that he may exalt you in due time:

1 PETER 5:7
Casting all your care upon him; for he careth for you.

HOSEA 6:1
Come, and let us return unto the LORD: for he hath torn, and he will heal us; he hath smitten, and he will bind us up.


KABANATA 2




Buong linggo kong binaon sa isipan ang pangyayaring iyon. Kapag walang nakatingin, halos mapunit na ang labi ko kakangisi at parang tambol sa ingay ang pagkabog ng dibdib ko.

It was the first time I felt a foreign feeling circulated in my veins. I feel like my stomach is filled of butterflies and my eyes glittered in different colours like a rainbow in the sky. Tila ba dayuhan ang pakiramdam na iyon at hindi ko maintindihan kung bakit ganu'n na lang ka hina ang katawan ko upang magprotesta.

Naiinis ako pero at the same time kinikilig. Sa dinami-daming nakasalamuha kong lalake, kay Saint lang ako kinikilig sa tuwing maiisip ang pagtatagpo namin. I can't help but adore his gentle personality and that addicting smile. Parang nawawala ako sa isipan ko!

Lunes, doon ko lang siya nakalimutan dahil naging busy na sa paparating naming exam. Crush na crush ko man siya, pinili ko pa ring i-set aside na muna ang paghanga dahil mas importante pa rin ang pag-aaral kaysa ang crush-crush na 'yan.

Tinatahak ko ang kahabaan ng hallway ng eskwelahan patungong canteen nang biglang humarang sa harapan ang grupo nina Judson kaya napatigil ako at napatingin.

"Magandang araw, Lib," bati niya.

Nasa likuran niya ang mga kaibigan na sina Haris at Cole. Sa eskwelahan, sila ang tinaguriang sikat at kilala lalo na't membro sila ng varsity team. Nasa top section sila ng grade level namin. Galing sa mayamang pamilya at pinag-aagawan ng mga babae. Kaya nagtataka ako ngayon kung bakit ito tumigil sa harapan ko at binati pa.

Judson smirked and flashed his white teeth.

"Libre ka ba ngayon?" tanong nito. Nasa likuran lang ang dalawa at kapwa rin nakatingin sa akin. Parehas aroganteng tingnan pero hindi naman masyado kapag nakangiti sila.

"Patungo kase akong canteen ngayon." Halos mautal na sagot ko at humigpit nag hawak sa dalawang mga notebook. Reviewer ko para mamaya.

Ang ibang napapadaan ay naiiwan ang tingin at kuryuso kung bakit ako kinakausap ng sikat na grupo sa eskwelahan. May iba pang masakit ang tingin sa akin at nagbubulungan.

"Edi tamang-tama. Papunta rin kaming canteen ngayon. Gusto sana kitang ayain, libre ko." Anito at pinasadahan ang buhok sa noo at ngumisi na naman na akala niya nagagandahan akong tingnan. Pero ang totoo, na-aalidbaran ako.

Hindi agad ako nakasagot. Nagpasalin-salin sa kanilang tatlo ang tingin ko.

"Sige na, Lib. Don't worry, hindi ka naman namin sasaktan. Mga mababait naman kami." Salita ni Cole na marahang natawa.

"Kaya nga. 'Tsaka gusto sana kitang makilala pa. Pwede ba?" Judson's hopeful eyes sent a knock to my conscience.

Papayag ba ako? Pero paniguradong kaiinggitan na naman ako nito ng mga fangirls niya. Pero wala naman sa masamang kumain kasama sila 'di ba? Nahihiya rin kase akong tanggihan.

"Sige," payag ko na ikina-ngiti ni Judson.

"Alright. Let's go." Aniya at tumabi sa akin. Sina Cole naman at Haris ay nasa likuran namin.

Echoes Of Mercy (DBS SERIES 3)Where stories live. Discover now